Twenty-Six : MIKE and AUDY

369 24 6
                                    

Austin's POV

Ilang araw na rin ang lumipas noong ipacremate namin ang sunog na katawan ni Chloe. Halos gumuho ang mundo ng mga kaibigan namin. Wala si Zeke noon, pero nagface time kami at sinabi nyang sa kanya na lang daw ibigay yung abo. Mukhang nagsosoul searching sya dahil sa pagkawala ni Chloe. Alam naman namin kung gaano nya kamahal yun. Naalala ko pa nga noong magpopropose na dapat sya pagbalik namin ng Pilipinas, after nung school tournament na sinalihan namin abroad. Kaso ayun nga nangyare nakialam si L. Ang pag-ibig nga naman nakakabaliw. Mantakin nyong mabaliw si L sa dalawang lalaking kaibigan ko.

Nasa conference room ng mga University Mag Staffs kami ngayon, Edward and Dale are our featured model of the month. Sanay na daw silang si Dale lang nagfefeature sa mga university mags. Pero lately madalas sila makitang magkasama kaya nabuhay yung loveteam nilang MayWard.

Busy ako sa pagrereview ng mga articles na sinulat ng ibang writer's and busy din sila na isetup ang mga photoshoot ng MayWard.

Tinignan ko si Audrey, na mukhang stressed na stressed. Lumabas ako sandali at nagdecide bumili ng pagkain. Para na rin sa buong team.

I bought some canned drinks and chichiria. But for Audrey, I brought her favorite, blueberry milkshakes and chicken salad.

Nang makarating ako sa room, agad ako nagsalita

"Come on guys, relax lang muna tayo. Kain muna kayo. I bought some snacks."

Kaagad naman silang nagsitigil sa ginagawa nila at lumapit sa akin.

"Whoaahhh! Salamat Austin! Tummy saviour ka!" Gail said, one of us.

Agad kong nilapitan si Audy, at inabot yung binili kong Milkshakes at Chicken Salad.

"Audy, kumain ka muna. Kanina ka pa nakasubsob dyan", sabi ko.

"Woyy Mayor Austin, bat alam mo yung favorite ni Mayora?" tanong ng isa.

"Stalker ka noh?" Gail said

"Ako? Ang gwapo ko namang stalker? Hahaha. Di ba pwedeng nalaman ko sa mga kaibigan nya.?" sabi ko

Kinuha naman ni Audrey yung binili ko, at tinignan ako.

"Thank you, Austin.", she smiled.

That smile! Namiss ko yun.

Habang busy sila sa pagkain, tinabihan ako ni Audrey, tahimik lang kami parang nagpapakiramdaman lang kami.

"Masarap ba?" tanong ko.

"Ang alin?" balik tanong nya.

"Yang milkshake? iba ata iniisip mo eh" sabi ko

"Shit! Tumahimik ka Austin! Nahihiya ako!", she said

Natawa ako sa reaksyon nya. Hindi pa rin sya makamove on.

--------
Audrey's POV

Baliw talaga itong Austin na ito! Halos mahimatay na nga ako sa kilig eh. Tapos kung makapagtanong ng masarap! Ay ewan. Nakakabaliw talaga sya kausap minsan.

Pagkatapos kumain ay nagsibalik na sila sa mga ginagawa nila. Bumalik na rin ako mesa ko at sinimulan ng magtype. Pero iba ang pumapasok sa isip ko. Di pa rin mawala sa isip ko ang ginawa ni Austin.

**FLASHBACKS**

Katatapos lang namin makuha ung Urn ni Chloe. Iuuwi muna namin yun sa bahay, kukunin din kase ni Zeke yun pagdating nya. Ramdam na ramdam ang lungkot ng bawat isa. Pero alam kong bawat isa sa amin ay nilalabanan ako.

STOLEN MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon