Kabanata XXXV: Pramis, Peksman!

2.4K 179 20
                                    

Sa bahay ni Hanna ako natulog buong magdamag kagabi. Hindi na kasi ako nakauwi pa sa dorm dahil inabot na ako ng curfew eh, sigurado namang hindi na ako makakapasok do'n kapag pinilit ko pa ring umuwi. Napasarap kasi ang kwentuhan naming dalawa ni Hanna na nauwi na rin sa pagkukulitan. Buong gabi na akong masaya dahil do'n kasi pakiramdam ko bumalik ako sa pagkabata saka nakasama ko pa si Hanna.

"Hindi ka ba muna mag-aagahan?" tanong nito sa akin habang nilalapag isa-isa ang kubyertos at kutsara sa ibabaw ng pinggan.

"Hindi na. May pasok pa ako mamayang alas-otso saka anong oras na, uuwi pa ako ng dorm para maligo." Sagot ko sa kanya habang abala sa pagsusuot ng sapatos ko.

"Pasensya ka na kung hindi kita ginising ng maaga," paghihingi nito ng paumanhin. "Napuyat ka kasi kagabi, anong oras na tayong natulog pagkatapos puro lang pala tayo kwento." Natatawang dugtong nito.

Hindi muna ako nagsalita. Kinuha ko muna ang uniporme ko na nakasampay sa may braso ng sofa at inilagay sa loob ng bag. Tinanggal ko kasi ito kagabi nang matulog ako. Komportable pa rin naman ako kasi may panloob akong plain white t-shirt.

"Ayos lang sa'kin, Hanna." Nakangiting sambit ko sa kanya at tumayo na mula sa pagkakaupo. Sinukbit ko na rin ang strap ng bag ko sa kaliwang balikat ko. "Pa'no 'yan, aalis na ako?"

"T-Teka, Iris," alinlangang pagpigil nito sa akin. "Sigurado ka bang hindi ka muna kakain? Sabayan mo muna ako."

Umiling ako sa kanya. "Pasensya ka na, Hanna, pero kailangan ko nang umalis baka ma-late pa ako." Sagot ko sa kanya.

"Okay, sige," napipilitang sabi nito, "sabi mo, eh."

Tumawa naman ako.

"Ito naman, nagtatampo kaagad." Panunuya ko sa kanya. "Huwag kang mag-alala kasi babalik ulit ako mamaya 'pag natapos lahat ng klase ko ngayong araw." Paninigurado ko sa kanya saka na ako naglakad diretso sa pintuan.

Hindi na rin nagsalita pa si Hanna at pinihit ko na rin ang seradura ng pinto para buksan ito. Bago muna ako lumabas ng bahay ay nilingon ko muna si Hanna na naglalagay na ng kanin sa kanyang pinggan.

"Hanna!" tawag ko sa kanya at napatingin naman ito sa gawi ko. "Babalik ako. Pramis. Babalik ako mamaya." Pagtitiyak ko pa at napangiti naman ito bilang pagtugon saka na ako lumabas ng bahay.

xxx

Tinignan ko ang oras sa cellphone ko habang tinatakbo ko ang daanan papuntang dorm room ko. Trenta minutos na lang kasi ang natitira bago mag-alas-otso at kailangan ko pang maligo saka magsuot ulit ng panibagong uniporme. Kulang na lang eh, liparin ko na ang dinaraanan ko para lang makarating kaagad ako sa paroroonan ko.

Halos nagkanda-hingal na ako nang marating ko na ang kwarto. Pagpasok ko sa loob ay tahimik at malinis na saka wala ng presensya ni Angela. Sigurado nasa campus na ang isang 'yon dahil isa 'yong early bird.

Mabilis ang mga naging kilos ko. Maski pagligo ko ay parang kasing bilis na ni Flash na halos magwisik-wisik na lang ako sa mukha para kunwari naligo ako. Hindi ko na nga naayos ang pagkakabutones ng uniporme ko dahil sa pagmamadali ko. Hindi naman siguro ako sisitahin ng guard kung mukha pa rin akong dugyot.

Dahil kasing bilis ko na si Flash ay narating ko kaagad ang loob ng campus. Sampung minuto na lang ang natitira at mag-aalas-otso na. Buti sana kung hindi istrikto sa attendance ang propesor namin sa first subject. Saka, mahirap ng hindi ma-check sa attendance kasi may points pa rin 'yon, sayang, makakatulong 'yon sa grades kong pasang-awa.

Time check. Alas-siyete singkwenta y otso. Nakahinga na ako nang maluwag nang makaupo na ako sa upuan ko na katabi naman ng upuan ni Eunice.

Binata na si IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon