A/N:
Sabi ko last chapter na yung 45, di'ba. Hindi pa pala. Sige na! Pagbigyan niyo na lang ako. Hehehe.
__________
-Chapter 46-
[BEA'S POV]
It had been a month after our Palawan Wedding. Balik career and work mode kaming pareho ni Gino. Naging hectic ang sched nito. Kung minsan, may urgent visit pa siya sa Palawan kaya kapag ganun ay sinasamahan ako ni Macy sa bahay. Dahil na rin daw sa favor ni Gino sa kanya.
"Naku, Ma'am Bea, para ngang tumataba ka?" Sabi sa akin Macy habang nag-go-grocery. Babalik na daw kasi si Gino sa Palawan. Ipagluluto ko siya ng masarap na dinner.
"Nakita mo na? Pati ba naman ikaw? Inaaway niyo na talaga ako," pabiro kong pagmamaktol sa kanya.
"Ikaw ba naman palaging puno ang ref, malamang na manaba ka nga?"
"Ganun talaga. Ayaw daw kasi ni Gino na magutom ako habang wala siya," napatingin ako sa pulang-pulang strawberry na naka-pack. Kinuha ko kaagad ito at nilagay sa cart.
Yes, it's true. I've been gaining weight lately. At lagi akong mainipin. Or di kaya mainitin ang ulo. The worst part of this was I became impatient.
"Nakasimangot ka na naman," sabi sa akin ni Gino nang mapansin na seryoso ako sa pagre-review. Malapit na rin kasi ang exams at super stressed na ako.
"Ang hirap," napaluha kong sabi sa kanya. "Parang ayoko na..."
"Ssshhh... Ngayon ka pa ba susuko? Eh konti na lang, baby. Six months na lang. Push mo na yan."
Pilit akong ngumiti. Agad kong napansin ang oatmeal cookies at isang basong gatas sa tabi ko.
"Mag-light snack ka muna," hinagod pa ni Gino ang buhok ko.
Kinuha ko ang baso at humigop ng gatas. The milk was warm pero hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang lunukin. Damn! Oo nga pala, fresh milk ang iniinom ko, hindi powdered milk.
Napatakbo ako sa banyo at niluwa ang gatas na halos iminumog ko na sa bibig ko. Gusto kong sumuka dahil ayaw maalis nung lasa ng gatas sa bibig ko. Napansin ko naman sa salamin ang nag-aalalang tingin ni Gino.
"Baby, okay ka lang ba? Anong masakit sa'yo?" Tanong niya sa akin.
"Sorry," pinunasan ko ng towel ang bibig ko, pero muli ay naduwal na naman ako.
"Sweetie, magpa-check up na kaya tayo? I'm worried."
"Ano ka ba? Nanibago lang ako dun sa lasa nung gatas! Bakit kasi powdered milk ang tinimpla mo? Hindi naman ako nainom nun eh!" Okay, mood swings are on!
"Ikaw ang nag-grocery di'ba? Malay ko bang hindi ka bumili ng fresh milk mo?"
Sandali akong napaisip. Oo nga pala! Kumuha ako ng powdered milk. Pero ayoko siyang inumin. Gusto ko siyang papakin, yung may halong Milo!
"Hi, Ninang Bea!" Bati sa akin ni Helga, karga nito ang inaanak kong si Enzo, ang bunso nila.
"Hi, baby Enzo!" Kinarga ko ang five months old na si Enzo at hinalik-halikan. "Ang bango bango mo naman, bhie!" Pinanggigilan ko pa nga ang bata dahilan ng pagtawa ni Helga.
"Bei! Yan yung dress na niregalo ko sayo last time diba?" Nagtaka ako dahil titig na titig sa akin si Helga.
It was a floral, overlapping dress, "yeah, why?"