Kabanata X: Ang Lalaki

2.6K 146 11
                                    

Isang malaking palaisipan sa akin kagabi kung bakit umiyak ng gano'n si Hanna. Kagabi ko lang siya nakitang umiyak nang gano'n dahil madalas ko siyang makitang nakangiti at nag-uumapaw sa kasiyahan. Parang piniga ang puso ko nang masaksihan ko ang pag-iyak niya mismo. Pakiramdam ko ayaw kong nasasaktan ng gano'n si Hanna dahil nasasaktan din ako.

Lihim kong pinagmamasdan si Hanna na malungkot at matamlay na nakatambay sa kanilang may balkonahe ng bahay. Nakaupo lamang ito at hawak-hawak ang kanyang cellphone. Nakatingin sa kawalan na para bang may hinihintay na kung ano at makikita mo sa kanyang mga mata ang kakulangan ng tulog.

Napapabuntong hininga na lamang ako sa mga oras na ito. Naisin ko mang lapitan siya ngunit hindi ko magawa. Parang may pumipigil sa akin na huwag ko siyang lalapitan.

Gusto ko sanang yakapin siya nang mahigpit at pasiyahan kagaya ng dati. Gusto kong mapakinggan ulit ang mga tawa niya at masaksihan ang matatamis niyang ngiti.

Ngunit hindi pwede. Malalim ang kanyang iniisip. Para siyang nasa gitna ng karagatan at naglalayag ngunit hindi nito alam kung saan siya pupunta. Paikot-ikot lamang ito at walang eksaktong direksyon. Nandiyan lang at naghihintay nang may sasagip. At kung may sasagip man, magpapasagip kaya siya?

Kahit malayo ako ay narinig ko ang pagtunog ng cellphone niya kaya't lihim ko ulit itong pinagmasdan. Parang nabuhayan si Hanna at nangislap ang mga mata. May pinindot siya sa kanyang cellphone at itinatapat niya ito sa kanyang kaliwang tenga. May mga sinasabi ito ngunit hindi ko na madinig. Sa tingin ko ay pabulong lamang. Maingat siya sa kanyang pagsasalita.

Umaliwalas ang mukha nito na parang nabawi niya kaagad ang kasiyahan na para sa kanya. Masaya itong nakikipag-usap sa kabilang linya. Nang makita ko itong ngumiti ay may naramdaman akong kakaiba. Hindi ko kasi alam kung ano ba ito. Parang nasasaktan ako na hindi. Wala akong maintindihan sa sarili kong emosyon.

Dali-dali akong umalis sa pinagtataguan ko. Ano pa ang silbi nang pagmamatyag ko rito kung masaya naman ng muli si Hanna? Masaya siya ng hindi dahil sa akin, kundi sa ibang tao.

xxx

Bagsak ang balikat ko habang naglalakad ako pauwi ng bahay. Pilit kong iniisip kung ano nga ba talaga ang nararamdaman kong ito. Pakiramdam ko kasi ay masakit at nakakainis na hindi ko alam. Gusto kong magwala, sumigaw, umiyak at maglupasay.

Hindi ko na maintindihan pa ang sarili ko. Nakakasira na ng ulo. Bakit ba kasi kailangan ko pang maramdaman ang lahat ng ito? Hindi ba pwedeng masaya lang ako at ang puso ko?

Ito na ba ang sinasabi nila? Na nagseselos nga ako? At kung ito nga ang pakiramdam nang nagseselos ay tama nga ang sinasabi nila. Nakakaselos naman kasi. Ako dapat ang dahilan kung bakit biglang bumalik ang sigla ni Hanna hindi iyong kausap niya sa cellphone. Ang kaso lang eh, naduduwag ako kanina. Natatalo ako ng kaba at takot ko.

Wala ako sa lugar. Hindi kami magkapantay. Hindi ko siya maabot.

"Malalim yata ang iniisip mo, anak." Bungad sa akin ni Nanay nang madatnan niya akong nangangalumbaba sa may bintana.

"Wala ito, Nay. Hindi naman ito importante," sabi ko sa kanya at napabuntong hininga.

"Tungkol ba 'yan sa Santa Cruzan kahapon?"

Umiling ako. Hindi naman ito tungkol do'n. Tungkol ito sa nararamdaman ko para kay Hanna.

"Sige, hindi kita pipilitin," mahinahong wika ni Nanay, "nandito lang ako at makikinig kapag handa ka nang magsabi."

Binata na si IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon