Chapter 43

37 0 0
                                    

Dedicated to all AlDub fans ^_^

At dedicated na rin kina Richard Faulkerson, Jr. at Nicomaine Dei Mendoza.

Enjoy reading, Aldubnation

Lovelots,

Ang author ninyong maka-ALDUB

__________

-Chapter 43-

[GINO'S POV]

Habang nag-iinspect ako sa venue ay iniisip ko ang matagal na naming plan ng Adam's team para sa 26th birthday ni Bea.

"Sir, for sure, magiging click yun sa kanya. Since ikaw na rin naman ang nagsabi na hilig niya talaga panoorin ang Kalyeserye di'ba?" Suggestion ni Macy sa amin.

"Oo, Sir. Bebenta din kay Ms. Bea yun pag nag-split screen dubsmash kayo pareho."

Kaya ganun ang naging plano. Pero hindi nila alam na may maliit na detalye akong idinagdag.

For sure tuwang-tuwa si Bea na ma-meet si Richard Faulkerson Jr., bago man lang kami ikasal. At panalo rin ang dubsmash split screen na gimik along with JoWaPao. Sinagot ni dad ang TF ng tatlo dahil plan niya rin na kunin sila in their SWAT sisters character na mag-eendorse ng bagong resort nina Mikko sa Subic.

"Okay na sir, magkasama sila Sir Alden at Ma'am Bea maglunch."

Text sa akin ni Gem iyon. And I admit, planned din yung lunch date nila. Naalala ko tuloy yung meeting namin with them few hours before that scene.

"Walang biro, hawig ka nga talaga ni Alden." Sabi ni Jose Manalo sa akin nung magsuot ako ng shades.

"Naku, baka ma-confuse ako nito," wika naman ni Maine na nagpalipat-lipat ng tingin sa aming dalawa. Magkatabi pa kasi kami ng inupuan ni Alden.

"Wag mong tignan si Maine ng ganyan," game na game sa character niya si Wally aka Lola Nidora na sinisimulan nang ayusan ng mga make up artist at ni Paolo Ballesteros.

Sinabi ko sa kanila ang Kalyeserye scene na gusto ko. All for Bea's grand celebration of her 26th birthday dahil hindi namin nai-celebrate ng maayos ang 25th birthday niya last year. Nakahakot naman kami ng gaganap na quando quando quando dahil sa mga kabahayan malapit sa resort.

Alas-quatro na! Shoot! Eto na yun! Yung surprise birthday party para sa kanya. Nandito na lahat ng guests. Nandito na rin ang Ate Bettina, Kuya Calvin, at Tita Virgie niya. Oo, tama. Palusot ko lang yun kanina. Kasabay namin ng flight sina Jeanette at Calvin. At hindi naman talaga siya nama-malikmata. Mabuti at nagkataong inaantok siya nang bumyahe kami papuntang Palawan kaya napaniwala ko siyang nanlalabo lang ang paningin niya. Bea can be gullible sometimes.

"She's on her way, sir. Kasama niya si Mang Tony," sabi sa akin ni Macy.

"Okay. Sumunod na rin kayo kaagad," of course. Gusto ko rin namang maging part sila ng okasyon na'to.

Ginawa na rin naming host ang JoWaPao para sa event na'to. Nakabihis pa rin sila sa kanilang Lola Costumes at abala sa pagke-kwentuhan. Pinuntahan ko ang kumpulan nila para mangamusta.

"Okay lang po ba kayo diyan, mga dabarkads, este mga lola?" Pabiro kong tanong sa kanila.

"Oo, okay lang kami dito, basta wag mo daw kakalimutan ang pabalot na crocodile sisig ni Ate Nidora," biro ni Paolo aka Lola Tidora sa akin.

"Oo naman. Padadalhan ko na rin ang ibang dabarkads niyo bukas," sabi ko.

"Naku, baka naman atakihin si Nidora niyan, kawawa naman si Yaya!" Nagpabebe wave pa si Maine nang marinig ang sinabing iyon ni Jose aka Lola Tinidora.

Sinenyasan naman ako ni Lola Nidora na lumapit sa kanya.

"Napakabuti mo, hijo. Ipinapakita mong sadyang hindi hadlang ang isang malaking pagkakamali para patunayan sa lahat ng tao na kaya mong bumangon, magbago at masimulang muli. Lahat tayo ay nagkakamali, pero sadyang ang mga taong matatag, nagsisisi, at pursigido lang ang nagwawaging bumangon at magpatuloy muli. Sige, hijo. Eto na ang tamang panahon para sa inyong dalawa ni Yaya Bea," sabi nito at bumeso pa sa akin. Nakapag-mano tuloy ako sa kanya ng wala sa oras kaya natawa sina Paolo at Jose.

At sa wakas, sumenyas ang event coordinator na nasa labas na daw ng tent si Bea. Napansin kong sa backstage na dumaan ang nagmamadaling sina Macy at Nikki. Nakapuwesto na lahat sila kaya nagmadali na akong tumayo sa dulo ng pila.

"This is it, Gino! Goodluck!" Sabay tapik sa akin ni dad at pumunta sa pwesto niya.

Dumoble ang kaba ko nang bumukas ang entrance ng tent. And as Bea was walking slowly, kinanta ni Alden ang version ng "God gave me you" na galing sa album niya.

Dahan-dahan pa ring naglalakad sa aisle si Bea. Kakaiba rin pala ang feeling. Kung hindi lang siguro naka pink na gown si Bea, iisipin kong church wedding na itong nangyayari. Maya't maya rin itong nagpupunas ng luha habang isa-isang kinukuha ang mga rosas na iniaabot sa kanya nga mga taong nakapila sa aisle. Yes, twenty five roses from twenty five persons closest to her heart. Napangiti ako nang sumama ang JoWaPao at si Maine sa pagbibigay ng roses kay Bea. Minsan hiniling niya rin sa akin na makita in person ang mga taong ito. And it's another wish granted to her. Nakita ko pang niyakap siya ni Maine at nginitian. Sumunod doon sina Zoey, Faye, Nikki, Kate, Macy at Julius. Ang lima kong gwapong mga pamangkin, sina Jeannete, Mikko, Helga, at Kuya Enrico. Sina Bettina, Calvin at Tita Virgie. Si Lola Fely, sina mommy at daddy. And yours truly, ang pang 26th rose na bouquet of pink roses ang dala-dala, ang nag iisang lalaking pinakamalapit at bumihag ng puso niya.

Pagkakita sa akin ni Bea ay mahigpit niya akong niyakap, at doon ko narinig ang paghagulgol niya.

"What's wrong?" Tanong ko nang kumalas siya ng pagkakayakap sa akin, pero nakangiti ako ng mga oras na iyon.

"Wala..." halos iyak-tawa ang ginawa niya sa harap ko.

"Surprised?"

Tumango lang siya at nagpupunas pa rin ng luha.

"I told you I'm willing to give you everything, right? You told me I do not need to compensate for all the wrongs I've done, and so I gave you this. All that you will not expect to happen." Pinunasan ko ng daliri ko ang mga luha sa mata niya. "Happy birthday, Beatrize. I love you," and then I kissed her.

"I love you too, Babe."

"Sabi mo pa noon, hindi mo nagugustuhan yung pagiging gastador ko. Baka pag sinabi ko sayo na nagvolunteer ang JoWaPao at Aldub na tulungan ako ngayon, hindi ka maniwala. Kaya sige, magtitipid na ako from now on, para sa future natin."

Nakita ko naman na natawa lang siya.

"Kaya, Beatrize..." lumuhod ako sa harap niya, "marry me, please..."

Natawa na naman siya, palibhasa kasi napatingin siya sa Trio ng Komedya, "nagpropose ka na sa akin, di'ba?"

"The question is... When?"

Nakita ko ang trademark pabebe wave nina Maine at Lola Nidora.

"Sa tamang panahon," nakangiting sabi ni Bea.

"No... Ngayon na!" Ngiting-ngiti naman ako. And that was the Judge's cue para lumapit sa amin.

Oh, I can't hide my smile nang makita ko ang sobrang pagkagulat niya.

The Garcias: Gino - Melting Mr. SubzeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon