Epilogue
[GINO'S POV]
"Where the hell are you, Gino?" Halos sumigaw na siya sa kabilang line.
Sabi na nga ba! Kumukulo na naman ang dugo nito sa akin.
"Kuya, malapit na ako. Naipit lang ako sa traffic. Wag ka namang masyadong highblood. Chill lang!" Paliwanag ko.
"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo, okay?! Wala akong panahon diyan!"
Kahit kailan talaga 'tong si Kuya Enrico!
"...Bilisan mo na lang at manganganak na si Bea!"
Ugh! Bakit ba kasi ngayon pa! Nagpaalam na ako sa emergency meeting namin kanina dahil mas emergency naman itong kaso ni Bea. Idagdag mo pa ang pag-pressure sa akin ni Kuya Enrico.
Ang sigla sigla niya pa kanina habang pinaghahain ako ng agahan! Sino bang makakapagsabi na ngayon na pala siya manganganak. Edi sana hindi na lang ako pumasok sa office ngayon?!
Kaagad naman akong dumerecho sa may waiting area ng delivery room. Nandoon sina Helga, Daddy at Kuya Enrico. Si Mommy naman daw ay nag-aasikaso ng admission ni Bea sa hospital.
Mahigit-kumulang apat na oras na yatang nasa labor room si Bea pero wala pa ring balita. Lumabas naman si Elaine sa loob at mukhang ako kaagad ang hinanap.
"Ano na'ng balita? Kamusta na ang mag-iina ko?" Kaagad kong tanong sa kanya.
"Dude, kailangan ni Bea na ma-ceasarian. Hindi niya kakayanin ang kambal eh."
Ang kabilin-bilinan sa akin ni Bea ay wag akong papayag na ma-CS siya. Pero kung para sa kanila naman ng mga anak ko ay doon ako sa mas makakabuti sa kanila.
--------
Nakaraos din naman sa panganganak ang asawa ko. Eto at abala siya ngayon sa pagiging hands on mommy sa kambal. Pinatigil ko na rin siya sa pagta-trabaho pansamantala para magabayan niya ang paglaki ng mga bata. Though they get to see me once in a while.
--------
Six years after...
"Dad! Look at George! He doesn't want to share his chocolate!" Narinig kong sumbong ni Geoffry sa akin. Mas close kasi si George kay Bea. At si Geoff naman sa akin.
"George, what did Dad tell you? Wag kang madamot sa kapatid mo." Palibhasa bunso si George kaya nasanay ito na laging pinagbibigyan sa bahay.
"But dad, Kuya had plenty. He already ate his share. I saw it," sagot naman ng maamos na si George.
Natatawa kong ginulo ang buhok ni George, "Manang-mana ka talaga sa mommy mo. Tch! Daming dahilan!"
"May sinasabi ka, Joseph Gino?" Ooops! Narinig yata ni misis ang sinasabi ko.
"Wala, sweetie. Sabi ko, maganda ka."
"Bolero!"
"So, who's excited to know baby bunso's gender?"
"Me, daddy!" Sabay na sinabi ng kambal.
"Let's go and meet out princess," that I claim. Ramdam ko na babae ang pinagbubuntis ni Bea. Sobrang taray niya kasi.
~*~
Full support kaming nagpunta sa clinic ni Elaine. Bea is now on her 3rd trimester. Medyo malikot ang bunso namin kaya kinakabahan din ako sa magiging resulta ng 4D Ultrasound niya mamaya.