Twenty-Five : ZEKE and CHLOE

410 24 8
                                    

Zeke's POV

Nandito pa rin ako sa rest house ni Denver kasama si Chloe. Hindi maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko lalo na at nasa tabi ko lang ang babaeng ihaharap ko sa altar. Matapos lang ang lahat ng ito. Aayain ko na talaga sya magpakasal. Sa totoo lang napagplanuhan na naming mga boys ito noon, pero wala eh. Bwisit na L kase yan.

Nakaupo kami ni Chloe sa tabing-dagat at may bonfire. Mabuti na lang nasa liblib at tagung-tago talaga ang rest house na ito. Tinignan ko siya habang nakatanaw ito sa dagat.

"Ang ganda dito diba?" sabi ni Chloe

"Oo nga, ang ganda" sabi ko habang nakatitig pa rin sa kanya.

"Ay! Bat sakin ka nakatingin!" tingin nya sa akin ng masama.

"Totoo naman Chloe. Maganda ka. Ikaw lang ang tanging maganda sa paningin ko. Ikaw lang ang magandang nakikita ko." sabi ko

"Ewan ko sayo Zeke ah! Di ka na nagbago." sabi nya.

"Wala naman nagbago di ba? Mahal pa rin naman kita. Hindi naman nawala yun, ikaw pa rin naman ang nag-iisang babae na minahal ko simula noon hanggang ngayon. Ikaw pa rin yung babaeng gusto kong iharap sa altar sa tamang panahon", sabi ko.

"Alam mo Zeke, hindi ko alam kung san mo nakukuha yang mga cheesy lines mo eh. Di ko rin alam kung kikiligin ako o masasapak kita sa kakornihan mo eh." natatawang sabi nya.

"Mahal ko, okay lang kiligin, wag mo lang akong sapakin. Sayang yung gwapo kong mukha" biro ko sa kanya.

At yun nga di na sya nakatiis binatukan na nya ako. Pero ok lang, si Chloe kase yan. Ganyan kase sya pag kinikilig. Mapanakit. Pero kahit ganyan sya mahal na mahal ko sya. Oh! Umay na ba kayo? Eh wala eh mahal ko kase talaga sya. Pagkatapos nya ako batukan, nagulat na lang ako ng bigla nya ako yakapin. Backhug kumbaga. Nasa likuran ko kase sya ngayon.

"Zeke, salamat sa pagmamahal mo huh? Alam ko minsan nasasaktan na kita physically, eh kase di ko alam kung paano ko itatago sayo na kinikilig ako. Kaya minsan nasasapak kita at nasasabunutan. Ewan ko nga sayo eh, ang brutal na nang trato ko sayo, pero di mo pa rin ako iniiwan. Pero salamat talaga? Tanggap mo ako kung ano ako. Tandaan mo lagi ito, mahal din kita Zeke, simula ngayon sisikapin kong ipadama sayo yun." sabi nya.

Hinila ko sya paharap sa dagat, ako naman ngayon ang nagbackhug sa kanya. Tahimik lang kaming nakatingin sa dagat. Nakaupo pa rin kami sa tabi ng bonfire. Nang may bigla akong maisip. Mabuti na lang dala ko yung gitara Denver kaninang nagpunta kami dito. Kumalas ako sa pagkakayakap kay Chloe at kinuha yung gitara.

"Mahal ko, kakantahan na lang kita ah." sabi ko.

Nagsimula akong mag-strum sa gitara

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagsimula akong mag-strum sa gitara.

(Please watch the video below)

Nakatitig lang ako sa kanya habang kumakanta. Nasa buong kanta na kase yung gusto ko sabihin sa kanya.

Pagkatapos ng kanta ay nilapag ko ang gitara. Agad kong kinabig si Chloe para yakapin sya. Hindi na ko nakatiis, hinawakan ko ang mukha nya at hinalikan sa labi. Sasamantalahin ko na ang pagkakataon habang sweet pa yung atmosphere.

Nang matapos ko syang halikan ay hinawakan nya ang mukha ko. Akala ko masasampal ako ng wala sa oras. Pero hinaplos nya lang iyon ng buong pagmamahal.

Hays ! Kaya mahal na mahal ko sya eh. Iba sya sa lahat ng nakilala ko.

-------
Chloe's POV

Magkayakap pa rin kami ni Zeke dito sa tabing-dagat. Nilalasap yung sweet moment na meron kami ngayon. Di kase namin alam kung hanggang kelan na naman ang katahimikan na nararanasan namin ngayon.

Walang nagsasalita sa amin, pagkatapos nya ako halika kanina niyakap na lang nya ako. Maski rin ako di ko alam ang sasabihin. Masyadong masaya ang puso ko, sapat na yung yakap nya para mapanatag ako.

"Mahal ko, may isang bagay pa sana ako sasabihin sayo. Kaso di ko alam kung paano eh. Kase ano .." sabi niya

"Eh? Kase ano?" sabi ko

"Dahil sa sitwasyon natin, mukhang hindi pa kase ito yung tamang oras" sya ulit

"Kelan pa ang tamang oras? Kapag nanggulo na ulit si L?" sabi ko sa kanya.

"Sabagay tama ka" sabi nito

Nakita ko syang may kinuha sa bulsa nya. Huminga sya ng malalim at tumingin sa akin ng deretso.

Mukhang alam ko na kung ano ito, pero kinakabahan pa rin ako. Grabe ganito pala ang pakiramdam.

"Chloe, siguro ito na nga ang tamang panahon para dito. Kahit na may mga nagbabadya pang di magandang mangyayari. I want to seize this moment, Mahal, eversince I met you I know ikaw na ang huling babaeng mamahalin ko. From the moment I first saw you, I knew na ikaw na nga. Ikaw na yung babaeng hinahanap ko. Ikaw na yung magiging ina ng mga magiging anak ko. Ikaw na ang makakasama ko sa aking pagtanda. Chle, mahal ko ARE YOU WILLING TO GROW OLD WITH ME?"

I'm speechless nag-unahan sa pagpatak ang mga luha ko. Di ko alam ang sasabihin dahil sa sobrang sayang nararamdaman ko ngayon. Nakita kong binuksan nya ang hawak nyang kahon. At tumambad sa akin ang engagement ring. Niyakap ko lang si Zeke di na kase ako makapagsalita sa kakaiyak.

"So it is a YES then?" sabi nya

"YES Zeke, I will grow old with you." sa wakas nasambit ko rin sa kanya .

Niyakap nya ako habang nagsisisigaw sya. I still can't believe na kahit sa gitna ng mga nangyayareng di inaasahan. May maganda pa rin pa lang mangyayare sa akin, sa amin ni Zeke.

Hinigpitan nya ulit ang yakap sa akin, at muli ay ginawaran ako ng halik sa labi.

Sadyang napakasaya ng gabing ito. Gagawin ko ang lahat para lang mailigtas ang mga mahal ko. Ang mga kaibigan ko, na alam kong nasasaktan ngayon dahil ang buong akala nila ay wala na ako. Pero sa ngayon di na muna ako magiisip ng negative vibes. Gusto ko munang lubusin ang kasiyahang nararamdaman ko. Binitiwan ako ni Zeke, nagtatatalon at nagsisisigaw sya roon. Hindi rin maalis sa labi ko ang mga ngiti. Muli kong tinignan ang singsing na nasa kamay ko ngayon.

 Muli kong tinignan ang singsing na nasa kamay ko ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ang ganda nito, simple lang. Pero para sa akin napakaganda nito.

"Humanda ka L! Hindi ako papayag na may masaktan pa sa mga kaibigan ko! Lalo na ang future husband ko! Gagawin ko ang lahat mailigtas lang silang lahat sa mga kamay mo."sabi ko sa utak ko.

------------
A/N :

Enjoy reading 😘😘

STOLEN MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon