Seven : SECRETS

690 36 21
                                    

Dale's POV

Pauwi na kami ngayon sa bahay ni Audy. Dito kase kami nakatira, sya ang kumupkop samin noon. Ilang taon na nga ba ang nakalipas, noong magkita-kita kami ng hindi sinadya?

Sa mga nakaraang buwan, napapansin ko ang kakaibang ikinikilos ni Zoey, parang may nais syang sabihin samin. Minsan naguguluhan na rin ako, dahil may mga mukhang bigla na lang lumalabas sa aking balintataw.

Isa sa mga mukhang yon, ang lalaking tinititigan ko kanina. Ilang buwan na syang laman ng panaganip ko, minsan ay may mga pangyayaring bigla na lamang pumapasok sa isipan ko.

Hindi ko alam kung totoo bang nangyare yun o dahil nangyare yun sa nakaraang buhay. Naniniwala kase ako sa reincarnation. Baka sa naunang buhay ko nangyare ang mga gunitang yun. Pero naitanong ko, bakit kapag naiisip ko na totoo nga ang mga bagay na yun ay sobrang nasasaktan ako? Bakit kaya?

Tinignan ko si Zoey na pababa na ngayon ng sasakyan, nandito na pala kami. Nakita ko kung paano nya titigan ang mga kaibigan namin. Parang may takot at lungkot sa mga mata nya. Kaagad ko syang tinapik sa balikat at sinabing
"may problema ba beh?", gulat syang napatingin sa akin. Nginitian nya lamang ako at niyakap. Pero nagulat ako ng may ibinulong syang mga salita na talaga namang nagpawindang ng buhay ko.

TUNAY BA TALAGA ANG SINABI NYA? Pero bakit?

------
Edward's POV

Kitang-kita ko dito sa pwesto namin kung paano nagulat si Dale sa ginawa ni Zoey. Matagal silang nagyakap, parang may ibinubulong ito. Ano kaya sinabi nya? Gulat kase ung nakarehistro sa mukha ng babaeng mahal ko.

Hindi ko pa rin nasasabi sa mga boys ang sinabi G, pare-pareho kami ngayon nakatanaw sa mga babaeng sabay-sabay nawala sa buhay namin.

Halos tatlong taon din namin silang hinahanap. Parang may humaharang samin na makita sila. Halos libutin namin ang buong mundo para lang matagpuan sila. Noong nakaraang taon pa namin alam kung nasaan sila. Pero pinigilan kami ng kapatid ko puntahan sila. May mga sinabi sya noon na naging dahilan upang mabuo ng misyong ito.

Maraming taon na ang nasayang, kinailangan muna namin alamin ang totoong nangyari limang taon na ang nakakaraan pero marami pa ring kulang. At mukhang sila lamang ang makakasagot nun.

Nang makapasok na ang mga babae sa loob ng bahay nila ay nagpasya na rin kaming umuwi sa bahay na tinutuluyan namin. Kelangan makausap ko sila ngayon para sabihin ang mga sinabi ni G.

--------
Rollo's POV

Nakarating na kami dito sa tinutuluyan namin, pagkapasok namin ay agad na nagsalita si Edwaed.

"Mga bro's dito muna tayo sa sala. Kelangan natin mag-usap. About sa mga girls." sabi nya.

Agad naman kami naupo sa sala. Si Kayden at Ezekiel ay kumuha ng maiinom sa kusina sumunod din naman sila kaagad. Nang makumpleto kami ay agad na nagsalita na muli si Edward.

"Alam nyo naman na di pa natin masyado kilala ang taong nasa likod ng lahat ito . Pero kanina may isang taong kumausap sa akin, ang sabi nya tutulungan daw nya tayo para mapalapit sa mga girls. Pero kelangan natin umarte na hindi natin alam ang mga magiging plano." sabi nya.

"So, ano ang plano natin ngayon? Magpapanggap na hindi natin sila kilala?" agad na sabat ni Jax

"Oo bro, sa ngayon wala tayo magagawa. Si G lang mata natin sa mga girls. " si Edward ulit

"Jax, bro alam namin na ikaw ang nahihirapan sa aming lahat. Pero sa ngayon makiayon na lamang tayo sa plano ni G. Tanging sya lang ang nakakausap sa may sala. Kaya konting tiis lang bro," sabi ko

Nakikita ko sa mukha nila ang pag-aalala para kay Jax. Gusto ko man sabihin sa kanila ang nalalaman ko. Pero hindi pa pwede. Di pa ito ang tamang panahon.

-----
Caleb's POV

Nakatitig lang ako kay Edward habang nagsasalita sya. Paano ko ba sasabihin sa kanila na kilala ko mismo ang may kasalanan ng lahat ng ito?

Natatakot din ako sa magiging reaksyon nila. Lalo na pag nalaman ng mga girls. Kelangan ko humanap ng pagkakataon para makausap si Edward. Gusto ko makilala si G. Dahil naniniwala ako na kaya ko syang tulungan sa mga plano nya.

Nagsitayuan na sila at pumasok sa mga kwarto nila. Nagpunta naman ako sa terrace kung saan kita ko ang kalangitan. Tumingala ako at nakita ang mga bituin. Kasabay non ang pagtulo ng luha ko. Kahit lalaki ako, di ako nahihiyang umiyak. Lalo na at sobrang sakit na.

"Kelangan mo ng kausap?" tanong ni Kayden sa akin at nakita kong kasama nya si Zeke.

"Nakakapagod na rin di ba?" tanong ko.

"Oo, minsan naiisip ko rin na baka talagang itinadhana na mabuhay kami ni Chloe ng magkalayo. Pero may isang bahagi ng puso ko ang nagsasabing ipaglaban ko ang tama. Sapat na ang ilang taong nagpatakot tayo." sagot ni Zeke

"Iniisip mo si Elle?" nakangiting saad ni Kayden.

"Oo, pero mas iniisip ko ang magiging reaksyon nya pag nalaman na nya ang buong katotohanan", sagot ko

"Alam mo sa ating lahat, kayo lang ni Elle ang di ko alam ang love story. Paano nga ba kayo nagkakilala?" tanong ni Maru

"Eh kase bro, wala kayo nun dito. Nasa Germany kayo. Wag mo na nga ipakwento. Nalulungkot na ung tao, pahihirapan mo pa lalo," sabi ni Kayden at binatukan nya ito.

"Ang brutal mo talaga kahit kelan. Isusumbong kita kay Ulap ko!" parang batang sabi ni Zeke

"Letse! Naalala ka ba nya?" natatawang sabi ni Kayden at iniwan kami ni Zeke dito sa terrace.

Biglang syang nagsalita "Alam mo bro, sooner or later malalaman din namin yang gusto mo sabihin. Handa naman kami makinig kung ano man yang nasa loob nyan," sabay turo nya sa puso ko.

"Itinuring ka na rin naming kapatid. Kaya sana pagkatiwalaan mo kami. Kaya namin tanggapin lahat. Kinaya nga namin ung limang taon di ba?" tinapik nya ko sa balikat at pumasok na sa loob.

"Isa sa mga araw na ito, sasabihin ko na talaga sa inyo ang buong katotohanan. Kelangan ko ng ipunin ang lakas ng loob ko" naisip ko.

--------------
AUTHOR'S NOTE :

Maraming salamat po sa lahat ng nagbabasa.
Tumatanggap po ako ng mga comments hehehe. Kung may iba mang nagbabasa nito.

PS : Para sa mga ka-SQUAD ko !!!
SALAMAT SA FULL SUPPORT ! IBA TALAGA KAYO.
MAHAL NA MAHAL KO KAYO. 😘

STOLEN MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon