Thirty-Seven : RECONCILIATION

422 32 9
                                    

Zoey's POV

"LUCIENNE, TAMA NA. PLEASE TAMA NA. SIGE NA PUMAPAYAG NA AKO SA GUSTO MO"sigaw niya.

Hawak-hawak ko pa rin si Dale. Natatakot ako sa maaaring gawin ni L sa kanya.

"Let go of me Zoey, nag-usap na tayo di ba?" harap nito sa akin.

"YES we already talked about it, but I don't remember me agreeing with your fucking decision! For God's sake Dale. Si L ang baliw dito, hindi ikaw." singhal ko sa kanya.

"I've already made up my mind Zoey. Please." tinignan nya ko.

"Dale, ano ba? Maawa ka naman sa sarili mo. Kay Edward din."sumamo ko sa kanya.

"Sige na, bitawan mo na ako. Ako na bahala dito." hinablot nito ang mga brasong nyang kanina lang ay hawak ko.

Tinitignan ko lang sya habang naglalakad papalapit kay L, ganun din si L sa kanya. Agad kong iginala ang mga paningin ko, nang mapansin ko sina Edward at Jax kasama na ang mga boys at ilang mga pulis. Napansin kong may kahoy sa tabi ko, agad ko itong dinampot at tumango kina Edward.

Nang malapit na si Dale kay L, ay agad akong tumakbo papunta sa kanila. Kaagad na nasunggaban ng mga pulis ang mga lalaking may hawak kina Chloe. Agad ko ring nahampas ng kahoy si L, na dahilan para matumba ito at mabitawan nito ang baril nyang hawak.

Agad syang dinaluhan ng mga pulis na kasama nina Jax. Itinayo nila si L at pinosasan. Pero bago pa nila sya alisin doon, isang matalim na tingin ang ginawad nya sa amin at sinabing

"Hindi pa dito nagtatapos ang lahat, kung akala nyo nanalo na kayo. Nagkakamali kayo." she smirked at tuluyan na nila syang dinala.

Agad ko naman nilapitan si Dale at niyakap sya. Gumanti naman sya ng yakap at umiyak.

"Sorry Zoey, sorry talaga." sabi nito

"Tama na Dale, tapos na. We'll make sure na ito na ang huling panggugulo ni Lucienne sa atin." sabi ko.

"Salamat dahil nandyan ka." iyak nito.

Kaagad na lumapit sa amin ang mga kaibigan namin. Yumakap na rin sa amin ang girls,

"Husshhh. Stop crying na Dale, you look ugly when you cry" sabi ni Chloe.

"Oh God Chloe, akala ko totoong namatay ka na. Akala ko di na talaga kita makikita pa. Pero paano?" sunod sunod na sabi ni Dale.

"Dahil kay Denver at Caleb, salamat sa kanila." nakangiting sabi nya.

"Ahmm guys I think we need to go to the hospital, or else mauubusan ng dugo ang mga
l

alaking ito." sabi ni Jax.

Agad naman na nadala namin sila hospital, we requested the hospital management na kung pwede sa iisang kwarto na lang din sila iconfine, para sama-sama na lang. Mabuti na lang at malakas dito ang dean namin at pumayag sila.

Kasalukuyan nilang nagpapahinga. Si Rollo, Denver, Caleb, Zeke at Austin ay nkadextrose. Mabuti na lang sina Issa walang anumang gasgas maliban kay Maddie na tinamaan ng kahoy sa likod. But so far okay naman na silang lahat.

Muling nabaling ang tingin ko kay Dale, mukhang napansin rin yun ni Elle, kaya lumapit ito kay Dale at

"Dale, tara coffee. Sama kayo guys?" tanong nito.

STOLEN MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon