Kabanata XXV: Birthday

2.1K 135 14
                                    

"Uy, Iris." Sitsit ni Joel sa akin. Napatigil naman ako sa pagsusulat sa notebook ko at binalingan ko siya nang tingin. "Ano 'yon?" tanong ko sa kanya.

"Birthday ngayon ni Angela," bulong nito dahil nagsisimula na ang klase namin kay Ma'am Lita na subject teacher namin sa Math. Siya rin ang gurong iyon na nagkumpiska ng cellphone ko at nagpatayo sa akin ng isang oras sa labas ng classroom.

"Ows?" hindi makapaniwala kong sagot pero pabulong lang din baka mapansin kami ni Ma'am Lita na nag-uusap habang nagkaklase siya.

Tumikhim si Joel at pasimpleng tinignan si Ma'am Lita sa harapan. Nakatalikod pa rin ito habang nagsusulat ng formula sa pisara.

"Totoo nga kasi," giit ni Joel. "Nakita ko sa slamnote ni Ericka kahapon na pinasulatan niya rin sa akin."

Dahan-dahan kong ibinaba ang ulo ko para makapagtago sa likuran ni Erickson at nang hindi rin ako mapansin ni Ma'am Lita. "Uso pa pala ang slamnote ngayon kahit na hayskul na tayo. 'Kala ko pang elementary lang 'yan." Natatawang sambit ko sa kanya.

"Wala, eh. Remembrance raw. 'Di na rin kasi matagal, malapit na tayong mag-second year." Mahinang sambit nito at sinilip ulit si Ma'am Lita.

"Vivero! Dimasalang!" malutong na banggit ni Ma'am Lita sa mga apelyido namin na para kinasusuklaman niya ang mga ito.

"Patay..." bulong ni Joel kaya napaayos na lamang ako ng upo at kabadong nakatingin kay Ma'am Lita. Naku naman, pangalawang beses ko na ito. Bad record na ako nito sa Math teacher namin.

Napalingon sa amin si Erickson at inilibot ko naman ang aking tingin na parang may hinahanap na dalawang pares ng mata sa loob ng classroom.

"Both of you! Get out!" sigaw ni Ma'am Lita na babasag ng eardrums mo.

Nataranta kami pareho ni Joel kaya kaagad kaming tumayo sa aming mga upuan. Mabilis kaming naglakad palabas ng classroom at saktong nahagip ng mga mata ko si Angela na pasimpleng humahagikhik sa kanyang upuan. Napabuntong hininga ako dahil sa naisip ko, ito yata ang birthday gift ko sa kanya ngayon.

xxx

Napansin kong malungkot si Angela habang nakaupo ito sa may flower box na katabi ng puno ng acacia. Nakabusangot ito habang titig na titig sa screen nang hawak niyang smartphone ngayon. Vacant na namin ngayon dahil tapos na ang English subject namin, nakahinga na rin ako sa parusa ng Math teacher namin at kailangan ko nang pahinga ngayon. Deserve ko rin naman 'to kahit papa'no.

Lumabas ako ng classroom dahil sa ingay ng mga kaklase ko. Hindi ko rin naman masyadong makausap sina Joel at Erickson dahil abala sila sa paglalaro ng chess at saka wala naman din akong alam do'n.

"Uy," tawag ko kay Angela at napatingin naman siya sa akin. Ibinalik niya sa loob ng bulsa ang cellphone niya saka umupo na ako sa tabi niya. "Happy birthday nga pala," bati ko sa kanya at nanlaki naman ang mga mata niya na parang nagtataka.

"T-Teka, paano mo nalaman na birthday ko ngayon?" tanong nito sa akin. "Sikreto lang dapat 'yon."

Tumawa naman ako habang nakatanaw sa classroom namin kung saan nagkakarambola lahat ng kaklase ko sa loob. "Kay Joel, nakita niya sa slamnote ni Ericka. Eh, 'di na sikreto 'yon kasi sinulat mo."

Napakamot ng ulo si Angela. "Tanga ko rin," natatawang sambit nito.

"Uy, 'di naman sa gano'n," dipensa ko sa kanya baka damdamin niya. "Teka, ba't malungkot ka? 'Di ba birthday mo ngayon?"

Binata na si IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon