Kabanata XXXVIX: Hawak Bitaw

2.3K 173 40
                                    

Umuwi ako ng dorm na malalim ang iniisip. Hindi pa man ako literal na nalunod sa dagat o sa swimming pool na may lalim na 6 feet, pakiramdam ko naman ngayon ay nalunod na talaga ako dahil sa dami ng mga iniisip ko.

Walang isinagot si Hanna sa'kin kahit isang salita lang. Maski senyas ay wala rin. Kahit pagpitik man lang niya sa noo ko ay wala rin. Tinitigan niya lamang ako nang matagal na parang sinasabi niya sa akin na basahin ko ang iniisip niya. Hindi ko iyon nagawa. Nabigo ako sa gusto niyang mangyari kahit hindi man nito sinasabi sa akin. Kahit anong gawin kong pagtitig sa kanya nang matagal, ako pa rin pala ang mananatiling talo sa larong gusto niya.

Wala siyang sagot sa akin.

Wala siyang sagot dahil sa paningin niya ay ako pa rin ang labing-isang taong gulang na Iris na parang isang babasaging pinggan na kahit anong gawin mong pag-iingat ay mababasag at mababasag pa rin.

Hindi ko maintindihan kung bakit gano'n pa rin ang pagtingin niya sa akin. Limang taon na ang lumipas, bakit isang batang paslit pa rin ang tingin niya sa akin? Kaya ko naman siyang mahalin sa paraang gusto niya. Kaya ko siyang samahan kung saan niya gusto. Kaya kong iparamdam sa kanya ang kaligayahan na hinahanap-hanap niya. Kaya ko siyang intindihan kahit na minsan ay ayaw niyang magpaintindi.

Gano'n ko siya kagusto.

Gano'n ko siya kamahal.

Gano'n ko siya kayang tiisin kahit napaka-komplikado niya.

xxx

"Uy, midterm na natin next week," sitsit ni Eunice sa'min. "Kinakabahan na ako. Lalo na sa subject ni Sir Magpantay."

Nangalumbaba ako at hindi na nakisawsaw pa sa usapan nila. Iniisip ko ngayon si Hanna pati na rin ang mga formula at term na kakailanganin ko sa exam next week.

Biyernes ngayon at parang gusto kong tumikim ng alak mamaya pagkatapos ng klase namin. Naalala ko kasi ang mga ibang mga ka-eskwela namin sa may Tia Tita's na halos lunurin na ang sarili sa alak. Kung ano man ang mga dinaramdam nila noon na gusto nilang takasan kasama ang alak ay parang gusto ko ring gawin. Gusto ko ring malunod at tumakas sa realidad na kahit kailan ay hindi magiging akin si Hanna.

Halos lagi kaming magkasama ngunit kahit kailan ay hindi siya naging akin.

"Problema nito?" pabulong na tanong ni Patrick na nasa tabi ko. Naramdaman ko naman ang pag-akbay niya sa akin na hindi ko na pinansin pa.

"Ayos ka lang?" usisa naman ni Clark na napatigil sa paglalaro ng mobile games.

Tumikhim si Eunice na parang alam na nito ang problema ko. "Si Hanna, 'no?" tanong niya sa akin.

Vacant na naman namin ngayon at isang oras na naman akong nasa hot seat nito.

"Oo," pagtango ko at sabay naman akong niyugyog ni Patrick kaya siniko ko siya sa tagiliran.

"Tinanong mo na?" excited na tanong nito at tumango naman ako bilang pagsagot. Hindi ko mapigilang hindi mapahinga nang malalim dahil do'n. Nadidismaya lang talaga ako sa mga oras na ito.

"Anong sabi niya?" tanong naman ni Eunice.

"Wala." Simpleng sagot ko na ikinagulat nilang lahat.

Napatingin sa akin si Patrick na parang ayaw nitong maniwala sa akin. Seryoso naman ako sa pagsagot ko, hindi naman ako nagbibiro.

Binata na si IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon