Kabanata XXIX: Hello, Hanna

2.3K 159 12
                                    

Sa trenta minutos kong pagde-desisyon kung sasama ba ako, sa bandang huli ay pumayag din lang naman ako. Tinext ko kaagad si Clark na sasama ako at tatapusin ko lang ang labahan ko.

Mga ilang minuto rin ang lumipas at natapos na rin sa pag-ikot ang mga damit ko sa loob ng washing machine. Napatitig ako saglit sa repleksyon ko sa salamin ng washing machine, napaisip ako, habang tumatagal kasi ay parang nagiging ibang tao na ako... parang hindi na ako katulad nang dati. Hindi ko alam kung ano ba ang magandang paliwanag dito, basta kasi, parang mas malungkot kapag tumatagal, mas nakakadurog ng pagkatao.

Pagkatapos kong kunin sa loob ang mga damit ko ay mabilis ko itong ni-dryer. Trenta minutos din akong naghintay para matapos na ang lahat-lahat at hindi ko na tinupi pa ang mga damit ko. Mabilis ang mga naging kilos ko dahil nakakahiya naman kina Clark na ako pa talaga ang hinihintay nila.

Nang matapos na ako sa pag-aayos ng sarili ko ay tinext ko si Angela na lalabas ako kasama sila Clark. Itinabi ko na rin ang laundry basket ko sa gilid ng double-deck na higaan saka lumabas na ako ng silid.

"Late ka ng 5 minutes." Sambit kaagad ni Clark habang nakatingin sa kanyang wristwatch. Nasa tapat na kami ng library ngayon na nasa loob ng campus. Ito ang karaniwang meeting place namin, isang disadvantage kapag may kaibigan kang sobrang talino, nakakabagot din kasi minsan.

"Katatapos ko pa lang kasi maglaba, eh. Alam mo namang kapag sabado eh, laba day." Natatawang sagot ko sa kanya. Istrikto kasi sa oras si Clark. Palaging on time. Daig pa ang military man. "Wala pa nga si Patrick, eh. Malamang 30 minutes 'yong late."

Napapalatak si Clark at umiling-iling. "On the way na raw, ang lapit lang naman ng dorm room niya rito."

Natawa ako sa sinabi niyang iyon. Sa aming apat si Patrick ang pinaka-makupad sa lahat at ang pala-sabi ng on the way kahit maliligo pa lang. Kaming tatlo nina Eunice at Patrick ay parehong nasa dormitory maliban kay Clark na walking distance lang naman ang bahay.

Madalas naming tambayan ang library lalo na kapag si Clark ang nagyayaya. Hindi naman kami maka-hindi kasi may libre na rin kaming discussion mula sa kanya. Sabi ko pa nga, mala-computer at calculator ang utak niya. Si Eunice, matalino rin naman kaso palihim lang hindi kagaya ni Clark na mukhang mag-a-advance na yata sa third year. Si Patrick, sakto lang naman, mahilig lang sa chill-chill at minsan hindi pumapasok sa klase. Samantala ako, ewan ko ba, pumapalya ang utak ko ngayon, kinakalawang na siguro.

"Si Eunice parating na pero si Patrick kapag ni anino niya 'di ko pa rin nakita, mauna na lang tayo sa loob." Sabi ni Clark sa akin kaya sumang-ayon na lang ako.

Ang totoo napipilitan lang ako kasi alam kong makikipagtagisan na naman ng galing itong si Clark sa loob ng library. Eh, natutuyot ang dugo ko do'n. Ba't ko ba kasi naging mga kaibigan ang mga ito?

xxx

Dalawang oras kaming nanatili sa loob ng library kaya dalawang oras din ang kalbaryo, ang pagbulong dahil bawal ang maingay, ang piliting magtago nang tawa dahil sa mga korning jokes ni Patrick, at isama na rin natin ang lutang moments ni Eunice dahil minsan wala siyang maintindihan sa pinagsasabi ni Clark.

Habang ako, pinaghalo-halo na yatang kalbaryo, patagong pagtawa, at lutang moments dahil sa kakaanalisa ng illustrations sa libro. Nai-imagine ko na lang na sinusupalpal na ako ng libro dahil wala akong maintindihan. Nasa library na nga kami eh, mas lalong nadadagdagan ang pagiging bobo ko.

Sa labas ng library ay parang blangko pa rin ang pag-iisip ko dahil sa mga kaganapan sa loob. Hindi ko nga alam kung may natutunan ba ako o wala, eh.

Binata na si IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon