Chapter 47

30 0 0
                                    

-Chaptet 47-

[GINO'S POV]

Nagyaya lumabas ng office si Bea after lunch. Gusto niya daw kasi ng mango shake. Sabi ko sa kanya, pwede namang magpabili na lang ako kay Mang Tony pero ayaw niyang pumayag. I'm talking to someone over the phone when I lost sight of her. Ghad! Nasaan na naman ba itong asawa ko? Kung dati ay clingy siya pag nasa mall kami, she has now the habit na umalis sa tabi ko lalo kapag may gusto siyang tignan.

I tried to call her phone, nagri-ring lang ito. Masyadong maingay sa loob ng mall.

"Please, Bea! Pick up the damn phone!" Nanggagalaiti kong sinabi. Nakakaasar na kasi! Hindi ko siya makita kahit saan.

Napadaan ako sa isang flower shop at saktong papalabas si Bea. Hawak-hawak nito ang isang bouquet ng fresh pink tulips.

"Saan ka ba nagpunta? Bakit ka nawala sa tabi ko kanina?!" Angil ko sa kanya.

"Sorry. Nagandahan kasi ako sa tulips nang makita ko kaya bumili ako."

"You should have told me! Nagpadeliver na lang sana ako. Hindi mo na kailangang bumili," iniabot ko sa kanya ang mango shake, "here you go. Kakablend lang nila niyan ha."

"Iyo na lang. Ayoko na kasi eh."

I cussed pero siniguro kong hindi niya maririnig. Damn! Ang gulong kausap ni Beatrize!

"Really, dude? Ganyan na ganyan si Helga nung pinagbubuntis niya si Ed! Seriously? Mukhang masamang sign ang pagbubuntis ni Bea!" Kuya Enrico said sarcastically. Nasa bahay kami at tinatanaw namin sina Bea at Helga na kalaro si Enzo sa may garden.

"Hindi pa siya nagpapa-check up! Ayaw niyang tumapak sa clinic or sa hospital. And then one time, alas tres pa lang ng madaling araw ginising niya ako dahil gusto niya raw ng ceasar salad. Yung sa Kenny's na salad daw, ayaw niya ng homemade."

"Tss! Sino bang masusunod sa inyong dalawa. Pagdating sa anak niyo, dapat lang na mas gawin ang tama. Dapat lang na magpa-check up na si Bea."

Napagpasyahan ko naman na yayain si Bea isang araw. Ang sabi ko, maghalfday na lang kami dahil may pupuntahan kami. Pumayag naman kaagad si Helga. Mukhang may idea na rin ang isang 'to pero ayaw naman sumagot kapag nagtatanong ako.

"Wow! So nagiging romantic ka na ng lagay na yan?" Nakita niya sa backseat ang isang bouquet ng pink tulips. Kinandong niya iyon at inamoy-amoy pa.

"Nagustuhan mo ba?"

"Of course," hindi niya ako tinitigan. Tuloy pa rin siya sa pag-amoy sa mga bulaklak, "ipapalagay ko sa vase 'to ha."

Ngumiti ako bago bumaling kay Mang Tony, "Tay, sa St. Lukes Global tayo."

"Ha? Bakit sa St. Lukes?" Kaagad na tanong ni Bea.

"May bibisitahin lang tayo," I winked at her at parang bigla na siyang natahimik, at medyo natulala pa. She can't stop fiddling the bouquet's ribbon.

Her uneasiness stopped nang makarating kami sa ospital. Kung hindi ko pa siguro siya pagbubuksan ng pinto ay hindi pa siya bababa.

"B-babe?" Napakapit siya sa braso ko nang mapatapat kami sa isang clinic ni Dra. Aguilar. Kilala niya ito dahil minsan niya na ring sinamahan si Helga magpacheck-up.

"Relax. Everything will be fine," I held her hand as I took a step forward near the clinic's door. Pero hindi siya natinag. Ni hindi siya makagalaw.

"Babe naman! Wala naman akong sakit, pinagdududahan mo bang may infection ako?" Mangiyak-ngiyak niyang sinabi.

Hindi ko naman alam ang ire-react ko. Gusto ko na kasing mainis kay Bea pero pinipigilan ko dahil sabi ng Helga, sensitive daw ang mga buntis.

The Garcias: Gino - Melting Mr. SubzeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon