Kabanata XVIII: Back to School

2K 123 9
                                    

Balik eskwela na naman ulit kami ng mga kaibigan ko, sila mukhang excited samantala ako naman ay kinakabahan. Maninibago kasi ako sa bago kong paaralan at mga kaklase, parang gusto ko tuloy bumalik ulit ng elementary.

Kagabi ko pa kasi iniisip kung ano ang magiging araw ko ngayon, natatakot ako na maging palpak ang unang araw ng klase ko. Minsan kasi ay parang tatanga-tanga ako, iyong tipong lumilipad talaga ang utak ko sa tuwing inaatake ako ng kaba.

Maaga pang gumising si Nanay kanina upang ipaghanda ako ng agahan, plinantsa pa niya ang bago kong uniporme at nilagyan pa ng kiwi ang black shoes ko. Parang nakaka-excite rin naman dahil lahat ng mayroon ako ngayon ay bago pero parang nakakailang din dahil nakapalda ako pagkatapos ay pang-lalaki pa ang gupit ko.

Kung alam ko lang na ganito ang mararamdaman ko baka siguro hindi ko na tinuloy ang pagpapagupit kay Mang Domeng.

Hindi ko naging kaklase ang mga kaibigan ko: sina Jolo at Rhea ay nasa section two, si Mary Anne naman ay nasa section three, si Jimboy ay nasa section four, at ako naman ay nasa section one. Tumutol ang tadhana sa aming kahilingan na sana'y maging magkaklase kami baka raw riot ang abutin naming lima kapag pinagsama kami sa iisang klase.

Pagkatapos ng flag ceremony namin ay nagkita-kita muna kaming lima at saka ni-good luck namin ang bawat isa saka nagpunta na kami sa kanya-kanya naming mga classroom. Sa third row sa may bandang kaliwa ako pumwesto para malapit ako sa may bintana.

Tahimik lang ako sa loob dahil wala rin akong masyadong kakilala dito. Ang iba sa mga kaklase ko ay mukhang magkakakilala na dahil komportable na silang nagkwe-kwentuhan sa isa't isa samantala ang iba naman ay panay pa ang kulitan.

Kinuha ko ang hiniram kong cellphone kay Mary Anne at nagsimula akong magtipa ng message para kay Hanna. Nangako kasi ako sa kanya noong gabing magka-text ulit kami na lagi ko siyang ite-text sa tuwing hindi ako busy. Sabi ko na ikwe-kwento ko sa kanya lahat ng nangyayari sa buhay ko para hindi naman lumayo ang damdamin namin sa isa't isa.

Noong gabing aksidente kong nai-send sa kanya ang text message na maghihintay ako ay isang smiley face lang ang kanyang ni-reply na nabasa ko na kinaumagahan at pagkatapos no'n ay hindi na ako muli pang nag-text sa kanya. Nahiya na kasi ako.

Good morning, Hanna. Back to school na ulit kami ng mga kaibigan ko. Nakakalungkot nga lang dahil hindi ko sila naging kaklase, wala akong kausap dito sa classroom. Nasa section 1 ulit ako pero nakakapagod ding maging section 1 parang gusto kong lumipat sa section ni Jimboy. Sana maging maganda ang araw ko ngayon. Mag-iingat ka, Hanna. Sana'y makabalik ka na dito sa probinsya.

Pagkatapos kong basahin ang mensahe ko ay kaagad ko na itong sinend at ibinalik ulit sa loob ng bulsa ko ang cellphone ng pumasok na sa room ang adviser namin.

xxx

Naitawid ko ng maayos ang paboritong-paborito ng mga teacher tuwing first day of class ito ay ang introduce yourself na kahit kailan ay hindi mawala-wala. Kaso nga lang pumalya ako sa bandang huli dahil may pahabol pa ang class adviser namin na si Ma'am Daisy kung ano raw ang paborito kong motto sa buhay. Nagkagulo lahat ng neurons ko sa tanong na iyon dahil wala akong paboritong motto. Sa mga slam book na nasusulatan ko ay wala akong nilalagay sa tanong na: what is your motto in life? Hindi ko alam kung ano nga ba ang pumasok sa utak ko, ikinahihiya ko talaga ang naging sagot ko. Ako nga ang class valedictorian ng klase namin, pero bobo rin ako minsan.

Ayaw ko na talagang maalala ang naging sagot ko tungkol sa motto na iyon. Ikinahihiya ko ang sagot ko, ang slogan ng KitKat: have a break, have a KitKat.

"Hindi ko alam kung joker ka ba talaga, Iris." Natatawang sambit ni Rhea pagkatapos kong ikwento sa kanila ang naging kapalpakan ko ngayon first day of school.

Hindi naman mapigilan ni Jolo ang pagtawa. "Grabe, depress na depress ako kanina dahil sa naging motto ko pero mas malala pa pala ang sa iyo."

Nagsitinginan naman sina Jimboy at Mary Anne kay Jolo na para bang naghihintay na magkwento ito. Kasalukuyan kasi kaming nasa canteen dahil lunch break na namin.

"Uy, ano naman ang naging motto mo?" sitsit ni Mary Anne.

Nagkamot naman ng batok si Jolo na para bang nahihiya ring magkwento.

"Sabihin mo na kasi," humahagikhik na bulong naman ni Rhea.

"Ano ba 'yan? Excited?" inis na wika ni Jolo. "Ano... iyong motto ko. Eh, love is like a rosary that is full of mystery."

Nagtawanan ang tatlo ng marinig ang pabulong na sagot ni Jolo kaya inismiran niya ang mga ito.

"Sira ulo, define love 'yan ng slam book, eh!" mangiyak-ngiyak na tawa ni Mary Anne.

"Eh, mas malala pa nga 'yong kay Iris!" giit pa nito saka napatingin sa akin.

Nag-init naman ang magkabila kong pisngi. "At least, mas maganda ang sa'kin!" pagtatanggol ko sa naging sagot ko.

"Tumigil nga kayo. Parehong pangit ang mga sagot niyo." Saway sa amin ni Rhea at saka binuksan ang kanyang lunch box.

"Eh, ikaw ba maganda ba ang naging motto mo, ha?" pang-aasar ni Jolo.

Naningkit naman ang mga mata ni Rhea. "Oo naman, 'no! YOLO!"

Tumawa ng malakas si Jolo.

"May YOLO ka pang nalalaman eh, wala namang sense 'yan. Sa'n bang basurahan pinulot mo 'yan?" natatawang tanong nito.

"You Only Live Once. YOLO." Tugon ni Rhea. "Bobo."

Natahimik si Jolo sa kanyang narinig at binuksan ang kanyang lunch box. Mukhang ngayon lang niya nalaman ang kahulugan ng YOLO na sinasabi ni Rhea.

xxx

Palpak ang first day of class ko, Hanna. Napahiya ako dahil sa sinagot ko sa paborito kong motto. Buti na lang hindi ko sinabi na ako ang valedictorian noong elementary ako. Sana makalimutan na nila ang sinagot ko. Isinusumpa ko talaga ang KitKat na 'yan.

Iyan ang ginawa kong mensahe na kaagad ko naman sinend kay Hanna. Napahiga na lamang ako sa higaan at tinignan ulit ang smiley na sinend sa akin ni Hanna noon. Ngumiti na rin lang ako at saka tumagilid ng higa. Walang naging reply si Hanna sa mga naging text ko.

Hindi ko alam kung nababasa niya ba ang mga mensahe ko o baka binabalewala niya lang ito. Pero ayoko namang mag-isip ng mga negatibo na bagay, siguro busy lang siya dahil nagre-review ito para sa board.

Sumagi sa isipan ko ang nobyo niyang si Kevin. Nagkikita ba sila ngayon sa lungsod?

Napahinga na lamang ako ng malalim. Ayoko nang isipin ang lalaking iyon mas lalo lang sumisikip ang dibdib ko dahil sa galit.

Siguro kung alam lang ni Ninang Carmen ang tungkol kay Kevin, siguradong papaghiwalayin niya ang dalawang iyon. Pero masasaktan naman si Hanna kapag mangyari iyon at ayaw ko siyang nasasaktan.

Parang gusto ko na tuloy lumaki pero sabi ni Nanay maraming bigas pa raw ang kakainin ko.

Ilang taon pa ang hihintayin ko? Bakit ba kasi huli akong ipinanganak? Kung kasabay ko lang sana si Hanna, siguro hawak ko ang mga kamay niya ngayon kagaya noong una naming pagkikita.

Binata na si IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon