-Chapter 34-
[GINO'S POV]
And here comes the eighth of May. Ang ika-tatlumpung kaarawan ng pinakagwapo at bunsong anak nina Manuel at Isabel Garcia. Wala eh, ganun talaga. Gwapo pero pihikan, lalo na nang magtagpo ang landas namin ni Beatrize.
Naalala ko yung mga panahong nang-gagalaiti siya sa akin. Yabang na yabang at sobra ang pagka-asar niya sa akin. But that one kiss changed everything. Kung tutuusin, wala naman talaga akong balak gawin sa kanya yun. At first meeting, would you think na magugustuhan ko si Bea considering the fact na sobrang dami ng pagkakaiba namin? O baka naman dala ng pagkabigla nang sampalin niya ako. Hanggang sa naging working partners kami sa Cleopatra. Nakita ko ang determinasyon ni Bea sa lahat ng bagay na gagawin niya. Sa lahat ng client deals and meetings, sa mga shows, at simpleng board presentations.
Doon na nahulog ang loob ko sa kanya. The feeling when one person realizes that he needed someone who will complete his life. Someone who, despite of the flaws and weaknesses, is still willing to accept you with open arms. And in my case, the defense mechanism which I put on didn't really worked at all. I was caught in my own trap. Sa sobrang pagtulak ko sa kanya palayo sa akin, doon ko na-realize na kailangan ko siya. Kailangan ko siya dahil mahal ko siya.
Ang sarap sa pakiramdam sa tuwing makikita ko siyang ngumingiti at tumatawa. At yung minsang pa-demure nyang pagbahing at pagsinok na akala mo naman ay kuting? Priceless! Nahiya pa siya sa akin niyan kahit ilang araw din kaming nagsama sa condo ko. These are just some things I miss about Bea. Small things about her that I have really missed simula ng tiisin ko siya. Noong araw na malaman kong lahat pala ng iyon ay nakapaloob lang sa isang kontrata.
Inaamin ko, I was hurt. Kahit sinong tao naman mararamdaman na pinaglaruan lang siya ng tadhana. Masakit pa dito ay yung taong pinakamalapit pa sa iyo ang puno't dulo ng lahat. Lola Fely was very apologetic that time. She even convinced me to talk to Bea dahil wala naman itong kasalanan, but I refused. Hindi ko kinaya ang pagsugid ng ego sa utak ko. It's like telling my mind to stay away from her, but my heart says no. Mahirap rin tiisin ang taong naging importante sayo. Ang hirap sabihin na "sige, okay lang. Tayo na ulit." Pakiramdam ko no'n, isang magaling na artista si Bea. Nagpanggap siyang mahalin lang ako para sa pera. Ang pera na ipinangtustos niya sa MBA Degree nya.
Pero sa kabilang banda, tila may nagdikta sa isip ko na posibleng totoo ang lahat. Totoo ang naramdaman ni Bea para sa akin. Ang mga halik at yakap niya. Ang pag-aalaga niya. Yung minsang nakatulog na lang siya sa pagbabantay sa akin nung magkasakit ako. Lahat yun ay imposibleng gawin ng isang taong pera lang ang interes.
Kaya ginawa ko ang lahat para mabawi si Bea. Niligawan ko siya ulit. I even became her stalker lalo ng malaman kong nagde-date sila ni Arthur. Hindi ko malilimutan ang komprontasyon naming magpinsan sa bar ni Ivan.
"You son of a b*tch! Why are you dating my girlfriend?!" Isang suntok ang isinalubong ko kay Arthur bago pa man ito makapasok sa bar ni Ivan.
Palagay ko ay hindi naman siya nasaktan. Mahina na din ang pwersa ko dahil lango na ako sa alak. "She wanted it, Gino. Ginusto ni Bea na i-date ako. May magagawa ka ba dun?" Sinasadya na akong asarin ng siraulo kong pinsan.
"Gago! Akala mo ba hindi ko alam na nagpapanggap lang kayo?! 'Langya pre! Galing mong manulot! Alam kong abo-gago ka, pero wag niyo naman akong gaguhin! Ang gagaling ninyong mga artista! Dapat sa inyo, mag-audition na!"
Malutong na tawa ang sinagot sa akin ni Arthur. "That's it, Gino?! Yan ang gabi-gabing ipinaglalasing mo? No wonder, kaya sumuko si Bea sayo. Immature ka pa rin upto now! Grow up, Gino! She's always wishing one day you'll be a grown man. Pero sa nakikita ko ngayon, hindi eh! Kaya ako nilalapitan ni Bea para layuan mo na siya. Dahil sumuko na siya at tinatanggap niya na ang katotohanang hinding-hindi ka na magbabago kahit kailan!"