Kabanata IV: Kakaibang Nadarama

3.4K 171 17
                                    

Para akong kinuryente ng sa kauna-unahang pagkakataon ay nahawakan ko ang malambot na kamay ni Hanna. Pati na yata ang puso ko ay sumabay na sa pagsabog dahil sa kaba.

Nakangiti pa rin si Hanna sa akin. Patuloy pa rin kaming nagkakamay. Hindi ko na kasi nabitiwan pa ang kamay nito dahil sa pagkatulala sa kanyang maamong mukha.

"Ahh, Iris?" untag sa akin ni Hanna kaya't nabalik ako sa realidad na hindi pala anghel ang nakikita ko kundi si Hanna.

Agad kong binitiwan ang kamay niya. Bakit ba kasi gano'n? Pakiramdam ko hawak-hawak ko pa rin ngayon ang malambot na kamay ni Hanna.

"Ayos ka lang ba, anak?" nag-aalalang tanong sa akin ni Nanay kaya't idinampi niya ang likod ng kanyang palad sa aking noo. "Bakit parang natulala ka? May sakit ka ba?"

Nahiya ako sa sinabi ni Nanay. Hindi naman siguro halata na natulala ako kanina. Ngunit, bakit nasabi 'yon ni Nanay? Kung gano'n nga ay mukhang klaro talaga na natulala ako kanina. Nakakahiya naman.

"W-Wala, Nay." Kabadong sagot ko.

Kung magtatagal pa ako rito eh, magkakaroon na talaga ako ng sakit. Lalagnatin ako kapag nanatili pa ako rito.

"N-Nay, uuwi na ako, may usapan kami ng mga kaibigan ko na tatambay ulit kami." Pagpapaalam ko sa kanya.

Kaagad namang sumingit sa usapan si Ninang Carmen. "Teka lang, Iris. Hindi ka pa nga nagmemeryenda aalis ka na agad."

"Pasensya na po kayo, Ninang. Baka hinihintay na ako ng mga kaibigan ko." Paghingi ko ng paumanhin.

"Kararating lang natin uuwi ka na agad," sita ni Nanay sa akin.

Hinawakan naman ni Ninang ang kaliwang balikat ni Nanay. "Hayaan mo na, Gina. Pwede pa naman siyang bumalik bukas."

Tumango-tango si Nanay at tumingin sa akin. "Oh, s'ya, sige. Pinapayagan na kita."

Nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang at hindi sinumpong si Nanay sa pagiging mainitin ang ulo.

xxx

Literal na pinagpawisan ako nang lumabas ako sa bahay nina Ninang Carmen. Habol ko ang aking hininga kahit hindi naman ako nagtatatakbo. Sadyang kinakabahan lang talaga ako kapag nasa harapan ko na si Hanna.

Sino ba naman kasi ang hindi mahuhumaling sa gandang iyon. Hindi lang siya mukhang artista, isa na talaga siyang anghel dahil sa ibang klase niyang ganda. Ito na ba ang sinasabi nila Rhea at Mary Anne na crush? Ganito rin ba ang naradamdaman nila kapag nakikita nila ang kanilang mga crush? Pinagpapawisan ba sila? Kinakabahan? Natutulala? Parang lalagnatin na?

Nakakaasar.

Habang naglalakad ako patungong tambayan namin ay parati ko na lamang nakikita si Hanna. Kahit sa'n ako lumingon ay palagi na lamang si Hanna. Ganito ba talaga katindi ang epekto ni Hanna sa akin? Para naman na akong masisiraan ng bait.

Siguro hanggang sa pagtulog ko mamayang gabi ay hindi ko na mabubura pa sa isipan ko si Hanna. Sinakop niya na ang buong sistema ko. Nilason na ng ganda niya ang buong pagkatao ko.

"Ang ganda-ganda mo talaga, Hanna." Wala sa sariling saad ko habang papalapit na ako sa may tambayan.

Hala, nahihibang na ba ako? Baka naman OA na ako? Ngunit, hindi naman siguro gano'n. Totoong nakikita ko na sa kung saan si Hanna. Ginayuma niya ba ako? Bakit malakas ang tama niya sa akin?

"Pareng Iris!"

Para akong nagising nang marinig ko ang pangalan ko. Nakita ko kaagad sina Jolo, Jimboy, at Rhea.

Binata na si IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon