Chapter 13

57 0 0
                                    

-Chapter 13-

My Hero!

[BEA'S POV]

Naalimpungatan ako sa phone call ni Sir Gino. Hindi ko kasi kayang gumalaw. Sobrang sakit kasi ng katawan ko.

"Hello?" Sabi ko nang sagutin ko ang tawag niya.

"Bea?"

"Sir Gino? Sorry... Hindi yata ako makakapasok today. Medyo masama ang pakiramdam ko." Agad ko namang paliwanag. Hindi pa nga pala ako nagpapaalam.

"Oh... I see... Sige, magpahinga ka na muna."

Hindi ko naman naman namalayan kung ilang oras na ako nakatulog. Na-alimpungtan na lang ako nang marinig kong may kausap si tita Virgie. Pero gininaw na rin ako nun.

"Bea? Bea...! Gising!" Boses ni Sir Gino yun, hindi ako pwedeng magkamali

"T-t-tita... A-ang l-la-mig. Paki... P-pakipatay nung f-f-fan..." Hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil lamig na lamig na ako.

And in an instant, may bumuhat sa akin para daw isugod ako sa ospital. Hindi ko na namalayan ang mga sumunod na nangyari.

Nagising naman ako dahil parang naririnig ko ang ingay nila Macy, Kate at Nikki. Paano ako napunta sa office? Nang magmulat ako ay nasa isang kwarto ako, at may naka-kabit ng suwero sa kamay ko.

"Ang iingay nyo! Nagising na tuloy si Ms. Bea!" Pabirong sita ni Macy sa kanila.

"Ms. Bea, kamusta na po?" Tanong naman ni Kate at hindi pinansin si Macy.

Sasagot na sana ako nang bumukas ang pinto. Pumasok si Gino kasama ang lola niya. My gosh! Anong ginagawa ng CEO ng Cleopatra dito?!

"Kamusta na, hija?" Tanong sa akin ni Ms. Fely.

"Lola naman. Di'ba sabi ko wag mo munang  kausapin si Bea. Mahina pa yan eh." Bakit ba  si Gino ang sumasagot para sa akin. Siya rin yung nagkwento dun sa tatlo kung ano nga bang nangyari.

"Bakit naman kasi hindi ka kaagad nagpadala sa ospital, mabuti na lang at naagapan 'yang dengue mo." Ako naman ang sinermunan ng lola ni Gino.

Hindi rin naman sila nagtagal dahil lunchtime sila dumalaw sa akin. Pagkalabas naman nila ay dumating na si Tita Virgie at Ate Bettina. Naihain naman ng roomboy ang lunch ko. Inalalayan ako ni ate sa pagkain.

"Kasalanan mo 'to eh. Kung nagpacheck-up ka sana agad, edi hindi ka na kinailangang salinan pa ng dugo." Nangongonsensya pero alam kong nag-aalala si ate sa akin.

"Alam mo namang takot akong tumapak sa ospital, di'ba?" Alam ni ate yun. Nagkaphobia kasi ako dahil huling experience ko sa ospital ay yung... Sabay na pagkamatay nila mama at papa.

"Kahit na! Ang tanda mo na, Bea. Ilang taon na rin naman ang nakalipas simula nang mangyari yun."

Oo, totoo yun. It had been ten years since our parents died from that accident. Masama nun ay birthday ko pa nang araw ding yun. Fourteenth birthday ko na nauwi sa malagim na trahedya.

"Sino nga palang nagsugod sa akin sa ospital. Saka, bakit dito? Mahal dito, di'ba?" Inilibot ko ang paningin.

"Si Gino ang nagsugod sayo dito. Mabuti na lang at nasa bahay siya nang magchill ka." Sabi naman sa akin ni Tita Virgie.

"Nahihiya na ako kay Gino, Bea. Kung hindi mo siguro boss yun, baka isipin kong may gusto siya sa'yo."

"Ate naman. Masyado kang makapagbigay ng malisya. Nagmamalasakit lang naman yung tao."

The Garcias: Gino - Melting Mr. SubzeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon