Twelve : REVELATIONS (Part One)

589 33 11
                                    

Austin's POV

Nandito kami ngayon sa sasakyan at di ko alam kung saan kami patungo. Marahil ay masisiwalat na ang lahat ng lihim ngayong gabi na ito.

Tinignan ko ang mga babaeng kasama namin nakatulog na pala sila sa kakaiyak. Naiintindihan ko ang nararamdaman nila, dahil hindi madali mawalan ng isang kaibigan.

Bigla kami tinanong ni Edward "Nasaan pala si Rollo? Bakit di sya kasama nina Zeke?"

"Oo nga noh, teka tatawagan ko" sabi ni Kayden

Makalipas ang ilang minuto napamura na lang ito.

"Shit! Di ko sya macontact Edward!" sabi nito

"Baka naman may pinuntahan lang, alam nyo naman yun bigla na lang nawawala." saad ko

"Pero di natin pwedeng sabihin sa kanya kung nasaan tayo, baka kase alam nyo na" pagpapatuloy ko.

"Hintayin na lang natin syang tumawag" sabi ni Edward

Magsasalita pa sana si Kayden, ng biglang sumigaw si Audy, gulat na napahinto si Edward sa pagmamaneho. Bakit kaya sumigaw ito? Nagising rin si Issa at Dale dahil doon.

Hawak hawak ko si Audy, pero patuloy pa rin sya sa pag-iyak. Tulog sya pero sobrang sakit ng pag-iyak nya.

Niyugyog ko na sya para magising at mahimasmasan. Agad naman ako inabutan ng bottled water ni Issa. Agad namin sya pinainom.

"Besh ano nangyare?" tanong ni Dale.

"Besh, alam ko na! Alam ko na ang lahat! Simula pa noong maaksidente tayo. Simula doon sa bar." sabi ni Audy na umiiyak.

"Huh? Sa bar?" tanong ko.

"Oo simula sa bar." sabi nya.

"Ito ba ung nangyare 5 years ago?" tanong ni Dale

"Oo besh, alam mo na rin ba yun?" balik tanong nya.

"Oo besh, kelan lang. Pero di pa buo." si Dale

"Ako rin, di pa buo. Ang dami ko gusto malaman." sabi ni Issa

"Wag kayo mag-alala, masasagot lahat ng katanungan natin mamaya pag nakarating na tayo. Kelangan na natin bilisan. Malapit na raw sila doon." sagot ko.

Nagsiayos naman sila ng upo at nagdrive na ulit si Edward. Naging tahimik lang kami. Hinawakan ko ang kamay ni Audy, tinitigan lang nya ako. Niyakap ko naman sya kaagad.

"Wag ka mag-alala Nhie, magiging okay lang ang lahat. Nandito lang ako." sabi ko

"Salamat Nhie!" yun na lang ang nasabi nya.

Lumipas ang mahigit isang oras na byahe namin, nang makita namin na nasa labas ng isang bahay sina Jax. Nauna kase silang umalis sa amin.

Nandoon na rin yung iba, pero wala si Rollo. Nasaan kaya sya?

Nagsibabaan na kami at may mga drivers na kumuha sa mga sinakyan namin. Pumasok na kami sa bahay na nasa harapan namin.

Eto na! Malalaman na namin ang totoong nangyare 5 years ago!

------
Maddie's POV

Nandito na silang lahat, pwera na lang kay Rollo. Nasaan kaya sya? Bahala na nga. Alam kong ligtas sya. Kilala ko likaw ng bituka nun, di yun basta basta mawawala na lang.

"Sumunod kayo sa akin," sabi ko sa kanila. Pumasok kami sa isang conference room. Nagkanya kanya na silang upo ng makapasok ba kami.

"So sino ang gustong maunang magsalita?" tanong ko.

STOLEN MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon