-Chapter 8-
Salamat sa Kaldereta
[BEA'S POV]
Ang weird. Napakaweird lang talaga! Dalawang buwan na rin ang nakalipas. At dalawang buwan na rin kaming parang aso't pusa nitong boss ko. Sino ba naman kasing magta-tiyaga na maging boss 'to? Palaging highblood, masungit, lagi pang naka-simangot. Naku talaga! Kung wala lang talaga akong special assignment kay Doña Fely, baka matagal na akong nagbigay ng resignation letter sa HR namin!
"Bea, tell me, totoo ba lahat ng narinig ni Rosie tungkol sa inyo ni Gino?" Pilit akong pinapaamin noon ni Boss FLG. Narinig kasi ni Ms. Rosie ang usapan namin ni Gino. Napilitan na tuloy ako umamin at magkwento.
"That's too much. Hindi ko na mapapalampas ang ginawa niya. It's time to teach him a lesson."
Kaya ayan! Ako ang naging kanang kamay-SLASH assistant-SLASH taga-saway-SLASH taga-bantay niya. Hindi naman sa mukhang pera pero may extra perks and freebies din akong nakukuha sa task na'to. Siyempre, kailangan ko kasi ng pangtustos for Masterals kaya dagdag pang tuition din 'to.
Sobrang inis ko naman sa kanya nang hatakin niya ako palabas ng restaurant nung nakipagmeeting kami sa labas kasama si Lyndon. Ako pa daw ba ang ipakilala niyang 'girlfriend' niya?! Why would he do that? Mukhang tinoyo na naman siya dahil hindi na kami nakakuha ng sagot kay Lyndon. Kaya sa iba na lang namin nai-benta yung mga shirts. Buti na lang at naubos kaagad. Start naman kami sa panibagong items. Kailangan naming mabawi ang mga panahong nasayang.
Eto kami ngayon, sa bar ng friend niyang si Ivan. Sabi niya kasi, magcelebrate kami sa pagkakabenta nung isang libong t-shirt sa loob ng isang linggo. Ang sabi niya, dinner lang daw. Hindi ko naman akalain na dito pala kami magdi-dinner.
"Sige, order lang kayo. Sagot ko na!" Mayabang niyang sabi. Dalawang buwan na pero hindi pa rin nababawasan ang kayabangan niya sa katawan. Susme!
"Sige sir, sabi mo yan ah!" Umorder naman sina Julius at Macy ng inumin at pulutan. Patay! Kelan ba ang huling inom ko? Nung graduation ko pa yata! Ilang taon na din yun ah?!
Hindi naman namin namamalayan na habang lumalalim ang gabi ay lalo din kaming nalalasing. Nakasubsob na sa lamesa si Macy. Si Julius naman ay panay ang pasok sa men's room. Nagbabawas yata ng tama. At ako, nakasandal sa upuan, nahihilo na din. Sinubukan kong tumayo para pumunta ng ladies room pero na-out of balance ako.
"Careful, wag mong galusan ang maganda mong mukha." Sabi nung lalaking umalalay sa akin sa pagtayo.
"Uhh... Hehe... Sorry... Medyo tipsy na..." Napasandal ako sa table namin.
"It's okay, normal na yan. But a beautiful lady like you shouldn't be drinking too much. Baka may magbalak ng masama sa'yo nyan."
"Oi! Wag mo nga akong binobola! Walang magkakamali! Takot na lang nilang malahian ng panget!"
"Beatrize!!!" pareho kaming napalingon sa pinanggalingan ng boses na iyon. Napaisip ako. Wala naman kami sa opisina pero kung makatawag siya ng pangalan ko, wagas! Buong-buo!
"Bea po, sir! Bea na lang..." sabi ko. Napatingin na tuloy sa akin yung ibang customers ng bar. Nakakahiya!
Lumapit naman si bossing at hinawakan ang kamay ko.
"Sige 'pre, siya pala ang kasama mo. Thanks for dropping by tonight." Nakita kong tinapik ng lalaking kausap ko kanina si Boss Gino.
"Pasensya na, Ivan. Hindi ko alam na magkakalat lang siya dito."
![](https://img.wattpad.com/cover/21257105-288-k896167.jpg)