Kabanata IX: Santa Cruzan

2.6K 143 12
                                    

Halos mahimatay na ako sa nerbiyos kahapon nang malaman kong dinatnan na ako. Ganito pala ang pakiramdam kapag nagkaroon ka na ng dalaw sa unang pagkakataon... nakakatakot. Akala ko may malubhang sakit na ako at mamamatay na.

Pinaalam ko kaagad 'yon kay Nanay pagkarating ko sa bahay. Tuwang-tuwa naman ito at sinabihan na ako raw ay isang dalaga na. Napakamot ako ng ulo no'n at medyo nakaramdam ng inis. Hindi pa naman kasi ako dalaga, bata pa ako.

Ngayong dalaga na raw ako ay kailangan ko na raw mag-ingat at higit sa lahat ay alagaan ko na raw ang sarili ko. Hindi lang 'yon ang naging paalala ni Nanay. Bawas-bawasan ko na raw ang katigasan ng ulo ko dahil hindi na raw ako bata.

Sa unang beses na paggamit ko ng napkin ay naiilang ako sa paglalakad. Kasi naman eh, pakiramdam ko may suot akong diaper. Hindi ako makapaglakad ng maayos. Hindi ako komportable.

Isa pa 'tong prino-problema ko ang pagsasagala ko mamaya. Napilitan na nga akong magsagala, maglalakad na naman akong naiilang dahil sa napkin ko.

Ngayon, nararamdaman ko na ang nararamdaman ni Rhea nang magkaroon na siya ng dalaw. Malaking problema ko talaga 'to dahil buwan-buwan akong magkakaroon ng bisita at hindi ko 'yon ikinatutuwa.

Tanghaling-tapat na at isang malaking himala na hindi ako lumabas ng bahay upang maglakwatsa. Hindi naman kasi ako makakatambay dahil paniguradong wala doon sa may puno ang mga kaibigan ko lalong-lalo na sina Rhea at Mary Anne. Paniguradong naghahanda na ang dalawang iyong para sa pagsasagala mamaya.

Ako, heto, kanina pa nakatitig sa bestidang susuotin ko mamaya. Tinitignan ko pa lang ay parang kinikilabutan na ako. Totoo bang magsusuot ako nito?

Napatingin ako sa larawan ni Tatay. Tay! Tulungan niyo naman po ako.

Masayang-masaya talaga si Nanay mula pa kaninang umaga. Ganadong-ganado ito. Sumasabay na nga ito sa pagsayaw sa mga lumang tugtugin sa radyo.

Maaliwalas talaga ang mukha ni Nanay ngayon. Para naka-jackpot sa lotto dahil makikita niya akong magsasagala mamaya. At, hindi lamang 'yon, mapagsusuot niya na ako ng bestida.

"Ang ganda-ganda talaga ng anak ko. Manang-mana ka talaga sa akin," giliw na wika nito habang sapo ang magkabilang pisngi ko.

Napanguso naman ako.

"Oh, bakit tumutulis ang nguso ng Iris ko?" paglalambing nito. "Maganda ka naman talaga."

"Nay, tama na po." Pagtitigil ko sa kanya. Wala na naman ako sa mood kagaya nang kahapon. Ayaw ko talagang magsagala, eh.

"Basta, mamaya mas lalo ka pang gaganda. Ang Ate Hanna mo ang magme-make up sa'yo." Nakangiting sabi nito.

Nanlaki naman ang mga mata ko. Totoo ba ang sinabi ni Nanay? Si Hanna ang magme-make up sa akin? Kung gano'n ay makikita ko siya.

Pero, parang sirang plaka na naman na umulit sa akin pandinig ang sinabi ni Nanay. Make up. Tama nga. Lalagyan ako ng kolorete sa mukha. Magmumukha akong payaso!

"Nay! Ayokong mag-make up!" reklamo ko sa kanya.

"Iris, kailangan mo mag-make up. Hindi naman kakapalan ng Ate Hanna mo 'yon," pagpapaliwanag nito sa akin.

"Kahit na..."

"Iris, pagbigyan mo na ang Nanay. Minsan lang naman ito." Mahinahong wika nito.

"Ayoko talaga sa make up, pati sa bestida at at sagala," bulong ko.

Hinaplos naman ni Nanay ang buhok ko. "Iris, kahit ngayon lang. Hayaan mo sa susunod hindi ka na magsasagala. Gusto ko lang namang maranasan mo ang mga bagay na ganito. Ako nga dati gustong-gusto kong magsagala kaso ayaw ng Lolo't Lola mo. Kaya ngayon, ikaw, gusto kong iparanas ito sa'yo. Pagbigyan mo na ako, anak."

Binata na si IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon