Kabanata XVII: Text Message

2.1K 115 12
                                    

Yakap-yakap pa rin ako ni Nanay habang naglalakad kami pauwi ng bahay. Panay pa rin ang pag-aalo niya sa akin ngunit hindi ko talaga mapigilan ang hindi umiyak. Hindi ko alam kung umiiyak ba ako dahil sa nasasaktan ako ngayon o 'di kaya'y umiiyak ako dahil nagsisisi ako sapagkat wala man lang akong nasabing matino bago umalis si Hanna.

Pagkarating namin ng bahay ay pinaupo ako ni Nanay sa may kawayang upuan, kumuha siya ng isang basong tubig at ipinainom niya sa akin. "Tahan na, Iris. Babalik naman ang Ate Hanna mo." Pagpapatahan nito sa akin saka umupo sa aking tabi.

Humihikbi pa rin ako sa harapan ni Nanay, sa buong buhay ko ngayon lang ako nagkaganito sa harapan niya --- na parang ang drama ko na sa buhay. Malungkot ang mga mata ni Nanay na nakatingin sa akin, parang nasasaktan din ito sa tuwing nakikita niya ako.

"N-Nay, noon ba n-nasaktan din kayo?" humihikbi kong tanong sa kanya. Simpleng ngumiti si Nanay at saka marahang tumango.

"Lahat naman tayo nasasaktan, anak. Araw-araw, paulit-ulit tayong nasasaktan. Walang nakakatakas dito." Pagpapaliwanag nito sa akin at niyapos ako. "Huwag ka nang umiyak, Iris. Mahal kita. Mahal ka ng Nanay."

Pinahid ko ang aking mga luha at tumingin kay Nanay. "Nay, akala ko kapag nagmahal ang isang tao kahit kailan ay hindi ito makakaramdam ng sakit. Akala ko lagi lang masaya, na parang sa kanya lang lagi umiikot ang mundo mo, ang nagpapalawak ng ngiti mo, at nagpapaningning ng bawat araw mo."

Bumuntong hininga si Nanay at hinalikan niya ako sa noo. "Hay, ang anak ko talaga, sa susunod hindi na kita pipilitin pang magsagala."

xxx

Pagdating ng hapon ay diretso na ako ng tambayan. Saktong-sakto at kumpleto kaming magka-kaibigan saka may dala ring meryenda itong si Jimboy na kaagad naming pinagsaluhan lahat. Panay lamang ang kwentuhan nilang apat tungkol sa nalalapit na pasukan. Isang linggo na lang ang natitira naming bakasyon at magiging ganap na high school student na kami. Medyo nakakakaba dahil panibagong paaralan na naman, saka mga kaklase at guro. Sana hindi rin mahirap ang mga subject. Sana magaan lang.

"Uy," tawag sa akin ni Jolo sabay sundot sa tagiliran ko. Napatingin naman ako sa kanya at binigyan naman niya ako ng isang nakakalokong ngiti.

"Ano?" inosenteng tanong ko sa kanya. Sumimangot naman ito at kaagad na inagaw sa akin ang kinakain kong biskwit.

"Magkwento ka na." Sagot nito at doon ko lang naintindihan kung ano ba ang nais niyang iparating.

"Ay, hala! Oo nga, 'no!" sigaw naman ni Jimboy na mukhang may naalala. Tumayo ito sa kanyang pwesto at pumagitna sa amin ni Mary Anne.

Tumirik naman ang mata ni Mary Anne dahil sa inis. "Naku! Mga tsismoso nga naman!"

Lumabi naman si Jimboy at pinaningkitan niya ng mata si Mary Anne. "Huwag ka nga, alam ko namang interesado ka rin, ayaw mo nga lang magpahalata."

"Sus! Neknek mo. Ewan ko sa'yo!" pagsusuplada naman niya.

Lihim namang tumawa si Rhea habang abala sa pagkain ng tsokolate.

"Oh, ano na?" pangungulit ni Jolo. "Kumusta? May lovelife na ba?"

Nahiya ako sa sinabi ni Jolo kaya parang nag-init ang magkabilang pisngi ko.

"Naku, naku! Mukhang meron na nga!" tuwang-tuwa na saad ni Jimboy ngunit umiling ako.

Tumigil naman sa pagkain si Rhea at tinitigan ako. "Bakit? Basted ba?" diretsahang tanong nito.

Binata na si IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon