Kabanata XI: Galit

2.4K 141 16
                                    

Nang makauwi ako nang bahay ay mayroong kakaibang emosyon akong naramdaman. Gusto kong magsisigaw hanggang sa kumawala na ang kaluluwa ko sa aking katawan. Gusto ko ring magwala --- magwala nang magwala.

Lumabas ako ng bahay nang walang pasabi kay Nanay. Nagpunta ako sa likod at kinuha ang dos por dos na nakapatong sa may sirang upuan.

Naglakad ako hanggang sa makalayo ng bahay.

Ramdam ko ang pag-init ng aking ulo at ang pag-init ng sulok ng aking mga mata. Paulit-ulit na pumapasok sa isipan ko ang mga ngiti ni Hanna para sa kanyang nobyo. Nararamdaman ko ngayon ang bigat ng aking nararamdaman.

Sa may lilim ng puno ako pumwesto. Inihanda ko ang hawak kong dos por dos at sinimulang paghahatawin ang puno dahil sa galit.

"Bakit, Hanna? Bakit mo ako ginaganito?!" sigaw ko habang pinapalo ko ng malakas ang puno gamit ang dos por dos na hawak ko.

Nagsisigaw ako. Sinigaw ko nang paulit-ulit ang pangalan ni Hanna. Sinigaw ko kung gaano akong nasasaktan sa nasaksihan kanina. Patuloy pa rin ako sa pagpalo hanggang sa maramdaman kong namamanhid na ang mga kamay ko.

Napatigil ako sa aking ginagawa at tuluyan nang binitawan ang hawak ko. Dahan-dahan akong napaupo hanggang sa hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

Sadyang nasasaktan lang talaga ako.

xxx

Kinabukasan ay nadatnan ako ni Nanay na mugtong-mugto ang mga mata. Hanggang sa pagtulog kasi ay iniyakan ko pa rin si Hanna ng hindi niya alam. Nakatingin pa ako sa larawan ni Tatay habang tinatanong sa kanya kung naging ganito rin ba siya noong kabataan niya. Kung iniyakan niya ba ang taong gusto niya.

Nakatulog na lamang ako kagabi habang hawak ang larawan ni Tatay.

Patuloy akong kinukulit ni Nanay kung ano raw ang iniyakan ko kagabi. Hindi ko sinabing tungkol ito kay Hanna. Baka siya magalit sa akin, matawa, at hindi maniwala. Iniba ko na lamang ang rason ko. Sinabi kong nami-miss ko na si Tatay kaya gano'n. Sinabi naman niya na gano'n din siya.

Sa may tambayan ako naglagi at naghintay rin na dumating na sana ang mga kaibigan ko. Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na sina Jolo at Jimboy. Sabi nila, hindi raw makakarating sina Mary Anne at Rhea dahil may aasikasuhin daw silang dalawa. Hindi na rin ako nagtanong, wala naman kasi akong itatanong. Saka, gusto ko lang nang kausap at kasama ngayon.

"Wala ka yata sa mood, Iris?" tanong sa akin ni Jolo at umupo ito sa tabi ko.

"Si Hanna kasi..." sagot ko.

"Basted?" singit naman ni Jimboy.

Umiling ako. "Hindi, eh. Baka brokenhearted ang saktong salita."

Bigla namang na-intriga si Jolo at mas lalong lumapit pa sa akin. "Teka, paano nangyari 'yon? Huwag mong sabihing..."

"May boyfriend na si Ate Hanna?" ani Jimboy.

"Oo, eh. Masakit sa puso." Tugon ko na lamang.

"Ano ba 'yan," inis na pagkakasambit ni Jolo. "Hindi mo pa nga nililigawan brokenhearted ka na agad. Pwede mo pa namang maagaw si Ate Hanna. Hindi pa naman sila mag-asawa."

Humagalpak ng tawa si Jimboy.

"Tama! Maaagaw mo pa si Ate Hanna. May kulang lang kasi sa'yo, Iris." Sabi ni Jimboy.

Binata na si IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon