Kabanata XXII: Chat

2.2K 137 11
                                    

Nagkaroon ako ng sama ng loob kay Hanna simula noong huling pagkikita namin. Siguro dahil ito sa pagsigaw niya sa akin na ikinagulat ko. Dalawang mukha ni Hanna lamang ang alam ko: masaya at malungkot. Iyong masayang bersyon ni Hanna ang pinakanami-miss ko sa lahat. Ang bawat pagtawa at pagbungisngis niya, ang pakikipagkulitan niya sa amin, at ang maaliwalas niyang mukha na parang laging positibo lamang ang pananaw.

Paminsan-minsan ay naiisip ko si Hanna, kung kumusta na ba siya at kung ayos lang ba siya ngayon. Hindi ko naman kasi mapigilang hindi siya maisip tuwing wala akong ginagawa. Sa tuwing tumatambay kami ng mga kaibigan ko ay hindi rin namin siya maiwasang hindi pag-usapan. Lahat din kami ay inaalala ang kalagayan niya lalo na't buntis siya.

Si Ninang Carmen naman ay maayos na ang kalagayan dahil nakumbinsi siya si Nanay na makipag-usap sa kanya. Na-stress siya sa mga nangyari kaya nagpumilit siya noong una na hindi muna lumabas sa kanilang bahay. Kwento ni Nanay, may konting sama ng loob daw si Ninang kay Hanna at wala rin itong balak hanapin siya. Kung uuwi raw si Hanna ng probinsya ay buong puso niya raw itong tatanggapin. Gusto niya raw na maturuan ng leksyon si Hanna at ipaintindi sa kanya na hindi basta-basta ang buhay na kanyang pinasok lalong-lalo na hindi niya raw gusto si Kevin para sa kanya.

Pinagtuunan ko nang pansin ang pag-aaral ko kaya't hindi ko na masyado pang inaalala ang pagka-brokenhearted ko kay Hanna. Sabi ni Jimboy sa akin, normal lang daw naman iyon at saka huwag ko na lang daw seryosohin dahil bata pa naman daw ako. Naisip ko na may punto naman si Jimboy doon pero hindi ko talaga maiwasang tanggalin si Hanna sa sistema ko.

Top one ako sa klase ngayong first year. Tuwang-tuwa sa akin si Nanay dahil doon sayang nga lang dahil hindi ito alam ni Hanna. Maliban kina Nanay at Tatay mas naging pursigido akong mag-aral dahil kay Hanna kasi gusto kong makapantay siya baka sakaling mapansin naman niya ako ng kahit konti man lang.

Kahit malayo siya sa akin at sinaktan niya ako.

xxx

Tapos na ang last subject ko sa Math kay Teacher Lita kaya madali ko nang sinukbit ang aking bag para sumabay kina Rhea at Jolo. Pupunta kasi sila sa computer shop doon kina Aling Ising para mag-research saktong-sakto naman dahil may report ako bukas ng umaga sa Araling Panlipunan namin. Buti naman sana kung hindi ako nahihirapan sa subject na iyon.

"Ang bagal mo naman," bungad sa akin ni Rhea habang nasa may labas na sila ng gate ni Jolo. 

Nagkamot naman ako ng ulo at saka mahinang tumawa. "Pagpasensyahan mo na. Ito naman galit agad."

"Baka kasi tayo gabihin sa pag-uwi," sagot nito at nagsimula na kaming maglakad. "Sila Mary Anne at Jimboy pala, nakita mo?"

"Hindi, eh. Baka umuwi na sila." Sagot ko.

Inakbayan naman ako ni Jolo. "Uy, ipakilala mo naman ako do'n sa treasurer niyo," bulong nito sa akin.

Natawa ako sa sinabi niya at napabuntong hininga. Marami talaga ang nagkaka-crush sa treasurer namin na si Angela Tejones. Hindi ko nga alam kung bakit ginawa siyang treasurer ng mga kaklase ko, eh. Sa tingin ko dapat naging muse na lang siya.

"Naku, baka hindi ka no'n pag-interesan."

Ngumuso naman si Jolo sa akin. "Dami mong alam. Ba't mo naman nasabi 'yon eh, hindi mo pa nga sinusubukang ipakilala ako."

Napabuntong hininga ulit ako nang maalala ko ang pagsusungit ni Angela sa isang classmate namin na umamin sa kanya noong lunch break namin. Maganda naman talaga si Angela kaso lang masungit, eh. Baka sungitan ako no'n kapag itinuloy ko ang gusto ni Jolo.

"Ang sungit no'n, huwag mo nang ituloy." Natatawang sambit ko sa kanya.

"Sayang naman." Nanghihinayang na tugon ni Jolo at napapitik pa ito ng daliri. "Nakaka-excite sigurong pumasok sa klase lalo na kung classmate mo lang ang crush mo."

Binata na si IrisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon