Epilogo: Larawan

3.9K 230 174
                                    

Limang taon ang ginugol ko sa kolehiyo. Binuhos ko lahat ng oras at panahon ko sa pag-aaral simula nang iwan ako ni Hanna. Kaibigan, lessons, at school activities ang naging sandigan ko sa mga panahong winasak ako ng dahil sa pag-ibig. May mga pagkakataon din namang naaalala ko ang pag-iwang iyon ni Hanna sa akin ngunit napag-isipan kong hanggang doon na lamang iyon.

Fourth year na kami pareho ni Angela nang magsimulang mahulog ang loob ko sa kanya. Sinubukan ko siyang ligawan na hindi naman niya tinanggihan. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagkaroon ako ng karelasyon sa katauhan ni Angela.

Labing-siyam na taong gulang ako nang maging nobya ko si Angela. Sa una masaya kasi wala pa kaming mga problemang kinakaharap. Saka, hindi naman kami nailang sa isa't isa dahil naging magkaibigan muna kami nang matagal. Nagkaproblema lang kami pareho dahil graduating na siya sa mga panahong iyon samantala ako ay may gugugulin pang isang taon sa kolehiyo.

Hindi kami nagkaunawaan pareho ni Angela. Iba ang gusto niyang marating sa buhay pati rin ako. Sa araw ng graduation niya ay naghiwalay kaming dalawa. Saktong first anniversary ng aming relasyon.

Nasa fifth year na ako sa kolehiyo, dalawampung taong gulang at umaasang sana'y maka-graduate. Ang dating klase namin noon na mayroong 40 na estudyante ay nalagasan ng 20 dahil sa dami nang drop out, bagsak, at nag-shift ng kurso.

Buti na lang at solid kaming apat nina Clark, Eunice, at Patrick. Walang sumuko kahit isa sa amin.

Nagkaroon ulit ako ng nobya nang tumungtong ako sa fifth year --- si Crissalyn. Engineering student din ito kagaya ko ngunit taga-kabilang section naman siya. Nakilala ko siya sa OJT namin. Limang buwan naman ang tinagal ng relasyon namin at medyo nagtagal rin kahit papa'no. Naghiwalay nga lang kami dahil sa kanyang mga magulang.

Napaka-relihiyoso kasi ng mga magulang niya. Naalala ko nang ipakilala niya ako noon sa mga magulang niya, tinadtad ako ng mga bible verse dahil isa raw akong makasalanan na nilalang. Hindi raw ako nababagay sa anak nila na isang magandang dilag dahil siya raw ay para lamang sa lalaki at hindi para sa isang tulad ko.

Tahimik lamang ako noon habang nakikinig sa mahabang litanya ng sermon nila. Nauunawaan ko naman ang kanilang pinupunto at saka wala na akong laban sa mga bible verse nila. Syempre, bible verse na 'yon, wala na akong palag do'n.

Kahit mabigat man sa kalooban ko na makipaghiwalay sa ikalawang naging karelasyon ko ay bukal sa loob ko itong tinanggap. Sa isip ko kasi baka hindi lang talaga kami ang para sa isa't isa.

Sumunod ko namang naging nobya ay si Jessica, isang architecture student. Taga-ibang department at nagkakilala lamang dahil sa common friend. Niligawan ko rin siya pero hindi rin nagtagal ang relasyon namin. Two months lang ang itinagal dahil hindi pa raw ito maka-move on sa ex niya. Sa madaling salita, ginawa niya akong panakip-butas.

Nang makatapos ako sa kolehiyo ay labis kong napasaya si Nanay kahit hindi ko na siya nabigyan pa ng medalya kagaya noong una. Nangako ako sa kanya na susuklian ko kaagad lahat ng paghihirap niya sa akin. Itatayo ko siya nang magandang bahay sa probinsya at laging masarap na ulam na ang kanyang kakainin araw-araw.

Isinantabi ko muna ang pag-ibig at nagpokus ako para sa nalalapit kong board exam. Nagsunog ulit ako ng kilay kagaya noon at mas lalo pang nadagdagan ang pressure dahil sa mga ipinangako ko kay Nanay.

Nagsumikap ako ng husto hanggang sa pumasa ako. May salitang "engineer" na sa unahan ng pangalan ko na kay tagal kong pinangarap: Engr. Iris Dimasalang.

Parang gusto ko kaagad ipagyabang sa buong mundo ang full name ko na may "engineer" nang nakakabit sa unahan. Gusto kong ipagsigawan sa lahat na isa na akong ganap na engineer at hindi na ako mapagkakamalan pang shoplifter sa mall.

Binata na si IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon