Thirty-Two : DANGER

430 29 11
                                    

L's POV

Mula sa malayo ay nakikita kung gaano kasaya ang mga babaeng ito. Akala ba nila hindi ko alam ang mga nangyayari nitong nakaraang buwan. Alam kong nanliligaw na si Kayden kay Issa, na may pa flashmob at fireworks si Austin kay Audrey, na nagkaayos na si Maddie at Denver.  Tapos nagtrekking lang naman si Jax at Zoey, at alam ko rin ang proposal na ginawa ni Edward kay Marydale.

Kung inaakala ng mga babaeng ito, hindi na ako babalik nagkakamali sila. And this time wala ng makakapigil sakin. Lalo na at wala si Rollo ngayon. Nasa bakasyon lang naman sya dahil pinapahilom nito ang puso nyang nasaktan.

Kung si Rollo, kinayang igive up ang pagmamahal niya kay Maddie. Ako hindi. I'll get what I want. By hook or by Crook. At wala rin akong pakialam kung may mapapatay ako o wala. Ang importante lang ay makuha ko ang dalawang lalaking mahal na mahal ko.

Si Edward John Barber at si Jaxson Axl Gallo.

Napatingin sa pwesto ko si Issa, at isang nakakalokong ngisi ang iniwan ko sa kanya. Alam naman nya na sya ang susunod. Dahil alam kong may nakapagsabi na sa kanila ng plano ko.

Yun nga lang, iba na ang plano ko. Kaya humanda kayo.

Nalalapit na ang katapusan ng paghihiganti ko.

- - - -  - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -- - - - - - -- - - - - -- 
Denver's POV

Sa wakas ay naging maayos na rin kami ni Maddie. Buong akala ko ay tuluyan na nya akong ibinaon sa limot. Malaki ang pasasalamat ko kay Rollo, dahil sa pagpaparaya nito. Kundi dahil sa kanya baka tuluyan na kaming hindi nagkaayos ni Maddie.

Pero sa ngayon, hindi ko muna sasabihin kay Maddie ang lahat ng plano namin nina Zeke. Kakabalik lang ni L, at alam kong anumang oras ay sisimulan na nito ang mga plano nya.

"SHIT! I SAW HER!" sigaw ni Issa habang nanginginig sa takot.

"Sino?" halos sabay sabay na tanong na nila.

"Si L, nakatingin sya dito. Or sa akin lang. Di ba ako ang susunod nyang biktima? Natatakot na ako." sabi ni Issa.

"Wag ka magalala Issa, di ko hahayaang may mangyaring masama sa iyo. Babantayan kita." sabi naman ni Kayden

"Kung kelan naman wala si Rollo, saka nagpakita si L, ano na gagawin natin ngayon." Dale said.

"Sa ngayon kelangan lang natin ng doble ingat at matalas na pakiramdam, kung sa pakiramdam nyo may hindi na tama. Please magsignal kayo agad." ani Caleb.

"Hindi ba mas maganda if sa rest house na lang muna tayo ni Maddie magpahinga? atleast doon sama-sama tayo?" Zeke said.

"Ano sa tingin mo Maddie?" tanong ni Austin

"Pwede rin, pero hindi ba masyadong malayo?" sabi nito.

"Well, kaya naman besh, as long as magkakasama tayong lahat. I think that would be better." sabi ni Audy.

"I think tama sila mine, we need to stick together. Just in case, mahihirapan si L na paghiwa-hiwalayin tayo." I said.

Pagkatapos ng mga klase namin ay nagpasya kaming samahan muna ang mga girls papunta sa bahay ni Audy para kumuha ng mga iilang gamit.

Pagkatapos noon ay agad na dumiretso kami sa rest house ni G. Nang maiyos na nila ang mga gamit nila ay nagpaalam muna ang mga boys para sila naman ang kumuha ng mga gamit. Nagpaalam na lang din muna ako kay mine na uuwi sa bahay para kumuha ng damit. At pumayag naman sya.

Sa halip sa bahay ay dumiretso ako sa beach house kung nasaan si Chloe, nagpasama ako kay Zeke para hindi sila magtaka.

Nang makarating kami roon ay kinausap ko agad silang dalawa.

"Zeke, Chloe, L is back. And everything she had planned has changed. Sa ngayon nahihirapan na si Mama na malaman ang lahat ng kilos nito. Pero we are doing everything that we can. Zeke, sa ngayon gusto muna kitang pagbawalan na pumunta dito. Malamang ay papasundan na kayo ni L. Kaya kelangan natin maging maingat. Chloe, a week from now ipapasundo kita rito at dadalhin ka sa manila. Doon ay may naghihintay sayo na makakatulong para maicompile ang mga cases na pwede natin ilaban kay L. Si Elle at Caleb ang bahala sa iba natin kasama. Makiramdam lang muna tayo." mahabang sabi ko sa kanila.

"Makakaasa ka Denver," sabi ni Zeke.

Hinayaan ko muna silang mag-usap kahit ilang oras lang bago kami nagpasyang umalis na ni Zeke. Bumalik kami sa tinutuluyan nila at nadatnan namin doon ang mga boys na paalis na. Sabay-sabay na kaming bumalik sa hide out ni Maddie.

Sana lang malaman na ni Mama ang mga plano ni L para matapos na ang lahat ng ito.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -  - - - - - - - - - - -  - - - -
Audy's POV

Nang makarating sa university ay agad agad na kaming nagsipasukan sa klase. Kahit naman may nakaambang panganib sa amin ay ayaw naman naming masira ang pag-aaral namin.

Mabilis na lumipas ang mga oras at oras na ng tanghalian. Nagtext na sila upang magkita kita sa cafeteria. Hindi na ako nagpasundo kay Austin dahil malayo pa ang lalakarin nya. At dadaan muna ako sa Comfort room dahil malapit na pumutok ang pantog ko.

Nang makita kong bakante ang isang cubicle agad akong pumasok dito. Ihing ihi na kase talaga ako. Nang lumabas ako para magsalamin ay napansin kong may kasama pala ako doon. Hindi ko na lang sya pinansin, dahil di ko naman sya kilala. Nang matapos akong magsuklay ay lalabas na sana ako ng bigla akong makaramdam ng pagkahilo. Mabilis na nahawaka ako babaeng nandoon at ang huling mukhang nakita ko ay ang mukha ni L bago ako tuluyang nawalan ng malay.

Nagising ako ng sabuyan ako ng tubig ni L. Nang imulat ko ang mga mata ko ay nakita ko ang nakakalokong ngiti sa mukha nya.

"Wag mo nga ako ngitian Lucie, tumatabingi ang mukha mo" bulyaw ko sa kanya.

"Matapang ka ah, para sa isang taong nasa bingid ng kamatayan nakuha mo pa akong insultuhin." sabi nitong nakangisi sa akin

"Hindi ako natatakot mamamatay L, mas natatakot ako sa pwedeng gawin ng mga kaibigan ko pag nalaman nila kung nasaan ako" sabi ko

"Yun ay kung malalaman nila kung nasa ka Audrey Marie. Wag ka mag-alala, hindi pa kita tatapusin ngayon. Pahihirapan ko muna silang hanapin ka. Hahahaha." sabi nito sa akin.

"Napakawalanghiya mo L." sigaw ko sa kanya.

"Whatever honey. Just wait at darating na ang makakasama mo dito. Sabay ko kayong tatapusin." sabi ni L.

"Hmmm. Ano kaya magandang gawin sa inyo, babarilin o sasaksakin o pasasabugin gaya ni Chloe. Hahahaha. Mamili ka Audy, ano ang gusto mo?" sabi nito habang nilalaro nito sa harapan ko ang isang baril, isang balisong at isang granada.

Napalunok ako ng makita ko ang mga yun.

"Please guys, help me. Ayoko pang mamatay." tanging nasambit ko.

- - - - - - - - -- - - - - -- - - - - -- - - - -- - - - -- - - - -- - - - - - -

A/N :

Nagbalik na si L. Jusko ano na kaya ang gagawin nya.

PS : once a day po ako maguupdate. As long as kinakaya ng braincells ko na makabuo ng sequence Hahahaha.

Salamat. Sorry rin sa typos diretso tayp na po kase ako. 😘😘

STOLEN MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon