-Chapter 26-
[GINO'S POV]
Bakit ang tagal niya naman! Ano ba naman kasi 'tong si Bea. Magsi-CR lang ang tagal-tagal pa. Napatayo tuloy ako sa upuan para hanapin siya. Naglakad-lakad naman ako nang makasalubong ko si Art. Nagkita na kaya sila nito ni Bea?
"Hey, Art. Napansin mo ba si Bea?" Tanong ko sa kanya.
"Yeah, I've seen her. She's with Enrico."
Ha?! Eh ano namang ginagawa niya at kausap niya pa ang kapatid ko?
Hinanap ko kaagad sila. At naabutan ko naman na parang sinasaktan na ni Kuya si Bea.
"Kuya, what are you doing?!" Pinaglayo ko silang dalawa. "What is it this time?!"
"Hindi mo ba alam, Gino? Hindi mo ba alam?! Peperahan ka lang nyan!"
"Ano bang pinagsasabi mo?! Kung hindi ka masaya sa buhay mo, wag mo akong idamay!" Hindi ko alam kung bakit sinapak ako ni kuya.
"Gago ka talaga, Gino! You still didn't change! Wala ka na! Wala ng pag-asa si daddy sa'yo! At hinding-hindi ka na magtitino kahit kelan!" Galit na galit na sabi niya sa akin.
Sa galit ko naman ay napa-ganti ako ng suntok sa kanya.
"Wala akong pakialam! Kahit ano pang sabihin mo, kahit ano pa yang isumbong mo kay daddy! Wala!"
Bigla niya naman akong kinuwelyuhan.
"Hindi mo talaga alam?! Wala kang kaalam-alam eh, ano?! Remember the bitch I told you? Yung babaeng nagpalaglag ng kaisa-isang kong anak na babae! Yung kabit ko?! Yun ay walang iba kundi si Bettina!"
Nakita ko namang natigilan si Bea at umiiyak.
"I know, kuya! I already knew it! Dahil si Bettina na mismo ang nagsabi sa akin!" I lied. Nabigla ako, yet still, I lied. Ipaglalaban ko si Bea kahit ano pa ang mangyari.
Nawala lang siguro lahat ng galit ko nang makita kong nagwalkout si Bea. I have to go after her.
"Humanda ka sa'kin! Kakalimutan kong kapatid kita sa oras na iwan ako ni Bea! You selfish, insensitive jerk!" Tumakbo ako palabas ng mansyon para habulin si Bea.
***
"Bea!" Now, I'm running after her. "Bea, wait..."
Hindi niya ako pinapansin. Tuluy-tuloy lang siya sa paglalakad.
"Bea, let's talk!"
"Wala tayong dapat pag-usapan!"
"Bea, please... Baby, please listen..."
"We're done, Gino. It's over... I'm... I'm sorry."
"Bea! Please naman! Kausapin mo naman ako."
Hindi niya ako pinansin. Dere-derecho siya papalabas ng gate ng village. Sinuswerte pa rin ako dahil walang dumadaang taxi.
"Bea, wala akong paki kung anuman ang naging kasalanan ni Bettina sa kuya ko. Labas na yun sa relasyon natin di'ba? Please, Bea. I beg you. I need you... mahal na mahal kita. Wag naman sanang gani-ganito na lang."
"Let's stop this, Gino. Hindi kita mahal."
"You're lying!"
"I'm not, Gino. Soon, malalaman mo rin ang totoo. Kung bakit tayo nagkakilala at kung bakit ako palagi ang nasa tabi mo. Kaya para maging madali na sayo ang lahat, ako na lang ang lalayo. Ako na lang."
![](https://img.wattpad.com/cover/21257105-288-k896167.jpg)