Chapter 20

50 0 0
                                    

-Chapter 20-

Can I trust you enough?

[BEA'S POV]

I do not have any choice.

Wala na eh. Nag-effort na kasi si Gino para mapasagot ako. Ano pa nga bang magagawa ko  eh mahal ko na din siya.

"So tonight you are now, and officially,  my girlfriend." Sabi sa akin ni Gino.

Ngumiti lang ako. Oo nga, official na kami. Kaya lang, hanggang kailan? Hanggang kailan ako maglilihim? Hanggang kailan ako magpapanggap? Yan ang mga bagay na naiisip ko habang ihinahatid niya ako sa room namin.

"Hindi ka ba talaga pwedeng lumipat sa room ko?" Ilang beses nya na akong tinanong tungkol sa bagay na yun.

"Gino naman, ilang oras pa lang kitang sinasagot. Gusto mo agad na makasama ako tonight?" Sabi ko sa kanya.

"Eh kasi... Last day na ng bakasyon natin. Baka naman pwedeng makasama kita sa room, kahit isang gabi lang."

"Gino!"

"Wala naman akong gagawing masama. Gusto ko lang... Gusto ko lang na... makatabi ka sa pagtulog. Swear! You can kill me pag may ginawa akong masama sayo."

Napaisip naman ako. Alam ko naman na may  isang salita 'tong unggoy na'to.

"Sige na, honey. Please?"

Oh dear! Why cant I resist this pleading smile?! "O sige na nga. Kukunin ko lang yung kit ko sa room."

Nang makapasok naman kami sa room namin ni Macy ay nandoon din sina Nikki, Kate at Julius. Napangiti sila nang makita na magkasama kami ni Gino.

"Ehem! Ano na palang status, Ms. Bei?" Pabirong tanong ni Nikki.

"Kailangan pa bang itanong yan?" Sabi ni Gino at kumindat sa kanila.

"Wow! Parang alam na namin yang kindat na yan ah?" Sabi ni Kate.

"So... Mukhang  kasalan na ang sunod  diyan?" Biro naman ni Julius.

Tumawa naman si Gino. "Pwede bang mahiram muna sandali si Bea?"

"Sure, sir Gino!" Sabi naman ni Macy.

Abala naman sa  pakikipagkwentuhan si Gino habang kinukuha ko ang toiletries pouch ko.

"Sige guys, akyat na kami ha. Magbehave kayo dyan." Sabi ni Gino sa kanilang apat.

"Naku sir, mukhang ikaw ang kailangang magbehave dahil kasama mo si Ms. Bea." Biro sa amin ni Nikki.

"Uhum! Takot niya na lang sa akin." Sabi ko sa kanila, para matigil na rin ang kaka-kanchaw nila sa amin.

Pag-akyat naman namin sa room ni Gino ay niyakap niya kaagad ako.

"I love you, Bea." He kissed my lips.

"Gino... May usapan tayo di'ba?"

"I know... Kiss lang naman yun eh... Sige na, mauna ka ng magclean up..."

"Okay."

Naglinis na ako ng katawan at naghilamos. Saka ko na lang naalala, wala pala akong dalang pamalit!

Sumilip ako saglit sa may pinto. Nanonood pa naman ng tv si Gino.

"Uhm... Gino?"

"Yes, Hon?" Napalingon siya sa akin.

The Garcias: Gino - Melting Mr. SubzeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon