Kabanata XL: Why Can't I...

2.5K 185 37
                                    

"Nabusog ka ba?" tanong ni Hanna sa akin habang nililigpit ang aming pinagkainan. Mag-aalas otso y media na ng gabi ngunit katatapos pa lang naming maghapunan. Sinubukan kong tulungan si Hanna sa pagliligpit ngunit hindi niya ako pinayagan. Kaya hindi na ako nagpumilit pa, nanatili lamang akong nakaupo sa may hapag-kainan habang tahimik lamang na pinagmamasdan siya.

Inisa-isa niya sa pagkuha ang aming mga pinggan at saka pinatong-patong ito. Isinunod niya rin ang kutsara't tinidor saka mga baso at inilagay ang mga iyon sa may lababo.

"Ako na ang maghuhugas," pagprepresenta ko sa kanya ngunit umiling lamang siya sa akin na nagpabagsak sa magkabila kong balikat.

"Diyan ka lang, ako nang bahala rito." Sabi nito sa akin at nagsimula nang maghugas ng mga pinggan.

Nangalumbaba ako habang pinagmamasdan ang likod ni Hanna na basang-basa na ng pawis.

"Hindi ako sanay sa ganito," mahinang sambit ko.

"Sa ano?" nagtatakang tanong ni Hanna.

"Na walang ginagawa lalong-lalo na kapag nasa ibang bahay ako," sagot ko na nagpahagikhik kay Hanna.

"Alam mo, ikaw, ilang buwan ka nang tambay dito pero hanggang ngayon hindi ka pa rin nasanay." Sabi nito sa akin habang patuloy pa rin sa paghuhugas.

"Gusto kasi kitang tinutulungan." Pabulong kong sambit sa kanya ngunit hindi niya na ako sinagot pang muli. Napanguso na lamang ako dahil do'n. Gusto ko lang namang magkaroon ng kwenta sa kanya ngayong gabi.

xxx

Tahimik kami pareho ni Hanna ngayon. Iyong tugtog lamang sa radyo ang nagpapagising ng diwa namin pareho.

Komportable lamang akong nakaupo sa may sofa habang abala naman si Hanna sa pagsisindi sa stick ng kanyang sigarilyo. Nakatayo siya malapit sa may bintana habang nakatuon ang atensyon niya sa labas. Mukhang malalim ang iniisip na tipong hindi ko masabayan.

"Hindi ka ba naiilang maghintay sa'kin sa labas gabi-gabi?" basag ni Hanna sa katahimikan at nagbuga ito ng usok galing sa sigarilyo.

"Naiilang din pero pinipigilan ko naman." Sagot ko sa kanya. "Ba't mo naman natanong?"

Tumingin naman siya sa akin na parang ang lungkot-lungkot ng kanyang mga mata. "Nag-aalala lang naman ako sa'yo baka kasi kung anong isipin nila. Lahat sila rito ay alam na pokpok ako, saka ikaw, bata at estudyante na laging tambay dito gabi-gabi. Ayoko lang na mapag-uusapan ka nila rito pagkatapos may kakalat na tsismis tungkol sa'yo."

Nagulo ulit ang utak ko dahil sa sinabing iyon ni Hanna. Sa pagkakaalam ko ay wala naman akong pakialam sa gusto nilang isipin at sabihin tungkol sa akin lalong-lalo na sa aming dalawa. Sa una pa lang eh, hindi ko na hinihingi ang opinyon nila sa estado naming dalawa.

"Anong gusto mong mangyari?" kabadong tanong ko sa kanya na hindi naman niya nasagot. Napansin ko ang panginginig ng kanyang kanang kamay na gamit niya sa paninigarilyo. Nag-iwas siya ng tingin sa akin at ibinalik ulit ang atensyon sa labas ng bahay.

"Wala naman tayong ginagawang masama, 'di ba? Bakit ka matatakot? Matagal mo rin naman nang tinigil ang gawaing iyon. Saka, nag-uusap lang naman tayo, nagtatawanan. Wala namang masama sa ginagawa natin dito." Mahinahong paliwanag ko sa kanya. "Iyong mga kaibigan ko alam nila ang tungkol sa'yo pero hindi naman sila nag-iisip ng masama tungkol sa ating dalawa."

"Kasi hindi naman lahat ng tao pare-pareho na maganda at maayos ang takbo ng pag-iisip." Singit ni Hanna ngunit nakatingin pa rin siya sa labas. "Saka, kahit na itinigil ko na iyon mananatili pa rin akong pokpok sa mata ng maraming tao."

Binata na si IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon