Kabanata XXVIII: Alaalang Nagbabalik

2.2K 146 6
                                    

Nanginginig na ang kamay ko habang dahan-dahan ko siyang inaabot. Kinakabahan ako. Ilang taon din ang lumipas pagkatapos ngayon ay abot-kamay ko na siya.

"H-Hanna?"

Lumingon ang babae.

"Ha?"

Nanlumo ako. Naikuyom ko ang aking kamay at nginitian na lamang siya nang matamlay.

"S-Sorry..." mahinang usal ko. "Akala ko ikaw ang hinahanap ko." Bagsak ang balikat na tugon ko sa kanya. Nalungkot ako dahil hindi pala si Hanna ang nakita ko. Namalik-mata lang pala ako. Nadismaya rin ako sa sarili ko dahil akala ko ito na ang panahon para magtagpo ulit kami.

"Ahh. Gano'n ba?" sabi ng babae at umalis ito sa kanyang pwesto. Samantala ako, naiwan dito na nanghihinayang dahil parang naglaho na parang bula ang pag-asa ko na makita siya.

Tinakbo ako ni Angela sa kinatatayuan ko. Gusto kong umiyak kahit marami ang tao. Ganito ko lubos na nami-miss si Hanna. Sobra-sobra ko siyang nami-miss.

"Uy," untag niya sa akin. "Kilala mo 'yon?"

Umiling ako sa kanya. "Hindi, Angela. Namali lang ng taong nilapitan."

"Bakit? Akala mo si Hanna?"

Napahinga ako nang malalim. "Oo, eh."

"First love mo 'yon, 'di ba?" maingat niyang tanong sa akin. "Parati kasing bukambibig nila Jolo at Jimboy 'yang first love mo, eh."

Hindi ako umimik. Napaupo lamang ako sa wooden park bench na inupuan ng babae kanina at sumunod naman dito si Angela.

"Ang tagal ko siyang hinintay. Umaasa pa naman ako na magkru-krus ang landas namin dito sa lungsod." Malungkot kong kwento sa kanya. "Pero, mukhang hindi na yata kami magkikita. Maski tadhana ayaw din kaming pagtagpuin. Ayaw din niya kasing magpahanap kaya siguro pinaglalayo na lang kami."

Napabuntong hininga si Angela sa tabi ko. "Mahirap kasing hanapin ang taong ayaw magpahanap, Iris. Kita mo na ngayon, kahit anong gawin mo wala pa rin."

"Kaya nga, eh. Pero, ang hirap pa ring kalimutan."

"Tinamaan ka kasi, kaya gano'n."

xxx

Nang makarating kami sa dorm ay panay ang pangungulit sa akin ni Angela na ikwento ko raw sa kanya kung paano kami nagkakilala ni Hanna. Kaya, wala na akong nagawa. Bumigay ako sa gusto niya kaya habang naghahapunan kami ay hindi ko maiwasang magbalik-tanaw noong una ko siya makita.

"Bakasyon no'n saka eleven pa lang ako," simula ko. "Kararating lang nila sa probinsya saka iyong Mama niya ay Ninang ko naman. At, magkaibigan din si Ninang at ang Nanay ko."

"Ang gulo," komento ni Angela habang abala sa pagsandok ng kanin. "Teka, eleven ka no'n? Siya? Eleven din?"

Natawa ako. Sana eleven din noon si Hanna kaso hindi, eh. Wala talagang alam si Angela tungkol kay Hanna dahil kahit na bukambibig siya palagi nila Jolo at Jimboy, hindi pa rin sa kanya naikwe-kwento ang lahat. Kumbaga, amin-amin lang ang tungkol do'n. Medyo madamot kaming kaibigan pero gano'n talaga, eh.

"Hindi. Malaki ang agwat namin." Sabi ko sa kanya. "Twenty-two siya no'n."

Nahampas ni Angela ang maliit na mesa namin. Nagulat naman ako sa ginawa niyang iyon kaya napatigil ako sa pagsubo.

"Ano? Seryoso? Twenty-two siya? Paano nangyari 'yon?" sunod-sunod na tanong niya sa akin. "Saka, hindi lang 'yon, Iris. Babae pa siya. Alam mo, noong high school tayo wala pa akong narinig na nagka-crush ka ng lalaki."

Natahimik ako. Totoo kasi 'yon. Kahit na maraming artistahin na lalaki noon sa klase namin ay ni isa wala akong naging crush. Kay Hanna lang lagi umiikot ang buong mundo ko hanggang sa magtapos ako. Wala namang problema sa akin kung babae si Hanna, basta gusto ko siya.

"Matindi siguro ang atraksyon ko sa babae kaya gano'n." Simpleng tugon ko sa kanya at bumalik na sa pagkain.

Tumikhim si Angela at mariin akong tinignan. "Ikaw, naa-attract ka ba sa akin?"

Halos mabilaukan ako sa sinabi niya. "Loka-loka! Hindi, 'no! Kaibigan kaya kita."

Humagalpak nang tawa si Angela dahil sa naging reaksyon ko kaya binato ko siya ng isang butil ng kanin. "Masyado kang seryoso! Dali, kwentuhan mo pa ako tungkol kay Hanna."

Hindi ko na tinuloy pa ang pang-aasar sa kanya kundi ipinagpatuloy ko na lang ang kwento ko tungkol kay Hanna.

xxx

Umaga na at hindi ko alam kung bakit sumasakit ang ulo ko. Mina-migraine yata ako dahil sa late na akong natulog at masyadong nasagad ang utak ko sa kaiisip kagabi.

Wala sa mood akong bumangon. Ginulo-gulo ko ang buhok ko at pinisil-pisil ko naman ang sentido ko. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa ilalim ng unan ko at tinignan ang oras. Dalawang minuto na lang at malapit nang mag-alas-sais. Inabot ko ang puting t-shirt ko na nakasabit sa may sandalan ng upuan at isinuot ito. Nagsasando lang kasi ako tuwing matutulog na.

Sinilip ko si Angela sa itaas ng double-deck na higaan. Mahimbing pa ang tulog at mukhang naka-ninja pose pa dahil sa sobrang likot nito.

Hinawi ko nang konti ang kurtina at pinagmasdan lang muna ang labas ng dormitoryo. Sa lawak ng lugar na ito, kung subukuan ko mang hanapin si Hanna, hindi ko alam kung saan ako magsisimula.

Sana... sana pagtagpuin na kami dahil gustong-gusto ko na siyang makita.

xxx

Nasa laundry area ako ng dorm ngayon habang nakatunganga na pinagmamasdan ang umiikot-ikot kong mga damit sa loob ng washing machine. Wala ngayon si Angela dahil nagpunta ito ng book store para bumili ng libro, saka mamaya pa raw siya maglalaba.

Iniisip ko pa rin ang imbitasyon ni Clark sa akin, isa sa mga kaibigan ko sa CE-1, matalino rin ito kasi parang computer at calculator ang utak. Gusto niyang magpunta raw kami sa library kasama sina Eunice at Patrick para maghanap ng libro sa Engineering Drawing na subject. Ang kaso, tinatamad akong lumabas ngayon, mas gusto ko pang matulog.

Saka, iniisip ko rin, baka kung saan lang kami mapunta pagkatapos namin sa library. Silang tatlo ang barkada ko sa CE-1, kagaya rin sila ng mga kaibigan ko sa probinsya, kaso mas level up sila lalong-lalo na si Patrick.

Last week kasi pagkatapos namin sa library, nagyayang uminom si Patrick. Reward lang daw para sa mga sarili namin dahil torture ang college at naka-survive pa kami. Game naman ang dalawa kaya napapayag na lang ako.

First time kong uminom dahil ayokong matawag na killjoy. Para sa first timer na kagaya ko, empi lights kaagad ang ibininyag nila sa akin. Ayokong sabihin kay Nanay na naglasing ako katapos ng klase, baka isipin niya na nagbubulakbol na ako.

Dahil sa tindi ng tama ko noon, puro suka ako sa loob ng dorm at sermon naman ang inabot ko kay Angela.

Nag-ring ulit ang cellphone ko. Panibagong text message na naman galing kay Clark.

Ano, Iris? Game? :)

Napatapik ako sa sentido. Kapag ito talaga nagyaya nang inom, uuwi na talaga ako.

Binata na si IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon