Kabanata XXXI: Kwento

2.5K 175 27
                                    

Buong magdamag akong hindi nakatulog dahil sa kaiisip kay Hanna. At buong magdamag din akong hindi pinatulog ng sakit na nararamdaman ko.

Lutang na rin ako sa buong oras ng klase namin at hindi na rin nakapagpokus sa leksyon kahit na hirap ako sa dalawang subject namin. Baon ko pa rin ang mga salita ni Hanna hanggang sa tanghalian namin sa may canteen.

Kahit na nag-aasaran ang tatlong kaibigan ko habang bakanteng oras namin ay hindi ko nagawang makisawsaw dahil si Hanna pa rin ang iniisip ko. Gusto ko sanang sabihin sa kanya na hindi madali ang pagtanggap sa mga sinabi niyang iyon. Para ako nitong tinutusok ng sandaang patalim dahil sa sakit. Pinapatay ako ni Hanna sa sakit.

"Hoy!" untag sa akin ni Patrick na nakangisi pa. Ipinatong nito ang kanyang mga paa sa itaas ng armrest ko. "Kanina ka pa diyan walang kibo. Magsalita ka naman."

Napabuga ako ng hangin at tinignan sina Clark at Eunice na nakataas ang kilay sa akin saka naghihintay na magsalita na ako.

"Wala ako sa mood," walang ganang sabi ko at nagsulat ng kung ano-ano sa likod ng binder ko.

"Kung ikwento mo na lang kaya sa amin ang tungkol sa babae kahapon." Suhestiyon ni Clark at napatingin naman sa kanya si Patrick na sumasang-ayon. Samantala, si Eunice naman ay walang reaksyon dahil wala naman itong alam tungkol sa nangyari kahapon.

Napatigil ako sa pagsusulat dahil sa sinabing iyon ni Clark. Hindi nga ako nagkamali na nagtaka ang mga ito sa mga nangyari kahapon.

"Kalimutan niyo na 'yon," tamad kong sagot at bumalik ulit sa pagsusulat.

"Sus, ito naman," dismayadong tugon ni Patrick at inalis ang mga paang nakapatong sa armrest ko. Nilapit nito ang kanyang upuan sa akin kaya nasa harap ko na siya.

"Saan mo nakilala ang chiks na 'yon, ha? Medyo nasa late twenties pero okay na rin." Makahulugang tanong nito sa akin. "Maganda ang mukha, maganda ang katawan, at malaki rin ang hinaharap." Segunda pa nito saka humalakhak.

Mabilis ko siyang kwinelyuhan na ikinabigla niya at ng dalawa pa naming kasama. Nag-init bigla ang ulo ko dahil sa huling sinabing iyon ni Patrick. Ewan ko ba, parang bastos ito sa pandinig ko.

Nawala ang mga ngiti ni Patrick sa akin nang makita niya ang matatalim kong tingin sa kanya.

"Bawiin mo ang sinabi mo!" singhal ko.

Doon na tumayo sina Clark at Eunice na naalarma sa inasal ko.

"Uy, Iris!" tawag sa akin ni Eunice at nilapitan niya ako. "Chill ka lang. Ano ka ba?"

Tinignan niya si Clark na tila naguguluhan. "Ano ba ang nangyayari, ha, Clark?"

Nagpumiglas si Patrick hanggang sa mabitiwan ko ang pagkakahawak sa kwelyo ng uniporme niya. Marahas niya akong tinulak kaya malakas din ang pwersa nang pagkakatama ng likod ko sa may sandalan ng upuan.

"Putangina mo!" malutong na mura nito sa akin. "Ano mo ba ang babaeng iyon? Girlfriend mo ba, ha? Mahilig ka pala sa mukhang pokpok. Tangina ka."

Hindi na ako nagsalita at sinamantala naman ni Clark ang pagpapakalma kay Patrick na nasagad na.

Kinuha ko ang bag at binder ko saka tumayo na. Tinignan naman ako ni Eunice. "Teka, Iris, sa'n ka pupunta? Ten minutes na lang klase na natin."

"Hindi lang muna ako papasok sa huling dalawang subjects natin," kalmado ko nang sagot sa kanya.

"Pero may recitation tayo kay Sir Magpantay mamaya." Sabi ulit ni Eunice ngunit mas nanaig pa rin ang kagustuhan kong umabsent.

xxx

Kaharap ko ngayon ang pintuan ng bahay ni Hanna. Limang minuto akong nakatayo sa harapan nito at alanganin pa kung itutuloy ko ba ang pagkatok ko o hindi.

Binata na si IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon