Five : PLANS

904 49 10
                                    

Kayden's POV

Natatawa talaga ako kay Issa, kilig na kilig talaga sya. Kundi ko lang talaga mahal ang bubwit di ko talaga gagawin ito eh. Buti na lang talaga at medyo hawig ko ung korean crush nya. Atleast di ako mahihirapan na mapalapit sa kanya. Kung bakit naman kase nangyare un, edi sana masaya na kami ngayon.

Kaagad namin silang sinundan kanina pagkatapos nila magperform. Kaagad ko rin naman sya nilapitan, gusto kong humagalpak ng tawa nung makita ko ung expression nya. As in gulat na gulat sya.

Nagdesisyon ako na magaudition sa Dance Club, para mapalapit at mabantayan sya. I'm sure ganun din ginawa ng mga tropa ko. Lalo na si Jax at Edward, dahil saming lahat sila ang pinakaapektado.

Nandito na kami ngayon sa studio, nakita ko na medyo marami ang gusto mag-audition,

"Are you sure you can handle them?" turo ko sa mga auditionees.

"Kaya ko naman siguro, hehehe", sabay kamot ng ulo.

"Let me help you," sabi ko

"Huh? You? Help? Me?" putul-putol na tanong nya.

"Yeah, Can I?" balik tanong ko.

"Oh okay, just ano! Upo ka na lang dito and ipafill up ito. okay? tapos papasukin mo sila. thank you." sabi nya.

"No worries. I'm glad to help you." saad ko

"Alam mo parang narinig ko na boses mo somewhere? di ko lang talaga maalala" sabi nya

"Really? " I ask with amusement.

"Ay ewan, basta! Sumasakit ulo ko." sabi nya

"Are you okay?" agad na tanong ko.

"Yeah. Sige na dyan ka lang. Dito lang ako muna". at naglakad na sya papunta sa gilid ng studio.

Napaisip naman ako. Bakit sumasakit ulo nya? Dahil lang sa familiar ang boses ko? Merong hindi tama.

------
Zeke's POV

Sinundan ko agad si Chloe, hindi ko alam kung paano ako makakasali sa club nya. Di naman ako ganun kagaling sa Math at Science. Pambihirang buhay naman oo. Pumasok agad ako sa studio nila, nagulat naman ako ng humarang sya at nagsalita

"Hep,hep sa ka pupunta mister? Hindi ka po kasapi sa club na ito kaya makakalabas ka na", masungit talaga.

"Chlowd ", un na lang nasabi ko.

Nagkatitigan kami, at bigla syang kumapit sa braso ko. Bakit anong nangyare sa kanya. Agad ko syang inalalayan para makaupo.

"Chloe, ayos ka lang ba?", tanong ko.

"Oo, nahihilo lang ako. Ano nga ulit tinawag mo sakin kanina? Bakit parang narinig ko na yan noon?", sabi nya.

Napaisip ako, nakaapekto ba ang pagtawag ko ng Chlowd sa kanya? Is it a good or bad sign?Bakit kase nangyare pa un!

"Nuh nevermind, wag mo na isipin un. Anyway I am Ezekiel Paterson, pwede ba ko magapply as assistant mo or secretary ?", tanong ko

"Pag-iisipan ko. Umalis ka na nga sa harapan ko. Okay na ko." pagtataboy nya sa akin.

Napangiti ako, sya pa rin talaga si Chloe. Ang number 1 sa kasupladahan.

Habang tinitignan ko sya napaisip ako, gaano ba kami katagal nawala? At bakit ganito ang nangyare?

Sobrang sakit na makita mo ang taong mahal mo pero di mo sya magawang yakapin. Pero mas naaawa ako sa dalawang kaibigan ko, si Edward at Jax, higit sa samin. Sila talaga ang naapektuhan.

STOLEN MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon