Chapter 31

53 0 0
                                    

-Chapter 31-

[BEA'S POV]

"Are you sure you're goin' to do that?" Tanong sa akin ni Arthur.

He offered his help para tigilan na ako ni Gino at para magmove-on na siya. Though he is hesitant dahil nga sa pinsan niya ito.

"I can help you. Kaya lang, paniguradong magagalit siya ng sobra sa akin."

"Its... Its your choice..."

Tinulungan nya naman ako kahit nagdadalawang- isip siya.

Madalas naman niya akong sunduin sa school, dahil alam namin na pinababantayan ako ni Gino sa private investigator niya. Isang beses ay bigla niya akong tinawagan dahil sabi niya ay nakaabang daw si Gino sa parking ng school. Nakaabang na rin pala siya. Kaya pagkalabas ko ng gate ay kaagad siyang nagmaneho para mag-abang sa driveway ng school.

"He's here. Nakapark ang kotse niya dito, and gamit niya ang kotse ni Enrico." Pabulong niyang sabi sa akin nang makababa siya ng kotse. Nagulat naman ako dahil kumpleto pa siya sa 'props'.

"Okay. Thank you for telling me." Mukha namang nahalata ni Arthur kung saan ako nakatingin.

"Oh, these... Sorry, but uhm, I really bought you flowers. Para ngumiti ka naman."

Mukha namang effective ang flowers at valid ang reason niya. Sumakay na rin ako sa kotse para makauwi na.

"Now, he's following us."

"Makulit lang talaga yang pinsan mo na yan."

"Baka naman he's really dead serious to win you back. If he is, you already know my side. Team Beatrize kaya ako!"

"Ikaw talaga, Art!"

"Come on! Tumatanda na si Gino, pakasal na kung mahal niyo rin naman ang isa't isa."

Tumawa lang ako.

Pagpasok naman sa parking ng condo ay pasimple ring nakabuntot sa amin si Gino. Kaagad akong inalalayan ni Arthur para makababa ng kotse.

"Sabi ko sa'yo, susundan niya tayo." Pabulong niyang sabi sa akin. "Now, pretend na nag-uusap tayo bago tayo umakyat sa unit nyo."

Ngumiti ako, "Do I really have to do that?" Nakangiti kong bulong sa kanya.

"Panigurado kong nanggigigil na yun sa akin." Hinawakan kunwari ni Arthur ang kamay ko at dinala sa pingi niya.

Nagulat naman kami ng biglang may bumusina.

"Now, he's really, really jealous. Let's go na. Baka bumaba pa yun at sugurin pa ako. Mahirap nang maupakan ng isang 'to. Sanay 'to sa umbagan eh." Umakbay sa akin si Arthur at pumunta na kami sa elevator.

Sa totoo lang, dama ko ng nagsisisi si Gino. Ramdam ko na sincere siya sa pagso-sorry sa akin. At alam kong nasasaktan siya sa tuwing makikita niya na magkasama kami ni Arthur.

"Bakit mo nga naman kasi kailangan pang pagselosin si Gino, eh nakikita mo naman pala ang pag-eeffort nya." Sabi sa akin ni Thea.

"Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko."

"Bakit kasi hindi mo pa pagbigyan? Kung mahal mo naman yung tao, bakit pa kailangang patagalin, di'ba?"

Para namang kinapa ko ang sarili ko kung mahal ko pa ba talaga si Gino.

Himala namang hindi ako sinundo ni Arthur nung isang gabi. Siguro ay busy sa practice. Pero, hindi na rin ako nagtanong. May sarili rin naman siyang buhay. He became a very good friend, at maswerte ang babaeng mamahalin niya. Yun nga lang ay mukhang wala pa sa isip niya ang pagse-settle down.

The Garcias: Gino - Melting Mr. SubzeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon