-Chapter 12-
Do you believe?
[GINO'S POV]
Sa wakas ay natapos din ang pictorial. Finally! Makakapaghilamos na din at makakapag-ayos ng sarili.
Nang makapag-ayos ay nagpameeting naman si lola. Mukhang may bago na naman yata kaming task.
"First of all, I want to congratulate all of you for the recent success of Adam's. I must say all of you really did a great job."
Nagpalakpakan naman kaming lahat.
"So to reward all of your efforts, I am giving you a one-week all expense paid trip to Palawan. You deserve relaxation. Dahil after niyan ay sasabak naman kayo sa product launch which is alam kong piece of cake lang sa inyo."
Napa-wow naman ang mga babae. Mukhang dream come true sa kanila ang trip na yun.
"Ms. Bea?" Hmm! Si Eve na naman, yung mataray na receptionist namin.
"Yes, Ms. Eve?" Sagot ni Bea sa kanya.
"May letter po kayo from Ateneo Graduate School." Ibinigay ni Eve sa kanya ang isang white envelope.
"Thank you." Nakita kong excited siyang buksan iyon. Kaya lang ay nakita kong nawala ang ngiti niya, and her eyes were watery. Tatayo na dapat ako ng chair ko pero nauna siyang tumayo at lumabas ng opisina.
What could have happened? Ano kaya ang nakalagay sa letter?
Pinulot ko sa table niya ang crumpled paper na iniwan niya. And doon ko nalaman.
SHE FAILED THE MBA QUALIFYING EXAMS.
Damn! Sobrang importante siguro ng bagay na iyon sa kanya. I felt sorry for her. Lumabas ako ng room sa pag-aakalang makakasalubong ko na siya pagpasok niya pero hindi. I even asked Thea kung nakasabay niya ba sa ladies room pero wala daw siya doon. Shit! Where are you, Bea?
"Guard, have you noticed Ms. Punzalan?" Tanong ko sa nakaduty na guard sa lobby.
"Ay oo sir, bumaba po ng basement. Bakit po?"
"Nothing!" Hindi ko na hinintay ang elevator, I immediately went down thru the building's fire exit. Kayang kaya ko naman yun dahil pababa naman. But then I forgot! F*ck! Kailangan nga palang sumakay ng elevator para makababa ako sa basement parking! Shit lang! Hindi ko talaga maaasahan ang katalinuhan ko pag natataranta ako!
Hindi nga nagkamali yung guard. Nandoon nga siya, nakaupo sa gutter ng basement parking at umiiyak. Man! Nasa harapan pa siya ni 'Ebony'. Para namang kaya siyang damayan ng kotse ko sa ginawa niyang yun. Pssh!
"Huy! Wag mong iyakan yang kotse ko! Hindi ka dadamayan nyan!" That was supposed to be a joke. I mean, hello! Boss niya kaya ako! Para namang wala akong kwentang boss kung hindi ako makikinig sa pag-iyak niya. "Hirap kasi sayo, magkalapit na nga ang table natin, bumaba ka pa talaga ng basement para umiyak!"
Hindi siya sumagot, naka-facepalm pa siya at tuloy pa rin sa paghikbi.
"Oh, eto, panyo." I handed her my handkerchief. "Tahan na, baka mabura yang make-up mo."
"Sorry," yun lang ang nasabi niya. Ni hindi man lang ngumiti sa simpleng biro ko?! Ang lame ko pala magpatahan. But it worked nevertheless dahil natigil na ang pag-iyak niya. "Pasensya ka na sa akin ha. Gusto ko lang talaga makapasa. Sayang din kasi."
"I know." Tinabihan ko siya sa kinauupuan niya. "Sometimes, its hard to believe and accept that you cannot always have what you want. Parang ang ilap, ano? Minsan, you're just a step closer but, parang kisapmata lang, akala mo nandun na pero hindi pa pala. Nakakainis kaya pag ganun."