Kabanata XXXIV: Ang Ninja Moves ng Isang Mais

2.3K 183 21
                                    

Mas lalo kaming nagkailangan dahil sa katangahan ko. Parang nagkaroon ulit ng harang sa pagitan naming dalawa dahil sa mga sinabi kong iyon. Nagsisisi tuloy ako. Sana hindi ko na lang sinabi 'yon.

Pareho naman na naming alam na hindi na ako ang batang patpatin noon. Labing-anim na taong gulang na ako ngayon at nasa kolehiyo na. Saka, ngayon lang nag-sink in sa utak ko na iba na ang dating kapag gano'n na ang mga linyahan mo. Kung sa una pwedeng maging biro lang 'yon ngayon ay hindi na kasi pwede mo na itong lagyan ng kulay lalong-lalo na't aminado akong gusto ko pa rin si Hanna at alam niya 'yon.

Tumikhim si Hanna at nagbawi ng tingin kaya napayuko na lang ako. Nag-iba na ang tugtog ng radyo na parang nagsasabing: okay next episode na para kabaduyan mo. Sa kaloob-looban ko gusto ko nang iumpog ang ulo ko sa pader at ng may maisip naman akong matinong sasabihin sa kanya. Ngayon ko lang din napagtanto na isa talaga akong mais noong eleven ako dahil sa sobrang corny ng mga banat ko.

"Pasensya ka na," sabi ko sa kanya at napasandal na lamang sa sofa. Napahinga na rin ako nang malalim dahil sa tindi ng tensyon naming dalawa. Gusto ko na ring magwala dahil sa kahihiyan.

"Okay lang." Tipid na wika nito saka binuksan ang ref para kunin ang isang transparent na pitsel. "Gusto mong mag-snack?"

"Ha?" natatangang tanong ko sa kanya. Ewan ko ba, may sira na yata ang utak ko ngayon.

"Sabi ko, gusto mo bang mag-snack?" pag-uulit niya. "Ipapagtimpla kita ng juice saka mayro'n pa naman akong slice bread dito."

"S-Sige..." kabadong tugon ko at napalingon naman ito sa akin na parang nagtataka.

"Kabado ka?" direktang tanong nito ngunit umiling lang ako bilang sagot. Pasimple kong kinapa ang dibdib ko dahil sa tindi nang kabog ng puso ko.

Tinanggap naman ni Hanna ang naging sagot ko at nagpatuloy na ito sa pagtitimpla ng juice.

xxx

Inilapag na ni Hanna ang ginawa niyang sandwich at pitsel na may laman na juice sa ibabaw ng center table. Mga ilang minuto rin kaming tahimik mula pa kanina. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba ang hindi makipag-usap sa akin o nagpapakiramdaman lang kaming dalawa rito sa loob. Sana pala naging hangin o multo na lang ako para nararamdaman niya naman ang presensya ko ng pakonti-konti.

"Kamus---" halos magkasabay naming bigkas na natigil din. Napalunok ako dahil na rin siguro sa hiya habang si Hanna naman ay umupo na sa bakanteng upuan na nasa may bandang kaliwang gilid ko lamang.

"Ikaw na," wika nito na sa akin na tila pinapauna ako sa gusto kong sabihin.

"Hindi. Ikaw na ang mauna." Sabi ko naman sa kanya habang nagsasalin ng juice sa baso.

Humalukipkip naman ito na parang naiirita na. "Oh, magpapasahan na lang ba tayo ng sasabihin, Iris?"

Nanlaki ang mga mata ko. Naiisip ko kasi na baka magalit na naman ito sa akin. Ayokong masanay si Hanna na lagi siyang galit sa akin.

"Hindi, Hanna." Depensa ko sa kanya. "Gusto ko lang namang magtanong kung kamusta ang araw mo ngayon." Sabi ko at ininom na ang juice na nasa baso.

Napangiti naman si Hanna ng tipid. Nahuli 'yon ng dalawa kong mata na lihim namang nagpangiti sa akin.

"Ayos lang din naman ako," sagot nito. "Ikaw ba, kamusta ka? Kamusta ang pag-aaral mo sa kolehiyo?"

Talagang napangiti ako sa sunod-sunod na tanong niyang iyon. Napapansin kong interesado siya sa buhay ko ngayon. Siguro kahit na malaki na ang pinagbago niya, hindi pa rin maaaring ipagkaila na nadadala pa rin siya sa kuryusidad na malaman kung kamusta na ba ako ngayon.

Binata na si IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon