Chapter 4

95 0 0
                                    

-Chapter 4-

Impulsive as always

[GINO'S POV]

Nagmadali akong lumabas ng office ni lola nang makita ko si Ms. Clumsy, errr, Ms. model-walker na papasok ng opisina nila. Kaagad ko siyang sinundan at pumasok kaagad ako sa loob.

Napakataray niya talaga! Siya yung tipong ayaw patalo. Lahat ng pambabara na binabato ko sa kanya, may bato rin siya pabalik. Pero sa loob ko, parang ang sarap niyang asarin, parang masaya ako pag inaasar siya. Ewan ko ba. Minsan sinasadya niya pa talagang tingalain ako para magkaroon kami ng eye contact. I tried to crack a green joke pero mukhang ang bilis nga ng karma. Yun nga lang ay nakuha ko siya gantihan by kissing her. Na-stuck up yata ako sa sampal nya.

But the heck, lalo kong naramdaman ang pag-lag ng sistema ko nang makaalis ako ng building. Her lips were warm... and soft... and sweet... and... everything! Yung tipong masarap halikan. Ewan ko! Naguguluhan na ako! Nagpasya na lang ako na umalis ng Cleopatra at pumunta na sa mall kung nasaan ang product launch nina Lola.

Abala naman si lola na manood ng simpleng fashion show. It had showcased Cleopatra's summer collection. Naupo ako sa tabi niya.

"What took you so long?" Tanong kaagad ni lola sa akin.

"Nag-stroll muna ako, 'La. Mukhang maraming new arrivals ngayon." Palusot ko.

"Ang sabi ni Rosie, dumaan ka daw sa office kanina."

"Yeah. I thought kasi na nandun ka pa? Is mom watching?"

"Nandito sila kanina, kaya lang, hindi naman nagtagal dahil may site visit ang dad mo sa Patricio's Palace."

"Psssh! Hindi ba kaya ni Mikko yun?!" Sumimangot ako.

"Alam mo namang bawal magdecide ang Kuya mo ng siya lang."

"Yeah! Kaya sila ang madalas kampihan ni daddy eh! Kasi sunod lang sila ng sunod." Nahalata naman ni lola ang pinagdadaanan ko.

"Nagtatampo ka pa rin ba sa daddy mo?"

I just shrugged my shoulders. Wala akong nililihim at maililihim kay lola.

"Wala yun, 'La. Kilala niyo naman kung paano ako magtampo."

"Hijo, bakit kase ayaw mo pang magseryoso sa buhay. Kung tutuusin, kaya mo naman na magtayo ng negosyo. We can always help you kung puhunan din lang ang iniisip mo."

"Hindi pa yata ako sawang maglaro, 'La. Besides, yung trust ni dad, wala sa'ken. Kasi minsan ko na rin siyang binigo." Totoo yun. Humingi ako ng puhunan kay daddy para makapagpatayo ng isang bar sa Malate, pero walang nangyari. Ayun at hanggang ngayon ay nakatengga pa rin ang property.

"Masyado mo kasing dinibdib yung break-up nyo ni Rhea eh."

"Lola, I'm done with that. Masaya na ako para kay Rhea."

"Wala pa bang susunod kay Rhea?"

"Hindi ko alam, 'La. Hindi naman natin kaagad masasabi kung meron na eh."

"Sus... Ikaw talaga!" Lumapit na sa kanya ang isang production crew dahil aakyat daw siya sa stage. "Come, be my escort. For sure maraming girls ang makakapansin sayo."

Ngumiti na lang ako at sumunod sa sinabi niya.

Bumalik kami sa head office ng Cleopatra para sa thanksgiving at victory party. Maraming tao, nandoon din kasi ang mga freelance models na rumampa kanina. Pero isa lang ang model na hinahanap ko. Yung mataray! Yung ubod ng taray at pandak na model na yun!

The Garcias: Gino - Melting Mr. SubzeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon