Note

3K 133 57
                                    

Nagsimula ang lahat noong taong 2018 nang mapanood ko ang pelikula nina Angel Aquino at Therese Malvar na pinamagatang "Ang Huling Cha-Cha ni Anita". Nagandahan ako sa istorya nito at iyon din ang kauna-unahang lesbian-themed na pelikula na napanood ko. Bukod sa istorya ng pelikula ay naka-relate rin ako sa karakter ni Anita na nagkagusto sa isang tao na may malayong agwat ng edad.

Dahil sa labis na pagkamangha sa pelikulang iyon ay sinubukan kong gumawa ng kwento na tulad no'n kahit kasagsagan ng thesis namin noon. Ginawa ko ang karakter ni Iris Dimasalang at nagsimulang magbalik-tanaw noong una kong makilala ang naging unang pag-ibig ko.

Nahirapan din ako sa pagsusulat ng kwento ni Iris dahil sa kawalan ko ng oras at panahon. Nilamon ako ng thesis at saglit na naiwanan muna sa ere si Iris. Ang saglit na pag-iwan na iyon ay umabot sa taon na halos unti-unti na akong nawala sa kwento. Naisipan kong itigil na lamang ang pagsulat dito dahil nawawalan na rin ako ng ideya at hindi ko na alam kung makakaya ko pa ba itong tapusin. Ngunit sa bandang huli ay nanghinayang din ako, naisip kong sayang ang nasimulan ko kung hindi ko man lang ito tatapusin. Kaya ang ginawa ko ay nag-imbento ako ng mga ideya, sinubukan kong kumuha ng inspirasyon sa sarili kong karanasan, sa mga kaibigan ko, isama na rin natin ang mga tsismosa naming kapitbahay, at sa kwento ng iba't ibang mga tao na aking nakakasalamuha araw-araw.

Lahat ng karakter ko sa kwento ay hinugot ko sa karanasan ng mga totoong tao at kasama na rin iyon ang sarili ko.

Lubos din akong nagpapasalamat na dahil sa kwentong ito ay nagkaroon ako ng mga kaibigan dito sa Wattpad. Kahit nasa iba't ibang parte kami ng bansa ay pinagbuklod pa rin kami dahil sa kwento ni Iris.

Nais kong pasalamatan si bluemont92, na tagapagligtas ng kababaihan at gunner ng tangke, dahil sa tindi ng suporta na kanyang ibinigay sa kwento at ang paniniwala sa kakayahan kong magkwento.

Kay JEYYYMSSSSS, na maraming Y at S sa username na hindi ko maintindihan kung bakit, maraming salamat sa dami ng iyong papuri sa akin na muntik ko nang ikalunod.

Kay zeinkle, na may maangas na pangalan, maraming salamat din sa suporta at papuri na ibinuhos mo kay Iris pati na rin sa paniniwala sa aking kakayahan.

Kay zus_rred, na ang display pic ay si Cara Delevingne, maraming salamat din sa papuri at sa pagtitiis na makipag-usap sa akin kahit minsan ay malabo akong kausap. Salamat din sa pagkakaroon mo ng oras na pakinggan ang mga kantang hilig kong paglaanan ng oras.

Kay Fiya-chan at binatang-maria, maraming salamat din sa inyong mga komento na punong-puno ng emosyon, napasaya niyo ako do'n.

At para rin sa mga mambabasa ni Iris na sinamahan siya sa kadulo-duluhan ng kwento, maraming salamat sa inyong lahat. Nawa'y napasaya at nabigyan ko kayo ng samu't-saring mga kasagutan sa inyong mga tanong sa sarili.

Hanggang dito na lang ulit. Maraming salamat!

Binata na si IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon