Edward's POV
Pagkalabas ni Dale ay agad ko na itong sinundan. Gusto ko man silang sagutin kanina hindi ko na nagawa. Ayokong mawala sa paningin ko si Dale, baka sya naman ang makuha ni L. Nakarating kami sa rooftop ni Dale, agad syang lumapit sa railings at napaupo na lang ito sa kakaiyak.
"Mhie, stop crying please. Remember what I told you before? You look ugly when you cry." I said.
"Baliw ka talaga kahit kailan dong." she said while wiping her tears
"Dong, mali ba na mahalin kita? Mali ba talaga na nakilala ko kayo? Ang sakit kase eh, ayoko naman mangyari ito eh." pasinghot singhot na sabi nya
"No Mhie, walang mali doon. Hindi lang talaga matanggap ni L na ikaw ang mahal ko at hindi sya. Bago pa man kita nakilala, ganun na si L. She was claiming that she was mine. Na lagi ko naman kinokontra. But then you came, you and L became friends, so did we. But things change, I fell inlove with you, I tried to stop my feelings for you but I can't. Ilang beses akong tinakot ni L para lang hindi ka ligawan. Pero noong magkaaminan tayo, at sinabi mong kaya mo kong ipaglaban, naniwala ako doon. Kaya diba sabay nating hinarap si L. Ang buong akala natin okay na. Pero yun pala ang simula ng pagkatrigger ng sakit nya. Then Jax appeared, so as Zoey. Zoey is a kind of person na hindi nagpapatakot kaya ilang beses din silang nagkainitan ni L. At lalo pa itong nagalit nang accidentally mabaril nga ni Zoey ang kapatid ni L. Pero like Zoey said, ginawa nya yun dahil alam nyang mapapatay ka ni L. Marydale, ang lahat ng ito ay dahil sa kabaliwan ni Lucienne. Kaya wag mo sisihin ang sarili mo." I said.
"Pero bakit ganun? Di ko akalain na masasabumi Austin at Kayden yun. Dong, parang kapatid ko na sina Elle. Sa loob ng ilang taong wala kaming maalala, sila lang ang karamay ko. Oo alam ko masakit para sa kanila. Pero mas doble ang sakit nun para sakin. Kase sinasabi ng utak ko na kasalanan ko ang lahat." iyak nito
"No mhie, wala kang kasalanan okay? Naiintindihan ko sila, natatakot lang ang mga yun na mawala ang taong mahal nila. Gaya ko, takot din akong mawala ka. Kaya gagawin ko ang lahat para lang protektahan ka." sagot ko.
"Salamat Edward huh, lagi lang nandyan para sa akin. Simula pa noon hanggang ngayon." sabi nya
"Dahil mahal na mahal kita Marydale. Ikaw lang mamahalin ko habang buhay." at niyakap ko sya ng mahigpit.
Nang biglang bumukas ang pinto, niluwa si Jax at Zoey. Mukhang kagagaling lang din nya sa pag-iyak.
"Finally, nahanap din namin kayo!" Zoey said.
"Pwede nyo ba kaming iwan muna? ni Zoey?" tanong ni Dale.
"Pero Dale," kontra ni Jax.
"Please?" tingin nito sa amin. Tumango na lang ako kahit ayaw ko silang iwan.
Nang maisara namin ang pinto ay naglakad kami ni Jax patungo sa may hagdan. At doon namin napagpasyahang umupo. Para atleast kahit papano makikita namin ang mga umaakyat papuntang rooftop.
"Kasalanan ba talaga natin bakit sila nadadamay?" Jax asked.
"Sa totoo lang di ko rin alam bro, sa mga nangyayari parang gusto ko na rin sisihin ang sarili ko. Nagmahal lang naman tayo. Pero bakit ganun ang daming nadadamay." sabi ko.
Magkasabay na buntung-hininga ang pinakawalan namin ni Jax. Mabuti na lang at may kasama ako kundi mababaliw din ako kakaisip dito.
Ano kaya pinag-uusapan ng dalawa?
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chloe's POVNgayon ang araw na sinabi ni Denver na ipapasundo nya ako. Handa na akong umalis, ayos na rin ang mga gamit na dadalhin ko, at isang flash drive dahil nandoon lahat ng kailangan laban kay L. Halos di rin ako makatulog ng maayos para kasing anumang oras ay may di magandang mangyayari.
Isang katok ang pumukaw ng diwa ko, agad kong tinungo ang pinto para buksan ito. Nagulat ako ng si Rollo ang makita, paano? Paano nya nalaman ito?
"Halika na Chloe, kelangan kita para iligtas sina Elle. Ikaw lang makakatulong ko sa mga oras na ito." sabi nito.
"Ano, bakit?" tanong ko
"Nakuha na ni L, sina Brielle, Audrey at Issabella. Sa ngayon nandun sila sa isang rest house ni L. Alam ko yun pero kelangan ko ng tulong mo." sabi nito
"Pero paano yung susundo sa akin?" tanong ko.
"Hayaan mo na yun, unahin natin sila. Baka di na natin sila abutan ng buhay." seryosong sabi nito.
Hindi ako nagdalawang isip na sumama sa kanya. Sa sasakyan pa lang ay sobrang kabado na ako. Tinuro lang nya ang gagawin ko. At kung saan ko sila hihintayin.
Nang makarating kami sa lugar na tinutukoy nya,
ay agad na binigay nyanang isang mouthpiece at headset sa akin at isang maliit na mic ang nilagay nito sa damit nya. Na sa sobrang liit ay di mo agad mahahalata."Mag-ingat ka Rollo," sabi ko.
"Makinig ka Chloe, hawakan mo ang baril na ito. Kahit na sinong makita mo at nagpumilit na pasukin ang sasakyan na ito. Barilin mo. Kalibitin mo lang ang gatilyo. Wag ka mag-alala. May papunta ng resbak dito." sabi nya ulit
"Huh? Sino?" tanong ko
"Papunta si Caleb, Zeke at Maddie dito. Si Austin at Kayden naman tumawag na ng pulis. Si Denver hinahanap si L. Malamang wala yun dyan sa loob." sagot nya
"Teka nasaan sina Dale?" tanong ko ulit.
"Di ko rin alam Chloe, hindi na nasabi Maddie. Ang sabi lang nya, mas mabuting wala silang alam. Alam ko nahihirapan narin sila. Hindi naman tamang sisihin nila ang mga sarili nila." sagot nito at binuksan na nito ang pinto ng sasakyan
"Mag-ingat ka Rollo," sabi kong muli. At tumango ito sa akin.
Mag-iisang oras na rin akong naghihintay dito pero wala pa rin akong naririnig mula sa loob. Kinakabahan na ako at the same time natatakot. Nang biglang may kumatok sa bintan ng kotse. Mabuti na lang at tinted ito kaya di nila makikita if may tao sa loob o wala. Natatakot akong silipin ang nasa labas baka kase mga tauhan ni L.
"Chloe, si Zeke ito. Open this baka makita kami ng tauhan ni L." sabi nito.
Pero di pa rin ako umimik, dahandahan akong lumapit sa may bintan para silipin kung si Zeke nga ito. Nang masilip kong mabuti kung sya ay agad kong binuksan ang pinto ng sasakyan.
Pagkapasok nito ay binuksan nya ang mga pinto sa likod ng driver seat at pinapasok ang mga kasama nito.
"Finally Bro, ang creepy pa naman sa labas" si Caleb ito.
"Ang dami mo talaga reklamo Caleb" si Maddie
"Ah, Hi!" sabi ko at tumingin sa pwesto nila
"Oh My God! Chloe? Shocks. Totoo ba ito? Yung totoo? Di ba ako nananaginip?" tili ni Maddie.
Kaagad na tinakpan ni Caleb ang bibig nito.
"Sheeesh, quiet Maddie baka may makarinig sa satin dito." babala nito"But how? I mean. Oh my God besh Chloe, di ako makapaniwala. Halos ilang buwan ka rin namin iniyakan tapos di ka naman pala patay" sabi nito na may halong tampo.
"Wag ka na magtampo besh, plano ito nina Denver at Caleb. And see effective naman di ba?" sabi ko
Magsasalita pa sana si Maddie ng magsalita si Rollo sa mic,
"Chloe, standby. Paalis na si L dito. Nandyan na ba sila?" tanong nya
"Oo, Rollo nandito na sila. Standby lang kami. Ingat ka dyan." sabi ko
"Good. Sige tatawag ako ulit pag sisimulan ko na. Wait for my signal." sagot nya.
"Sana lang magawa natin ng maayos ito" sabi ni Caleb
"Tiwala lang, tiwala lang." sabi ni Zeke at hinawakan nito ang kamay ko.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
A/N :
Thanks for reading po.
Comments are highly appreciated po.
Salamat. 😘😘
BINABASA MO ANG
STOLEN MEMORIES
FanfictionAng storya pong ito ay inaalay ko sa mga KA-SQUAD ko! Alam nyo na kung sino kayo. Kung wala kayo wala rin ang storyang ito. Kaya salamat. Highest Rankings : #7 - #Mayward #8 - #sacrifices Salamat po sa lahat ng nagvovote... 😘😘