Kabanata XXXVIII: Happiness and Pain in your Eyes

2.2K 174 13
                                    

Pinanindigan nga ni Hanna ang sinabi niya sa akin nang gabing iyon, tuluyan na talaga siyang nagbagong buhay at hindi na bumalik pa sa kanyang makamundong gawain. Kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang waitress sa isang fastfood na ilang metro rin ang layo mula sa kanyang tinutuluyan. Madalas siyang gabihin sa kanyang pag-uwi kaya may mga pagkakataong naaabutan na lamang niya akong nakatayo at naghihintay sa kanya sa labas ng kanyang bahay.

Nababalanse ko na rin ang oras ko sa mga kaibigan ko at pati na rin ang pagsusunog ko ng kilay para sa nalalapit na midterm exam namin. Kaya, naiisip kong nagmumukha na lamang isinisingit ko si Hanna sa bawat schedule ko araw-araw.

Hindi na rin kami madalas nagkakausap ni Hanna dahil sa tuwing magkasama kami ay lagi na lamang siyang inaantok at pagod o 'di kaya'y makakatulog na lamang ng mahimbing habang nakahiga sa may sirang sofa. Naiintindihan ko naman kung bakit lagi na lamang humahantong sa ganito ang eksena naming dalawa sa bawat gabi na kami ay magkasama. Wala naman akong problema do'n basta ang importante ay sinisimulan na niyang ayusin ang buhay niya.

Tinititigan ko na lamang siya nang matagal habang natutulog para naman mapunan ko ang bawat oras na hindi kami magkasama. Matagal lamang akong nakatingin sa kanya na parang minimi-memorya ko ang bawat sulok ng kanyang mukha at kasabay naman no'n ay ang pag-alis sa tabi niya para makauwi na ng dorm.

Ngunit sa oras na nakahiga na ako ay hindi ko mapigilang mag-isip kung ano nga ba ang tingin ni Hanna sa akin. Kung ano nga ba ako sa paningin niya, sa puso niya, at kung sinong Iris ba ako sa buhay niya. Gusto kong malaman ang nasa isip niya tungkol sa akin bukod sa pagiging espesyal ko sa kanya.

Kasi ako, kahit anong anggulo ko tignan si Hanna, kahit anong bersyon pa niya ang makakaharap ko araw-araw, alam ko sa sarili ko na siya pa rin ang taong gustong-gusto ko simula noong labing-isang taong gulang pa lamang ako. Siya pa rin ang Hanna na gusto kong balik-balikan at ang Hanna na lagi kong pinipili araw-araw.

xxx

Kasalukuyan akong naghihintay sa pagdating ni Hanna sa labas ng kanyang bahay kahit na kanina pa ako naiilang dito sa dahil pinagtitinginan ako ng iilang mga kapitbahay niya na mukhang nagtataka kung bakit halos gabi-gabi na lamang akong tambay dito. Ayoko namang pangunahan ang mga iniisip nila ngunit mukhang mali na yata ang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na ito.

Bigla na lamang nag-init ang pakiramdam ko kahit na malamig naman ang gabi ngayon. Napailing-iling ako at marahang tinampal ang magkabila kong pisngi. Mali. Talagang mali ang tumatakbo sa isip ko ngayon. Hindi ako pinalaki ni Nanay ng ganito --- ang magkaroon ng maruming pag-iisip.

"Iris!"

Naputol ang iniisip ko nang marinig ko ang boses ni Hanna na tumatawag sa akin. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil sa kung saan-saan na lamang umaabot ang imahinasyon ko dahil sa pagkabagot dito sa labas ng bahay.

Nagbuga muna ng usok ng sigarilyo si Hanna bago niya itapon ang umuusok pang stick nito. "Magandang gabi," bati niya sa akin, "kanina ka pa?"

"Ahh, oo," sagot ko at umayos na ng tayo. "Thirty minutes lang siguro pero pakiramdam ko isang oras na ako rito."

Natawa naman si Hanna habang ipinapasok nito ang susi sa may susian ng seradura.

"Hindi ka sanay maghintay, 'no?" nanunuyang tanong nito sa akin saka na nito pinihit ang seradura upang buksan ang pinto.

"Hindi pa ako nasasanay, eh. Kahit ilang gabi na akong naghihintay dito." Nahihiyang sagot ko sa kanya. "Madalas kasi ako 'yong hinihintay kaya hirap akong mag-adjust."

Binata na si IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon