Kabanata XXXVI: Cool With You

2.4K 179 26
                                    

Bago ako kumatok sa pintuan ng bahay ni Hanna ay nagpagpag muna ako ng damit dahil habang naglalakad ako kanina papunta rito ay nabugahan pa ako ng usok mula sa tambutso ng motorsiklo. Hindi ko alam kung nagkataon lang ba 'yon o baka minamalas lang ako ngayon. Ang ganda-ganda pa naman ng araw ko pagkatapos usok pa mula sa tambutso ang bubungad sa'kin papunta rito.

Ang ganda-ganda pa naman ng suot ko ngayon. Sobrang disente kong tignan.

"Uy, Iris!" gulat na bungad ni Hanna pagkabukas niya ng pintuan. Maski ako ay nagulat din kasi hindi pa nga ako kumakatok sa pinto ay bigla na lamang itong nagbukas. "Kanina ka pa diyan? Ba't hindi ka kumatok?"

"Ambaho ko kasi ngayon. Nabugahan ako kanina ng usok mula sa tambutso." Natatawang sagot ko sa kanya.

"Ano ka ba? Halika na nga sa loob. Nagluto ako ng paboritong mong escabeche." Nakangiting wika nito sa akin. Natakam tuloy ako sa escabeche na sinasabi niya, paborito ko kasi 'yon at saka pinagluto rin niya kami noong una.

Bago pa ako pumasok sa loob ng bahay ay sandali muna akong natigilan ng may lalaking nagsalita sa aking likuran. Napalingon naman ako at nakita kong may isa pa siyang kasamang lalaki. Mukhang taga-rito ang mga ito at kilala si Hanna.

"Uy, Hanna!" tawag ulit nito. Mariin ko itong pinagmasdan at naghintay sa susunod niyang sasabihin. "Pumapatol ka na pala sa tomboy ngayon? Ano 'yon? Daliri lang sapat na?" pambabastos nito at humalakhak sila pareho ng kanyang kasama. "Hindi ka niyan madadala sa langit!"

Naikuyom ko ang kanang kamay ko dahil sa sinabi nilang iyon kay Hanna. Nag-init ang ulo ko dahil sa pambabastos nilang iyon sa kanya.

"Iris," tawag sa akin ni Hanna at hinawakan ako nito sa may pulsuhan. "Hayaan mo na sila."

Lumakad na palayo ang dalawang lalaki ngunit patuloy pa rin sila sa pagtawa na mas lalong nagpainis sa akin.

Nilingon ko si Hanna. "Hahayaan mo na lang ba na bastusin ka nila ng ganito?"

Napabuntong hininga lamang si Hanna at ngumiti ito nang matamlay sa akin. "Pumasok na tayo sa loob, Iris. Huwag nating sirain ang gabi ng dahil lang sa sinabi ng mga iyon."

Bumagsak ang mga balikat ko dahil do'n. Ang gusto ko lang naman ay makita kong ipinaglalaban ni Hanna ang kanyang sarii at hindi hinahayaang durugin ng iba ang kanyang buong pagkatao.

xxx

Sa bahay na ni Hanna ako naghapunan. Kahit papa'no ay nawala rin ang pagkainis ko kanina dahil sa mga tawanan naming dalawa habang sabay na kumakain. Na-miss ko ang lahat ng ito kasama si Hanna, pakiramdam ko ay ako na ang pinakamasayang tao sa mundo. Buong-buo ang puso ko sa bawat sandali na nakatitig ako sa mga mata ni Hanna at habang pinapakinggan ko ang kanyang mga tawa na nagpapakalma ng aking isipan.

Gusto ko lagi na lang kaming ganito. Masaya lang at walang problema. Saka, kaming dalawa lang ang magkasama at hindi pinaghihiwalay ng panahon.

"Hanna?" banggit ko sa kanyang pangalan habang ang mga mata ko ay nakatuon sa kisame ng bahay. Pareho kaming nakahiga sa sahig na nilatagan ng isang sapin na may mabulaklak na print.

"Ano 'yon, Iris?" sagot naman nito habang nakatingin din sa may kisame. Hindi muna ako nagsalita, pinakiramdaman ko muna ang kanyang bawat paghinga sa aking tabi at napapikit na rin ng mga mata. Habang pinapakiramdaman ko ang kanyang presensya ay napapaisip ako na si Hanna lang ang naging magandang bagay na nangyari sa aking buhay.

Hindi ko na alam kung tama ba itong mga naiisip ko tungkol sa kanya. Maging corny man ito o hindi. Maging katawa-tawa man o hindi. Maging seryoso man o hindi. Ngunit, iisa lang talaga ang alam ko, ito ay ang nagpapakatotoo lamang ako sa nararamdaman ko sa kanya.

Binata na si IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon