Kabanata XIV: Balita

2K 113 6
                                    

Ilang linggo na lang ay magpapasukan na kaya't sinusulit na namin ng mga kaibigan ko ang mga nalalabing araw ng bakasyon. Kahit na tirik na tirik pa ang araw ay hindi pa rin kami tumitigil sa paglalaro. Sayang din kasi dahil mami-miss namin ito kapag magsimula na ang klase. At saka, kwento nila sa akin kanina ay marami na raw ang magbabago kapag tumungtong na kami ng sekondarya kaya't nangako kaming lahat na magiging solid pa rin ang aming samahan kahit anong mangyari.

"Teka!" sigaw ni Jimboy sa akin ng huhulihin ko na siya para siya naman ang maging taya. "Break muna tayo. Pagod na ako."

Tinapik ko siya sa may balikat. "Ang daya mo naman! Porke't ikaw na ang taya magpa-pass ka na." Hinihingal kong sambit. Napansin ko ang pagtulo ng aking pawis kaya't pinahiran ko ito gamit ang likod ng kamay ko.

"H-Hindi naman sa gano'n," hinihingal din na tugon ni Jimboy at kaagad itong nagpunta sa may lilim ng puno upang sumilong. "Pagod na ako tapos ang init-init pa!"

Sumunod naman kami nina Rhea, Mary Anne at Jolo sa kanya. Tumabi ako kay Jimboy at nagpaypay din sa sarili gamit ang dalawa kong kamay.

"Sige na nga basta't sa laro natin mamaya ikaw na ang taya," paninigurado ko dahil ayoko namang malugi sa laro namin.

"Ikaw naman, ayaw mong magpa-onse." Natatawang sabat ni Rhea.

"Aba syempre naman, nakakapagod kayang tumakbo. Mahirap kayang habulin itong si Jimboy." Sagot ko sa kanya.

"Eh, ba't ba kasi laging siya na lang ang hinahabol mo?" tanong ni Mary Anne.

"Siya na lang kasi ang hindi pa nagiging taya, eh. Lugi naman tayo kung tayo lang lagi ang magiging taya." Sabi ko naman.

"Sumali ka kaya sa track and field, Jimboy." Suhestiyon ni Jolo.

Nag-angat naman ng kilay si Jimboy. "Kapag mag-hayskul na tayo makakasali ba tayo sa mga sports?"

"Oo!" sagot ni Mary Anne. "Iyong kapatid kong lalaki varsity ng basketball noong hayskul siya. Dagdag grade din 'yon sabi niya."

"Uy, may pag-asa pala tayo sa extra-curricular activities." Wika ni Jimboy. "Makasali nga sa track and field. Kayo, anong gusto niyong salihan?"

"Gusto ko sana iyong journalism," sagot ni Mary Anne na nagpamangha sa amin.

"Ako naman, hmm, swimming." Si Rhea na.

Si Jolo naman ay matagal na sumagot. Parang iniisip pa niya kung ano ang gusto niyang salihan sa darating na pasukan.

"Ikaw, Iris?" tanong sa akin Jimboy.

Saglit din akong napaisip. Parang wala naman akong maisip. Gusto ko lang mag-aral ng mabuti.

"Hindi ko alam. W-Wala, yata?" hindi siguradong sagot ko.

Napansin ko naman ang paghagikhik nina Mary Anne at Jolo. "Naku, Iris, mukhang hindi na kailangan, matalino ka na --- kulang na lang ay bigyan mo rin kami ng sapat na talino."

Napanguso ako sa sinabi ni Jolo. "Tukmol ka talaga. Ikaw, ano bang gusto mo?"

"Ako?" natatawang tanong nito. "Gusto ko lang maging masaya!"

Saka na ito nagtatalon sa tuwa kaya nagtawanan na rin kami.

xxx

Hindi na kami bumalik pa sa paglalaro at 'yon nga nalugi rin ako. Nagkulitan na lang kaming lima sa may lilim ng puno at pagkatapos no'n ay nagpayabangan kami tungkol sa mga lolo namin. Syempre, hindi totoo ang pinagsasabi namin. Nagkatuwaan lang kami dahil nasarapan kami sa pagtambay dahil sa malakas at sariwang hangin.

"Itigil na nga natin itong kalokohan natin baka mamaya manigas na ang panga ko sa katatawa." Sabi ni Mary Anne habang nagpipigil nang tawa. Ito kasing si Jolo, marami ang baong kalokohan kaya kami naman ay todo tawa.

"Punta kaya tayo kina Ate Hanna," suhestiyon ni Jimboy. Parang nabuhayan naman ako ng loob nang sabihin niya iyon.

"Sige, sige. Sama ako. Hindi ako nakasama sa inyo dati." Wika naman ni Mary Anne pagkatapos ay tumayo na ito.

"Himala, hindi ka nag-inarte." Pang-aalaska na naman ni Jolo.

"Oh, tama na." Saway ko.

"Ano na? Lalakad kung lalakad?" tanong ni Rhea.

"Eh, ano pa nga ba? Lalakad syempre!" masiglang sagot ni Jimboy at kaagad na tumakbo ng mabilis.

Hindi naman kami nagpahuli kaya't hinabol din namin si Jimboy. Sa isip ko parang nahihiya akong magpunta do'n. Nakakahiya naman kasing humarap kay Hanna na amoy araw ako. Kaliligo ko lang sa pawis kanina!

xxx

Habol pa rin namin ang aming paghinga nang makarating kami sa bahay nina Ninang Carmen at Hanna. Unang dumating si Jimboy dahil siya ang mas mabilis tumakbo sa amin, sumunod naman ay si Jolo, pagkatapos ako at si Rhea. Mary Anne ang huli dahil naglakad na lang ito. Mahihimatay na raw siya kapag tumakbo pa siya. Saka, wala raw siyang tiwala sa amin baka raw iwan lang namin siya sa daan.

"Oh, Iris!" tawag kaagad sa akin ni Hanna pagkalabas niya ng bahay. Hindi muna ako nakaimik dahil napatitig lang ako sa kanya. Hanggang ngayon ay ganito pa rin ang epekto niya sa akin.

"Hi, Ate Hanna." Halos magkapanabay na bati nina Jimboy at Jolo sa tonong malambing. Nginitian naman sila ni Hanna at saka kinawayan.

"Hi, Ate! Ako pala si Mary Anne." Pakilala niya kaagad at nakipag-shakehands.

Kitang-kita naman sa mga mata ni Hanna ang kanyang pagkasabik sa amin kaya't hindi siya ulit nag-atubiling papasukin kami sa loob. Nadatnan namin sa loob si Ninang Carmen na nagbabasa ng diyaryo kaya kaagad naman akong nagmano sa kanya.

Sa may munting sala nila kami nanatili. Panay ang kulitan ng apat kong kaibigan habang ako naman ay nakamasid lang kay Hanna na naghahanda ng meryenda.

"Buti naman at napadalaw kayo rito," simula nito at naglagay ng pinggan na may lamang sandwich sa may center table.

"Na-miss ka namin, Ate." Pahayag ni Jolo. "Pasensya ka na rin po kung amoy araw kami. Galing po kami sa paglalaro."

"Hindi, ayos lang. Alam ko namang sinusulit niyo lang ang bakasyon niyo," sagot naman nito. "Malapit na pala ang klase niyo. Naku, good luck sa inyo saka galingan niyo ng husto!"

Tumingin naman ito sa akin.

"Ikaw din, Iris. Galingan mo." Nakangiting tugon nito.

"Ikaw ba Ate Hanna, kailan po ang klase niyo?" tanong ni Rhea.

"Ay, hindi na ako nag-aaral. Graduate na ako ng college. Sa katunayan eh, bukas babalik ako ng lungsod dahil magre-review ako para sa licensure exam." Paliwanag naman niya.

Natigilan naman ako sa pagkain nang marinig kong aalis siya.

"T-Teka, aalis k-ka?" hindi makapaniwalang tanong ko at tumango naman siya.

"M-Matagal ka ba doon?" sunod ko pang tanong. Pakiramdam ko nabibiyak ulit ang puso ko.

"Medyo? Hindi sigurado, eh." Sagot naman niya.

"Halaaa, mami-miss ka namin Ate Hanna." Sabi ni Jolo.

"Kayo rin," sabi naman nito. "Ipagdarasal ko kayo parati."

Nais ko sanang sabihin sa kanya na huwag na lang siyang umalis dahil malulungkot ako at saka mangungulila ako sa kanya. Ngunit, lahat lamang ng 'yon ay sinabi ko lang sa isipan ko. Sa katunayan ay wala na akong ibang nasabi pa. Parang ayokong umalis si Hanna dahil pakiramdam ko ay hindi ko na siya makikita kahit kailan.

Binata na si IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon