L's POV
Oo! May POV ako. Wag kayo kumontra!
Yes! Ako ang may kagagawan ng lahat ng ito! Ako ang may pakana ng lahat. Sa anong dahilan?
Kinukuha ko lang naman ang dapat na para sa akin. Si Edward John Barber at Jaxson Axl Gallo, may bonus pa na kasama kase andito rin mga kaibigan nila.
Gaya ng sabi ko, kung hindi ko sila nakuha noon! Sisiguruhin kong ako ang mananalo ngayon. Wala silang kaalam-alam sa mga plano ko.
Sa loob ng limang taon, may pumipigil sa akin na maisakatuparan ang mga balak ko. Lagi na lang nabubulilyaso. Pero ngayon alam kong magtatagumpay na ko. Damay-damay na ang lahat. Tutal dahil rin naman sa kanila kaya nawala ang mga taong mahalaga sa buhay ko.
At ngayon ko sisimulan ang mga plano ko. Isa sa mga babaeng un ang tuluyan ng mawawala sa landas ko.
First Target : CHLOE
Pahihirapan ko kayo ng husto Zoey at Dale. I swear hindi na makakabalik ng buhay ang kaibigan nyo.
-------
G's POVNanganganib ang buhay namin yun ang alam ko. Kelangan masabihan ko si Zoey o si Edward para maiwasan ang mangyayari.
Alam kong may binabalak si L, pero di ko alam kung ano yun mismo. Naging mas maingat na rin sya ngayon sa ginagawa nya. Dahil alam nyang nalalaman ko ang lahat.
Magkasunod na pinadalhan ko ng message si Edward at Zoey, para puntahan ako sa hideout ko.
Hihintayin ko na lang sila doon. At naglakad na ako paalis sa rooftop.
------
JAX's POVHawak ko ngayon ang cellphone ni Edward. Sa kanya kase tumawag si Mama kanina, nang biglang may magtext sa cellphone nya.
"Edward, this is G. Meet me up at *******. I'll be waiting for you. ASAP."
Si G pala. Mukhang urgent ito ah. Nasaan na ba kase si Edward? Kanina ko pa sya hinahanap. Makalipas ang ilang minutong paghahanap ko sa kanya, nagpasya akong pumunta doon sa sinabing lugar ni G. Bahala na sabi ko. Tutal ay parte naman kami ng misyon na ito, may karapatan din kaming malaman kung sino si G.
Hinanap ko ang lugar na sinabi ni G sa message nya. Sa totoo lang ang hirap hanapin ng lugar na ito. Hindi ito basta-basta makikita ng mga tao. Nang sa wakas nakita ko rin ang pinto papasok sa hide-out ni G. May naulinigan akong mga boses, mukhang hindi lang si G ang nasa loob. Kumatok na ako at narinig kong nagsalita si G para papasukin ako.
"Jax! Anong ginagawa mo dito? Nasaan si Edward?" tanong nya.
"Ikaw? Ikaw si G? Paano? " tanong ko sa kanya. Kilala ko sya. Kilalang-kilala.
"Di na mahalaga yun Jax, pero bakit ka nga narito nasaan si Edward?" ulit nya.
"Wala eh. Siguro kasama si Dale o nakabuntot ito doon. Nasa akin ung cellphone nya kase dito tumawag si Mama kanina." paliwanag ko.
"Ays! Wala na ako magagawa na. Tutal andito ka na rin lang. Sige sa inyo ko na lang sasabihin." sagot nya.
Nang may magsalita sa likuran ni G, mukhang galing sya sa kusina. Nakita ko syang may bitbit na inumin. Sya siguro ang kausap ni G.
"G, andyan na ba si Edward?" sabi nya. Napatulala ako, kilala ko ang boses na yun di ako pwedeng magkamali. Nagulat sya ng makita ako. Ako man ay nagulat ng magtagpo ang mga mata namin. Di nga ako nagkamali, si Zoey, ang babaeng mahal ko.
Marami akong gustong itanong, ng biglang magsalita si G. "Please, alam ko Jax, marami kang katanungan. Pero kelangan muna natin pag-usapan ang gagawin natin. Nanganganib ang isa sa atin." sabi ni G.
BINABASA MO ANG
STOLEN MEMORIES
FanfictionAng storya pong ito ay inaalay ko sa mga KA-SQUAD ko! Alam nyo na kung sino kayo. Kung wala kayo wala rin ang storyang ito. Kaya salamat. Highest Rankings : #7 - #Mayward #8 - #sacrifices Salamat po sa lahat ng nagvovote... 😘😘