-Chapter 7-
Sino kayang na-gayuma?
[GINO'S POV]
Hindi ko alam kung paano nangyari pero pumayag ako sa gusto ni Bea. Ano ba kasing plano ng babaeng 'to. May crush ba siya kay Lyndon?! Bakit ba kailangang siya pa ang kumausap?
"Hey! Are you sure about this?" Tinanong ko siya nang makarating kami sa restaurant na pagkikitaan nila.
"Oo naman. Hindi naman ako magpi-prisinta sayo kung hindi ako sigurado."
"Ayoko lang mapahamak ka. Ang sabi kasi ng lola ko, ingatan daw kita. 'Langya yan! Parang ikaw pa yung apo ah!"
"Hoy, Mr. Subzero! Hindi ko kasalanan kung sabik sa babaeng apo yang lola mo. Anong magagawa mo eh nagustuhan ako ng lola mo?"
Hindi naman maikakaila yun. Malamang naikwento na rin sa kanya ni lola yung bagay na iyon. "Ginayuma mo yata lola ko eh! Tell me, anong nilagay mo dun sa Kalderetang niluto mo last time?"
"Kung marunong akong mang-gayuma, sana noon pa. At sana ipinakulam na rin kita nung muntik mo na akong sagasaan!"
"Mean! Ang tagal na nun ah! Di ka pa rin ba maka-move on dun?!"
Nakita na naming papasok ng resto si Lyndon. Sinubukan niyang bumaba pero pinigilan ko siya.
"What now, Gino?!"
Nakakainis 'to! Bakit ba siya excited na makaharap yung maniac na si Lyndon?!
"Wag ka namang atat! Kadarating niya lang o! Hindi ba pwedeng paghintayin mo muna siya ng limang minuto?!"
"May masamang impression ang nale-late sa usapan!"
"We're not talking about being an hour late here, Beatrize! Just do what I say! Five minutes! Just five f*cking minutes, for Pete's sake!" Nanggigigil na ako sa kanya. Ang kulit! Sobrang kulit! "Wag mong i-silent ang phone mo, tatawagan kita habang nag-uusap kayo. Kelangan kong marinig kung ano ang pinag-uusapan niyo."
"Akala ko ba you trust me on this? Ba't kailangan mo pang pakinggan kung ano ang pag-uusapan namin?"
"Oo nga, I trust you. Pero dyan sa katagpo mo, wala!"
"Pssh! Whatever, Gino! I mean, Sir Gino!" hindi ko na siya napigilan sa pagbaba ng kotse.
Nang makita ko na siyang nakaupo kaharap si Lyndon ay agad ko siyang tinawagan. Pero ni-reject niya yung call. Damn! Ang tigas talaga ng ulo! Yung pangalawang tawag, ni-reject pa rin. Shit! Mapa-praning yata ako sa ginagawa niya!
I tried my third attempt. Na-konsensya na yata.
"Well, hindi naman natin maipagkakailang asset ka ng Cleopatra. And if I was Doña Felicidad Garcia, I'll make you one of my print models." Narinig kong sabi ni Lyndon. Sabi na't dadaanin niya sa bolahan ang laban.
"Hmm, hindi ko na pinangarap yan, Mr. Hernandez. I don't need any limelight to show my capabilities." Wow! Pangbeauty queen naman ang sagot ng isang 'to.
"Lyndon, just Lyndon for you, Ms. Beatrize Punzalan..."
"No, I pay respect when needed. Mas lalo na sa kagalang-galang na katulad mo."
"Wag na tayong magpaka-pormal, Bea. We're on the same field."
"You're right, Mr. Hernandez. We're on the same field. And you're our top competitor. Hindi yata tamang maging at ease tayo sa isa't isa sa ganitong sitwasyon."