Chapter 15

59 0 1
                                    

-Chapter 15-

Sunrise it is

[BEA'S POV]

Dumating naman ang araw ng alis namin papuntang Palawan. Excited na excited sina Macy, Nikki at Kate. Cool na cool naman sina Julius at Gino. Sabi ni Boss, doon daw kami mag-stay sa private resort ng mga Garcia sa Palawan. I wonder kung anong mas maganda. Kung Boracay ba o Palawan.

"Sir Julius, palit naman tayo! Gusto ko window seat eh," Hindi kasi makapalag sa akin si Nikki. Nasa window seat din kasi ako.

Natawa na lang ako. Ang kukulit nila.

Hanggang sa nag-takeoff na ang eroplano, napahawak tuloy ako sa armrest ng upuan ko at napapikit.

"Bakit ka nakapikit? Paano mo ma-e-enjoy ang view kung nakapikit ka?" Bulong sa akin ni Gino.

"Ha?" Hindi ko masyadong naintindihan, medyo masakit din kasi sa tenga yung pressure sa loob ng eroplano.

"Sabi ko, open your eyes..." Hinawakan niya ang kamay ko at dinala sa isang pisngi nya. "I see a beautiful view from here."

Napatingin ako sa bintana. Nakasara kasi iyon dahil sa nalulula ako.

"Ikaw talaga, Gino. Napakabolero mo." Tumawa ako.

Narinig naman namin na nag-react si Macy.

"Aray! Aray! May langgam yata sa upuan ko?" Katabi niya kasi sa upuan si Gino.

Natawa lang kami ni Gino. Mukhang nakakahalata na rin naman kasi sila.

Hanggang sa nagtouchdown kami sa Puerto Prinsesa airport. Paglabas naman namin ng airport ay may isang van na naghihintay sa amin papunta sa resort.

"Welcome to Isabella's Paradise, Ma'am, Sir..." Bati sa amin ng mga crew ng resort. "Good afternoon, Sir Gino."

"Good afternoon. Can we get our room keys now?" Sabi ni Gino sa receptionist na kaagad namang ibinigay sa kanya. Naka-ready na yata bago pa kami dumating.

Kami ni Macy sa isang room. At sina Nikki, Kate at Julius ang magkakasama sa kabilang room. Nagsolo naman kasi ng room si Gino.

Nagbihis kami ng beachwear at lumabas ng hotel para makapag-lunch.

"Naku! For sure maglalaway si Sir Gino sayo nyan!" Biro sa akin ni Macy.

"Pasaway ka, Macy. Hindi 'noh!" Saway ko sa kanya. Nagsuot kasi ako ng royal blue na two piece. Yun nga lang ay nagsuot ako ng board shorts at pinatungan ko ng manipis na cover up ang katawan ko.

"Grabe, Ms. Bea! Ang sexy mo pala!" Sabi naman ni Nikki nang magkita-kita kami sa lobby.

"Ako na naman ang nakita nyo ha!" Natatawa kong sabi sa kanila.

"Nasaan na ba si Sir Gino, ano bang una nating activity after maglunch?" Tanong naman ni Kate.

Hindi naman kami natagalan sa paghihintay. Bumaba rin kaagad si Gino.

Sa restaurant na malapit sa hotel kami ng lunch, buffet style kasi kaya nagustuhan nila Julius. Malalakas kasi kumain ang mga ito.

"Grabe! Busog na busog ako ah!" sabi ni Kate.

"O! Picture-picture muna!" Sinet ni Julius ang SLR camera niya.

"Picture-an mo naman daw sina Ms. Bea at Sir Gino," nahawa na yata si Macy kay Julius.

"Oo nga, para may remembrance kami ni Bea," Game din namang nakipag-biruan si Gino. Umakbay siya sa akin ang nagpose sa camera. Pagkatapos ay nilapitan niya si Julius para tignan ang preview ng shot na iyon. Maya-maya ay para namang may pinag-uusapan ang dalawa at nag-apir pa.

The Garcias: Gino - Melting Mr. SubzeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon