Twenty : ALIVE

551 38 14
                                    

Chloe's POV

Habang pinapanuod ko ang video ng pag-uusap ng mga kaibigan ko,di ko mapigilang magulat. Di ako makapaniwala sa mga sikretrong nabunyag. But there are still some questions left unanswered. Gaya nang paano ako nabuhay? Eh kahit sina Mhaddie/G at Rollo ay hindi alam ang plano ni L? Paano ako nailigtas ni Denver? 

Sa totoo lang sobrang naguguluhan ako, tulad ngayon naisip ko paanong navideohan ni Danver ang loob ng hide out ni Maddie at bakit nya yun alam? Alam ko na Ex nya si addie, at alam ko rin kung gaano sya isumpa nito noon. Nakakasira nang utak.

Ako lang mag-isa ngayon dito sa private house nya. Pagkatapos nya ako bigyan ng pagkain kaninang madaling araw ay natulog na sya. At kaninang tanghali ay may sinend syang video sa cellphone na iniwan nya. Yung video nga ng mga kaibigan ko. Nagbilin lang sya na wag ako magpapapasok ng kahit na sino. At huwag na huwag bubuksan ang pinto. May sarili naman daw syang susi para makapasok dito.

Halos maghapon kong paulit-ulit na pinanuod yung video, nakatulog na lang ako sa sobrang inip. Nagising ako ng may maramdaman akong naglalakad malapit sa sofang tinulugan  ko. Madilim na sa labas, ilang oras din pala akong nakatulog. Tinignan ko ang lalaking nasa harapan ko ngayon, napakalaki ng utang na loob ko sa kanya. Kundi sa kanya ay baka patay na ako. Marami akong gustong itanong, pero di ako makapagsalita. Napapitlag ako ng bigla syang magsalita.

"Kumain ka muna Chliloe, pasensya ka na ginabi ako. May kailangan lang ako tapusin at ayusin. May hihintayin lang tayo." sabi nito at inabutan ako ng pagkain.

"Salamat Denver. Pero sino hihintayin natin?" tanong ko

"Isang taong importante sa iyo. Kumain ka na muna sige na. Mamaya ka na magtanong." sabi nya ulit.

Naglakad ako papuntang kusina dala-dala yung pagkain na dala nya. Ininit ko ang dala nya dahil malamig na ito. Ng matapos ako ay lumabas ako ng kusina upang tawagin sya at alukin na samahan akong kumain. 

Nakita kong may kausap sya, mukhang ito ang sinasabi nyang hinihintay namin, lumapit ako sa kanila at sinabing, "May kausap ka pala Denver?".

Nang bigla akong yakapin ng kausap nya, kakalas na sana ako sa mahigpit na yakap nito ng bigla syang magsalita, "Totoo ba ito? Totoo bang nasa harapan kita? Totoo bang nahahawakan at nayayakap kita? Sabihin mo di ako nananaginip. Please sabihin mo."

"Yes Zeke, buhay ako! Buhay na buhay! Salamat kay Caleb at Denver dahil buhay parin ako." sagot ko at niyakap sya.

Tama nga si Denver, isang napaka espesyal na tao ang narito ngayon. Pero paano nya nalaman?

"Oh kumain na muna kaya kayong dalawa, mamaya na kayo maglambingan. At mamaya nyo na rin ako tanungin." sabi nito sa amin.

Agad kaming naghiwalay ni Zeke. Nakakahiya. 

"Samahan mo na kami Denver" sabi ko

"Oo nga tol, kumain ka rin dahil marami kaming itatanong." sabi ni Zeke

"Sige, tara na" nauna nang naglakad papuntang kusina si Denver

Naglakad na rin kami ni Zeke, pasunod sa kanya. Nang bigla akong kabigin ni Zeke at halikan sa ulo, sabay sabing "Hindi mo lang alam Chloe, kung gaano ako kasaya ngayon. Mahal na mahal kita tandaan mo yan." hinawakan nya ng mahigpit ang kamay ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad papuntang kusina.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na mapangiti sa ginawa nya, ibang klase talaga magpakilig ang lalaking ito. Mabuti na lang at hindi sya nahahawa sa kalokohan ng mga kaibigan nya. At nagpapasalamat ako na dumating sya sa buhay ko.

-------
Denver's POV

Pagkatapos kumain ay sabay-sabay na kaming nagtungo sa sala. Nang makaupo kami ay agad na nagtanong si Zeke

STOLEN MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon