-Chapter 22-
Contract girlfriend.
[BEA'S POV]
14 hours and 30 minutes ang biyahe papuntang London. Gosh! Wala bang stopover ito?! Mabuti na lang at naka airplane mode ang cellphone ko, I mean, yung cellphone pala na bigay sa akin ni Gino. Naisip kong maglaro ng games habang nasa biyahe. Pagka-unlock ko naman ng phone ay nagulat ako sa wallpaper.
Picture yun ni Gino nung nakasama siya sa photoshoot para sa catalogue ng Adam's. Malamang ay pakulo niya rin ang wallpaper na 'to.
Para tuloy hinaplos ang puso ko. All this time, Gino had been a very good "boyfriend" as other people may call it. At ako, bilang "contract girlfriend"? Ano nga ba namang pakinabang sa akin ni Gino?
Binago mo naman daw siya, di'ba? Yun ang secret mission niyo ng lola niya.
Ouch! Parang kinukurot talaga ang puso ko pag naiisip yung secret mission na yan! Nakaka-inis eh! Mahal ko si Gino, yes, that's a fact. Pero hindi ko yata kayang isipin yung posibleng mangyari kapag nalaman niya na hindi naman pala totohanan ang lahat.
Eh paano kung magback-out na ako sa mission tapos ipagpatuloy na lang namin ni Gino ang lahat. Hindi niya naman kailangan malaman na binayaran ako para baguhin siya.
Tsk! Can I just turn back the time? Yung time na kaya ko siyang tarayan at talikuran. Yung time na aso't pusa kami at walang nagpapatalo sa amin. Para magkaroon ako ng magandang excuse para iwanan na lang siya ng basta-basta.
"Miss mo na kaagad, ano?" Napansin pala ako ni Ms. Gladys.
Ngumiti lang ako sa kanya.
"Bago pa lang kayo pero parang taon na kayong mag-on."
"Eh... Magaling po kasing magdala si Gino."
"Naku, hija. Sa relasyon, hindi pwedeng isa lang ang kumikilos, kailangan pareho kayo."
Kumikilos naman ako ah? Ang galing ko kayang umarte.
"Kunsabagay po, may point po kayo."
"Naku, mukhang aantabayanan sa opisina yang kasal niyo."
Kasal? Naku, hindi na po kami aabot dun!
Idinaan ko na lang sa tulog ang haba ng biyahe. Mas nakakabore lang kung lilibangin ko ang sarili ko habang gising.
"Madamme, you must wake up now. The plane is about to land in a few minutes." Ginigising na pala ako nung isang american stewardess.
Nakapaglanding naman ng maayos sa London International Airport ang eroplanong sinasakyan namin. Nagcheck ako sa orasan sa phone ko, pasado 6am na dito sa London, at pasado 10pm naman ang oras sa Pilipinas. Tulog na kaya si Gino?
Pagkakuha naman namin ng bagahe ay nag-abang kami ng taxi. Nakalagay na rin kasi sa itinerary namin yung tutuluyan naming hotel habang nandito kami.
Hiwalay kami ng room ni Ms. Gladys. Nagtaka naman ako dahil pareho naman kaming babae. O baka kaya dahil mae-extend pa ako dito ng tatlo pang araw.
Shoot! Naalala ko bigla ang phone ko, hindi ko pa pala naibabalik sa tamang mode. I turned off the airplane mode and just what I've expected, wala pang five minutes ay tumawag na sa akin si Gino.
"Hello?" Tanong ko sa kabilang linya.
"Hi, baby..." Ayan, ayaw niya na ng 'Honey'. 'Baby' na ang gusto niya. Gaya-gaya lang?!
![](https://img.wattpad.com/cover/21257105-288-k896167.jpg)