Kabanata XXVII: Pamilyar

2.3K 159 22
                                    

Isang buwan na ako rito sa lungsod. Isang buwang kalbaryo sa pagiging engineering student.

Noong araw na hinatid ako ni Nanay sa may terminal ng bus ay halos madurog ang puso ko. Naiisip ko na baka hindi ko makayang malayo kay Nanay dahil buong buhay ko ay lagi ko na siyang kasa-kasama. Parang gusto kong umatras na lang at hayaan na lamang ang scholarship na naghihintay sa akin. Ngunit, naisip ko noon na hindi na ako pwedeng umatras dahil ito na ang simula ng pangarap ko.

Umiyak pa si Nanay habang nagpapaalala sa akin ng mga bagay-bagay bago ako pumasok sa loob ng bus. Huwag daw akong panghinaan ng loob dahil naniniwala raw siya sa akin at alam niyang kayang-kaya ko ang bagong mundo na papasukan ko.

Sabay kaming bumiyahe ni Angela. Parehong kinakabahan at hindi sigurado kung ano ang magiging kapalaran naming dalawa.

At, heto na ang naging kapalaran namin ngayon dito sa unibersidad na aming pinapasukan --- ang piliting pumasa para hindi matanggal sa scholarship namin.

Dormmates kami ni Angela kahit magkaiba ang kurso namin. Buti na nga lang kasi hindi na ako nag-adjust pa kasi matagal ko na siyang kakilala. Hindi lang kakilala dahil siya na rin ang naging close friend ko sa aming magbabarkada.

"Alam mo, Iris, parang gusto ko nang umuwi sa'tin." Pabulong na sambit nito habang nagsusulat sa kanyang notebook.

Pasado alas-onse na ng gabi ngunit pareho pa rin kaming gising ang diwa. Nag-a-advance reading siya dahil terror daw ang propesor nila sa first subject bukas. Masyado raw perfectionist, istrikto, at mahilig mamahiya ng estudyante. Samantala ako, panay ang praktis ng solving sa chemistry. Hindi ko nga alam kung bakit eh, sadyang nahihirapan talaga ako sa mga lessons ngayon.

Tumigil din ako sa pagsusulat at nag-inat naman ng katawan. Ibinagsak ko ang katawan sa higaan at tinignan si Angela na tuloy pa rin sa pagsusunog ng kilay. "Ano ka ba, isang buwan na nga tayo rito, ngayon mo pang naisipang umuwi. Paano na kung umabot na tayo ng dalawa o tatlong taon dito?" Mahinahong sabi ko sa kanya.

Napansin ko naman ang pagtigil niya sa pagsusulat. Maayos siyang sumandal sa kanyang kinauupuan at napabuntong hininga.

"Iyon na nga eh, parang ayoko nang umabot ng dalawang taon dito. Nami-miss ko na sina Papa at ang mga kapatid ko." Malungkot na tugon nito. "Akala ko noon kapag tumanda na ako, magagawa ko na lahat. Pero, parang mali yata ako. Mas mahirap pala talaga ang buhay kapag nagsisimula ka ng tumanda."

Medyo natawa ako sa sinabi ni Angela. Natawa na lang ako dahil alam kong tama ang mga sinabi niya. Hindi lang tama kasi malalim ang mga salitang iyon.

"Ano ba 'yan, ba't ang seryoso natin ngayon?" pabirong tanong ko sa kanya at inusog na lamang ang mga gamit ko sa tabi ng unan ko, baka bukas kabisado ko na lahat ng formula. "Matulog na lang tayo. Ang dami na nating iniisip."

Naghikab si Angela at tumayo na mula sa pagkakaupo. Inayos niya muna ang mga libro niya na nakapatong sa itaas ng study table. "Tama ka siguro, 'no? Pasyal na lang tayo bukas ng hapon tutal biyernes naman. Wala ka namang ibang lakad bukas, 'di ba?"

"Wala, eh. Alas-kwatro ang dismissal namin bukas. Didiretso lang naman ako rito sa dorm." Sabi ko sa kanya at tumagilid na nang higa. "Good night, Angela."

"Good night, Iris."

xxx

Badtrip ako habang naglalakad papuntang dorm. Hindi ko matanggap na binigyan ako ng tres ng propesor namin sa Chemistry. Tuwang-tuwa pa ako kanina nang sabihin niyang magpapa-quiz siya dahil alam kong hindi ako babagsak dahil nag-aral ako kagabi. Ngunit, malas talaga, hindi tinanggap ng propesor namin ang mga solution ko na shinort-cut ko kahit na tama naman ang sagot na lumabas do'n. Gusto niya detalyado lahat. Mano-mano. Walang tapon.

Binata na si IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon