Chapter 19

50 0 0
                                    

-Chapter 19-

The long wait is over

[GINO'S POV]

May kinausap lang ako saglit, nawala na siya. Nakakainis itong si Bea. Ni hindi man lang nagsabi na babalik na siya sa room. Buti na lang at nagtext sa akin si Macy. Bigla kasi akong kinutuban nang mawala siya sa paningin ko.

Si Julius ang kausap ko kanina sa phone. Abala sila sa surprise na gagawin namin kay Bea. At salubong na rin sa birthday ko. Siyempre doon ka na rin hihingiin ang matamis niyang "oo". 

"Sir, okay na po yung tarpaulin. Tapos, yung mga crew nasabihan ko na din." Kaya nga ba maaasahan talaga ang mga staffs ko.

"Thanks, Kate. Kayo na ni Nikki ang bahala sa gimmick later. Gusto ko yung hindi malilimutan ni Bea ha. How about the flowers?" Tanong ko kay Kate.

"Ipina-a-arrange na po ni Sir Julius, Sir."

"Very good. I know I can count on you."

"Eh sir, sabi po ni Ms. Macy nasa room si Ms. Bea. Paano po kung biglang bumaba yun dito?"

"It's okay. Macy is in charge. Niyaya niya na daw magstroll sa beach. We need to gather ourselves by four in the afternoon. Ma-enjoy man lang natin ang dagat mamaya."

"Noted sir. Para ma-enjoy nyo rin po ang last day vacay natin na official na kayo ni Ms. Bea." Pagbibiro ni Kate.

Natawa naman ako doon, "Sige. Kung tapos na kayo dyan, magbihis na rin kayo. See you later."

Kinahapunan naman ay nagkasama-sama kaming anim para ma-enjoy ang beach. Hindi na kasi kami makakahirit bukas dahil paniguradong mamimili naman kami ng pasalubong.

"Naku! Mamimiss ko ang Palawan." Malungkot na sabi ni Macy.

"Weh! Baka naman may mami-miss ka sa Palawan," kanchaw ni Julius. "Naku, lagot ka kay Darren pagbalik mo."

Ngumuso lang si Macy at nagkatawanan kami.

"Nasaan na nga pala sina Bea?" Tanong ko kina Macy.

"Naku, sir. Nagpapaganda pa!" Sabi ni Kate. Alam kong kasama nito si Nikki.

Nakita naman namin na naglalakad ang  dalawa papunta sa kinaroroonan namin.

"Ehem! Sinamid yata ako!" Sinasadyang biro ni Julius. Malamang ay nakita niya akong titig na  titig kay Bea.

"Kahit kelan ka talaga, Julio!" Saway ni Macy.

Nginitian ko lang sila.

Nakapagswimming din naman kami for the last time at bago lumubog ang araw. Pero na-e-excite na din ako sa mga pwedeng mangyari mamaya. Hindi din ako pwedeng magkamali. I know she'll say yes. And I feel that.

Umahon naman kami pagkatapos ng sunset. Espesyal na okasyon 'to mamaya. At first time in my life na gagawin  ko ang gimik na 'to. I'm praying for a good answer later.

Nakita ko namang dere-derecho sina Macy papunta sa elevator. Nilibang niya ito at dinaldal para hindi ito mapalingon sa may bandang restaurant. Nakiramdam din sina Nikki at Kate.

Nagsend ako ng text kay Macy.

To: Macy

All set?

Fr: Macy

Hindi pa sir. Inaayusan pa ni Nikz.

To: Macy

The Garcias: Gino - Melting Mr. SubzeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon