-Chapter 10-
Coffee Sir?
[BEA'S POV]
Dumating naman ang pagpresent namin sa board at stockholders ng new product line na sinasabi ni Boss FLG. Medyo kabado kasi ako ang ginawang spokeperson ng unggoy na boss ko. Bakit ba kasi palagi ko na lang siyang pinagbibigyan ngayon. Mukhang malalagot ako nito sa lola niya pag nalamang ako ang nagiging sunud-sunuran at hindi siya.
"Ano ba yan, Ms. Bea! Kanina ka pa palakad-lakad. Ako ang nahihilo sa'yo." Biro sa akin ni Macy.
"Nakaka-kaba kasi. First time ko magpe-present sa board. I mean, eto na kasi yun. Pag nagustuhan ng board, magiging official na ang Men's line natin."
"Uhm... Kaya mo yan, Madam! Saka andyan naman for sure si Boss Gino."
At yun na nga. Pagpasok namin sa boardroom ay nakahanda na ang lahat. I have to compose myself in front of them. Mabuti na lang at si Gino ang sumasagot kapag may questions sila. And at last, nakaraos din, with the approval of the board pa!
"Thank you, Bea, for that wonderful presentation." Kinamayan naman ako ni Boss FLG.
"You're welcome, Ma'am."
Tuwang-tuwa naman ang team namin nang sa wakas ay approved na ang "Adam's". Ito ang brand name na naisip ng magaling naming boss. Para nga naman daw kasi madaling tandaan.
"So may reason na naman pala tayo para magcelebrate?" sabi ni Julius.
"Tara! Lunch out tayo, Ms. Bea!" nagyaya naman si Macy.
"Saan naman?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
Bigla namang pumasok si Gino sa eksena.
"Sige, guys, sagot ko na! Punta tayo sa Centerstage after office hours," sabi nito.
"Yown! Videoke time na mamaya!" Tuwang-tuwa namang sabi ni Macy.
Naging busy pa rin naman kami after ng success ng proposal ng Adam's. Maya-maya ay nagulat na lang ako nang may ibigay sa aking bouquet ng bulaklak yung receptionist namin.
"Sure ka bang sa akin yan?" Tanong ko sa kanya.
"Eh, ma'am nakapangalan kasi sa inyo eh, siguro naman po wala ng ibang Bea Punzalan dito sa floor natin?" Pinilit ko siyang ngitian kahit nairita ako sa pagka-pilosopa niya.
"Sige, thank you."
"Wow naman! Akalain mong may admirer ka na?!" Mukhang may balak na naman makipag-asaran si Gino.
"Naku! Wag ka nga mang-asar diyan. Wala ngang nakalagay kung kanino galing eh!"
"Eh... Baka naman kay Kenneth?" Naalala ko nga pala. Nagresign na kasi si Kenneth bago pa ako ma-promote. May opportunity kasi siya sa ibang bansa kaya naisipan niyang magresign na lang. "Namiss ka yata ng boyfriend mo eh."
"Hindi ko boyfriend si Kenneth 'no!"
"Weh!!!"
"Ewan ko sa'yo! Wala nga ako sa mood makipag-asaran."
"Wag ka ng mainis. Ayan o, gumaganda ka na. May nagbibigay na sa iyo ng flowers eh."
"Tseh! Tumigil ka na nga dyan!" Ako lang ang nakakagawa sa kanya ng ganyan. At pag closed-door ang office namin. Baka kasi mamaya, may makarinig, makasuhan pa ako ng insubordination.
"Obviously, you are blushing. Pulang-pula ka o!" Napagtripan na naman ako ni unggoy! Hindi na Mr. Sub Zero ang tawag ko sa kanya ngayon. Ewan ko ba! Nasanay na din yata ako sa kayabangan niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/21257105-288-k896167.jpg)