Kabanata XII: Kevin

2.2K 136 6
                                    

"Susmaryosep kang bata ka!" gulat na sambit ni Nanay nang makauwi ako ng bahay. "Ano nangyari sa buhok mo? Anong ginawa mo diyan?"

Hindi ako nakaimik dahil sa sunod-sunod na tanong ni Nanay sa akin. Pakiramdam ko mas malala pa 'to kumpara sa tindi ng tensyon sa loob ng korte. Napako na lamang ako sa aking kinatatayuan habang sinasalubong ang mga matatalim na tingin ni Nanay.

"Magsalita ka, Iris! Anong ginawa mo?" pasigaw na tanong ulit nito sa akin. Napausal ako ng munting panalangin. Galit na talaga si Nanay. Galit na galit.

"P-Pinagupitan ko po..." sagot ko ng sa wakas ay mahanap ko na ang aking boses.

Hindi na pinatagal pa ni Nanay ang kanyang balak. Pinalo niya kaagad ako gamit ang hawak niyang sinturon. Napasigaw na lamang ako sa sakit sa unang palo pa lamang. Sa ikalawang palo ay nakatakbo na ako at kaagad na pumasok sa loob ng kwarto saka nagtalukbong ng kumot.

"Kahit kailan talaga hindi ka nagtatanda! Matigas pa rin ang ulo mo!" sigaw ni Nanay sa labas. Buti na lang at hindi na ito pumasok sa loob dahil 'pag nagkataon baka hindi na ako makalakad bukas, kung makakapaglakad man ako baka paika-ika na.

Basta ang importante, nakasama ko si Hanna kanina.

xxx

Kinabukasan, pagkarating ko ng tambayan ay kaagad kong kinwento sa mga kaibigan ko ang naging reaksyon ni Nanay nang malaman niyang pinagupitan ko ang buhok ko. Sa katunayan nga kanina ay ramdam ko ang bigat ng loob ni Nanay sa akin. Pakiramdam ko ay nagtatampo siya sa akin dahil nagpagupit ako ng buhok. Sobra talagang nanghihinayang si Nanay do'n.

"Eh, paanong hindi magagalit si Aling Gina sa'yo? Pinagupitan mo ang mahabang buhok mo. Paboritong-paborito pa naman niya 'yon." Sabi ni Rhea sa akin.

"Oo nga, crowning glory mo 'yon," dagdag pa ni Mary Anne.

Nakisawsaw na sa usapan si Jolo. "Hay naku, hindi niyo talaga naiintindihan, 'no? Syempre, nagpapa-pogi points itong si Iris kay Ate Hanna."

Pinagtaasan ng kilay ni Mary Anne si Jolo. "Pogi points mo 'yang mukha mo. Anong akala mo kay Iris? Lalaki? Tigil-tigilan mo nga 'yang si Iris sa mga kalokohan niyo ni Jimboy. Kung ano-ano na lang ang pumapasok sa isipan niyo."

Natawa na lamang ako. "Shh, tahimik na, Mary Anne. Ginusto ko rin naman 'yon. Tignan mo, hindi na ako hirap sa buhok ko. Kahit hindi na ako magsuklay."

"Sus, tamad ka kasing magsuklay kaya gano'n." Singit ni Rhea.

Umismid ako.

"Teka, kwento ka naman tungkol sa inyo ni Ate Hanna." Panunukso ni Jolo.

Namula ang buong mukha  ko.

"Aha! May tinatago ang Iris natin. Sige na, ano na ang nangyari kahapon?" pangungulit ni Jimboy.

"Wala..."

"Sinungaling! Halatang kinikilig ka, oh." Sabi na ni Jolo.

"Wala nga kasi," sabi ko at kaagad na tumayo. "Alis muna ako."

"Hoy!" sigaw ni Jimboy. "Saan ka pupunta?"

Hindi ko siya sinagot. Nginisihan ko lang ito at nagtatakbo na ako palayo sa kanila.

"Ang daya mo, ha?!"

xxx

Sa bahay nina Hanna ako nagpunta. Saktong-sakto at nasa labas ito habang abala sa pagtingin-tingin ng mga tanim nilang bulaklak.

Binata na si IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon