Fourteen - REVELATIONS (Part 3)

520 38 18
                                    

Ang pagpapatuloy ..

CALEB's POV

Hindi ko lubos akalain na ganito katindi ang ginawa ni L sa kanila. Lalo na kay Dale at Zoey. Labis akong nasasaktan sa mga nalaman kong ginawa ni L sa kanila. Lalo pa at nawalan sila ng isang matalik na kaibigan. Habang tinitignan ko sila ngaun, nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba ang totoo. Litung-lito na rin ako.

Nakita kong tumingin si G sa akin. Alam kong kilala nya ako, dahil kilala nya si L. Handa na ba akong harapin sila?

Nasa malalim akong pag-iisip ng biglang magsalita si G, at tumango sa akin.

"Caleb? Baka gusto mo ng sabihin sa amin ang lahat?" tanong nito.

Nakita ko ang pagkalito nila habang nakatingin sa akin. Hinawakan ni Elle ang kamay ko, tinapik naman ni Zeke ang balikat ko at tumango sa akin. Isang malalim na buntung hininga ang pinakawalan ko. Hinarap ko silang lahat, bahala na sabi ko.

"Hindi ko alam kung paano sisimulan, alam kong tinanggap nyo ako ng kung sino ako. At nagsisisi ako na hindi agad sinabi sa inyo ang lahat." simula ko.

"Alam ko na ang tungkol sa inyong lahat, bago nyo pa man ako tanggapin bilang isang kaibigan. Nang masiguro kong alam ko na ang lahat tungkol sa inyo, ay saka ako lumapit at nakipaglapit sa inyo. Ginawa ko yun para malaman ang daily routines nyo, dahil yun ang iniutos sa akin ni L." nakatungong sabi ko.

Ang kamay na kanina sa akin ay nakahawak ay unti-unting bumitaw, tumingin si Elle sa akin. Nakita kong pumatak ang mga luha nya, at kita ko roon ang galit.

"How could you do this to us? Naniwala kami sayo na tunay kang kaibigan." sigaw nito.

"Wait Elle, you have to listen to me first. Oo alam ko mali ako ng una. Pero believe me, pagkatapos ng nangyari kay Dale at Zoey, hindi na ako sumunod kay L" sagot ko

"Kung ganun, alam mo rin ang plano nya sa mga kaibigan ko? Bakit Caleb? Sino ka ba talaga? Ano ang kaugnayan mo kay L?" sunud-sunod na tanong nya.

Tinignan ko silang lahat, bago ako sumagot.
"Oo, alam ko ang plano nya kina Zoey at Dale. Pero di ko alam kung paano sasabihin sa inyo Edward at Jax. Kaya ako na lang ang tumawag ng mga pulis at tinuro ko kung saan sila dinala ni L."

"Si L o Lucienne ay nakakatatandang kapatid ko." sagot ko at tumungo.

"Pumayag ako sa mga utos nya dahil, utos na rin yun ng mga magulang ko. Ilang beses akong tumanggi, pero sa tuwing nahuhuli nya akong nagsisinungaling sa kanya ay sinasaktan nya ako. Halos patayin na nya ako, dahil doon kinausap ako ni ate Aya, pinakiusapan nya ko na sundin na lang sya. Si Ate Aya ang nabaril mo Zoey. Sinangga nya ang balang dapat sana ay kay L."

Tinignan ko si Elle ng taimtim, tinignan ko rin sila isa-isa. Alam ko nagulat sila sa mga nalaman nila. Hindi ko alam kung matatanggap pa nila ako pagkatapos kong aminin ang lahat. Muli kong hinarap si Elle at nagsalita,

"Pero maniwala kayo, noong naging parte kayo ng buhay ko. Doon ko napagtanto na mali ang ginagawa ko. Lalo na ng makilala kita Elle, totoong minahal kita. At hanggang ngayon mahal pa rin kita. Nang malaman ni L na nagkakamabutihan na tayo ay tinakot nya akong sasaktan ka nya. Kaya lahat ng gagawin nyang masama sa inyo ay hinaharang ko. Umalis na ako sa poder nila simula noong maramdaman kong hindi na tama ang lahat. Katulong ko si Ate Aya sa lahat, kada may babalakin si L na masama sa inyo, at sinasabi ni Ate Aya yun sa akin, kaya napipigilan namin yun."

"Ang hindi lang namin naiwasan ay noong ipakidnap at saktan kayo ni L, maging si Ate Aya ay nagulat. Nang malaman namin kung nasaan kayo agad kami pumunta roon, at alam ko Zoey na hindi mo talaga balak barilin si L. Kung ako man sa kalagayan mo noon ay ganun din ang gagawin ko. Wala akong sinisisi sa pagkamatay ni Ate Aya, kundi si L mismo. Masyado syang nabaliw sa pagmamahal sa inyo Edward at Jax."

"Noong mawala si Ate Aya, ay pinyansahan sya ng mga magulang namin at ipinadala sa ibang bansa. Akala ko tapos na rin ang lahat hindi ko akalain na nagawa nyang manipulahin ang mga bagay bagay sa paligid natin kaya nakuha nyang maipadala kami ng ibang bansa ng sabay-sabay. Wala rin ako kaalam-alam na sya ang dahilan ng pagkaka-aksidente nyo noon."

"Hindi ako naniwala sa sinabi noon ng parents ni Audy na bigla na lang kayo mawawalang lahat. Agad kong sinimulan ang pag-iimbestiga. Doon ko nakilala ang kapatid mo Edward." mahabang sabi ko.

"Huh? Paano napasok dito ang ate ko?" tanong ni Edward

"Hindi alam ni L, na kapatid mo si Lorriane. Dahil ibang apelyido na ang gamit nito.Si ate Lori ang psychiatrist ni L. Pinipigilan ni Ate Lori na magtagpo ang mga landas nating lahat. Dahil hindi pa raw iyon ang tamang panahon. Habang regular na kumukunsulta si L dito,ay nasabi nito sa kanya ang lahat ng ginawa nya pati na nga ang ginawang pag-aalis ng break ng sinasakyan nyo noon."

"Nagtulungan kami ni Ate Lori na hanapin kayo, nang hindi sinadyang malaman ni L na kilala ako ni Ate Lori. Halos mapatay nya kami noon, kaya nagdesisyon ang ate mo Edward na umalis ng bansa kasama ang pamilya nya. Pero di kami tumigil sa paghahanap hanggang makita namin kayo."

"Noon ko naman sinimulan ang pagpapadala ng mga clue sa inyo, hindi ko masabi ng harapan sa ang totoo dahil natatakot ako na masira ang pagkakaibigan natin." tumungo akong muli.

"Maniwala kayo, lahat ng ginawa ko para kay L noon ay pinagsisihan ko. Kaya ginawa ko ang lahat para mapigilan ang masasamang balak nya. Kapatid ko si L, oo! Pero hindi ako papayag na may masaktan pa sa inyo." sabi ko ulit

"Pero nangyari na Caleb. Wala na si Chloe. Kung noong una pa lang umamin ka na, sana buhay pa sya. Sana nailigtas natin sya." sabi ni Elle

"Tama na besh, wag na natin sisihin si Chloe, nahihirapan din sya. Alam kong di nya alam ang planong ito ni L." sabi ni Audy

"Oo Feb, wala na akong alam sa mga plano ni L. Pero may isang taong may alam ng lahat. Bukod sayo G" sabi ko.

"Huh? May isa pa? Sino?" tanong ni Maddie.

"Hindi pa ito ang tamang oras para makilala nyo sya. Pero wag kayo mag-alala, mabuti syang tao." tanging nasagot ko.

"Sa tingin ko, kelangan na muna natin magpahinga. Halos hatinggabi na. Masyado na tayong pagod ngayong araw na ito." sabi ni Jax.

"Oo nga, tama na muna ang mga rebelasyon, di pa kinakaya ng utak ko", si Kayden

Nakita kong tumayo si Elle at pumunta doon sa terrace, napatingin lahat sila sa akin.

"Sige na sundan mo na sya. Alam namin na kanina mo pa sya gustong masolo" natatawang sabi ni Issa

Tumayo ako at ngumiti sa kanila, "Maraming salamat sa inyo" nasabi ko

"Tinanggap ka namin noon, dahil alam namin na totoo ang pinapakita mo. Kaya kahit alam na namin ang lahat. Tanggap ka pa rin namin." nakangiting sabi ni Audy

"Sige na bro, sundan mo na!" taboy ni Austin sa akin.

Tumalikod na ako at sinundan si Elle sa labas.

-------
SOMEONE's POV

Hating-gabi na ng magising ako, agad kong nilibot ang mga mata ko. Hindi pamilyar sa akin ang bahay na ito! Nasaan kaya ako?

At anong ginagawa ko rito? Nasaan na sila? Ang akala ko ba magkikita kita kami? Kinapa ko ang cellphone ko pero di ko mahanap. Nagulat ako ng bumukas ang pinto at may pumasok na pamilyar na mukha.

"Akala ko kung sino," sabi ko

"Kumain ka na muna. Magpalakas ka, bukas malalaman mo ang lahat" sabi nito.

"Sige, hindi na ako magtatanong. Alam kong malalaman ko rin yan bukas. Salamat nga pala." nginitian ko sya.

"Ito lang ang magagawa ko sa ngayon. Aalis na ako" sabi nya at isinara na ang pinto.

Bukas, bukas malalaman na ang lahat.

----

AUTHOR's NOTE

Congratss to me. Nairaos ko ang chapter na ito Hahaha.

STOLEN MEMORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon